"Hey! Describe the place!" Napangiwi ako sa sigaw ni Jackie sa kabilang linya.
Inayos ko ang sarili ko at nilunok ang batong bumabara sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim.
"Don't worry. Alam ko ang daan." Ngumiti ako kahit hindi niya kita iyon.
"You sure?"
"Yep. Sige na. Papunta na ako."
Naglakad ako pabalik at lumiko gaya ng sinabi nila kanina. Bakit ganun ang naramdaman ko nung nakita kong halikan nung babae yung lalaking sinundan ko? Shanna Rowles... Allen... Sino ba sila?
Nakarating ako ng canteen at nakita ko agad ang mga kaibigan ko. May kasama silang mga lalaki na hindi ko kilala.
"Hi!" Nakangiti kong bati sa kanila.
Lumingon silang lahat sakin. Umupo ako sa tabi ni Kate.
"Sino sila?" Nginuso ko ang apat na lalaki sa kabilang upuan.
"Si Crent, boyfriend ni Helga-"
"May boyfriend ka?" Napatakip ako ng bibig. Sumimangot lang si Helga sa reaksyon ko. "Joke lang!" Tumawa ako.
Hinampas ako ni Kate kaya tinitigan ko siya ng masama. "Lintek! Masakit!"
"Patapusin mo muna kasi ako!" Pinandilatan niya ako ng mga mata. Tinignan ko na lang ulit ang mga lalaki sa harapan namin. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatitig sakin. Ngumiti lang ako.
"Si Nick, ang boyfie ni Jack 'n Jill." Humalakhak si Kate pero walang tumawa sa joke niya. "Si Harry, ang bestfriend mo. At si Ylac ang boylet ko." Kinilig pa siya nung banggitin si Ylac.
"Hello." Kumaway ako sa kanila. "Harry? Bestfriend kita?"
Tumango ng wala sa sarili si Harry. Nilapit ko ang mukha ko kay Kate at bumulong.
"Bakit parang nakakita siya ng multo?"
"Hyper ka na kasi di tulad ng dati." Bulong din niya.
Hindi ko na lang pinansin iyon. Tahimik lang ba ako dati? Mahiyain? Ewan ko! Marami pa akong hindi alam sa dating ako.
"K-Kamusta?" Tanong ni Harry.
"Okay lang." Sagot ko. "Wala kang uniform?"
"College na kasi ako." Namumula ang kanyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit.
Nagkwentuhan muna kami bago pumasok. Si Harry ay nauna na dahil male late na daw siya sa first class niya. Sina Crent at Nick ay iniwan na namin sa caf.
Hindi pa kami nakakalayo sa table namin ay may grupo ng mga lalaki kaming nakasalubong. Kabilang dun si Allen na sinundan ko kanina. Ni hindi niya ako nilingon pero lahat ng kasama niya ay tumingin sakin. Hindi ko naman maipaliwanag kung anong klaseng tingin ba iyon.
"Kilala niyo ba sila?" Tanong ko sa mga kasama ko nang nasa labas na kami ng caf.
Nag iwas sila ng tingin at lahat sila ay namutla. "May itinatago ba kayo sakin?" Tanong ko pa.
"W-Wala!" Tumingin sakin si Kate. "Sila ang Court Phantoms-" Siniko siya ni Jackie. Pinagtaasan ko sila ng kilay.
"3rd yr college na yung mga yun." Dagdag ni Jackie.
"Crent is one of them." Singit naman ni Helga.
Hindi ko na sila tinanong pa ulit. I know, may hindi sila sinasabi sakin. Gusto kong bumalik na ang alaala ko pero sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit ko. Puro kwento lang ang mga nalalaman ko sa aking nakaraan.
Pumasok na kami sa classroom namin. May mga bumati sakin at nagpakilala. Sinabi rin nilang volleyball player ako. Ako pa nga raw ang captain ball. Pero bakit parang hindi ko hilig maglaro nun? Iniisip ko pa lang ay di ko na kayang laruin.
"Uy! Alam niyo ba na yung English teacher natin ay papagawan daw tayo ng 100 sentences including vocabularies. At dapat daw ay correct grammar." Humilig pa talaga sa upuan si Chris para lang sabihin samin yun.
"Sows! Hindi totoo yun!" Singit naman nung maitim na babae. Vera daw yata ang pangalan niya.
"Kelan daw ba?" Tanong ko.
"Sa March pa ata." Humalakhak si Chris pero walang nakitawa sa kanya.
"Alam mo, Chris?" Nilapit ni Kate ang mukha niya kay Chris. "Manahimik ka na lang!" Sabi niya at sinapok si Chris.
Nagtawanan kami. Nanahimik nga si Chris pero dumating na rin naman ang teacher namin. Dahil first day ay puro pagpapakilala muna. Yung iba naman ay lectures muna at may mga pahapyaw na rin na nag discuss.
Ganun palagi kami araw araw tuwing may pasok. Maagang pupunta ng school at magtatambay sa caf para magkwentuhan. Sabay sabay papasok at uuwi dahil magkakaklase naman kami nina Helga, Jackie, Kate, at Ylac.
Nang minsang araw ay ipinatawag ako ng coach ng volleyball. Kailangan na daw magpractice dahil may laban sa kabilang school. Sinoot ko ang uniform ko at agad na pinuntahan ang coach namin.
"Coach..." Kinagat ko ang labi ko. Nahihiya ako. Ayoko ng maglaro dahil baka mapahiya ako. Wala akong alam sa paglalaro nito.
"Mag warm up na kayo. Natasha, pangunahan mo na!" Pumalakpak na ang coach at wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Kahit ang pagwawarm up ay hindi ko na alam. Sinunod ko na lang ang warm up na ginagawa namin tuwing Mapeh. Binulungan ko rin si Vera na tumabi sakin.
"I'll follow you." Bulong ko kay Vera.
"Huh?"
"Warm up exercise!" Utas ko saka umirap.
Pinagpapawisan na ako rito. 5 minutes ang naging warm up namin. Pagkatapos ay nagpwesto na kami sa court. First six laban sa mga ka teammates namin na hindi kasali sa first six.
Pumito ang referee at si Vera ang nasa back liner. Lumipad ang bola sa kabilang team. Si no. 6 ang tumira at lumipad ulit ang bola papunta samin. Papunta sakin ang bola. Tinira ko ito pero nasaktan ang dalawang kamay ko.
Napaupo ako. Yung bola ay hindi man lang lumagpas sa net. Pumito ulit ang referee.
"WHAT'S HAPPENING WITH YOU NATASHA?" Napangiwi ako sa sigaw ni coach.
Nagpatuloy kami sa paglalaro pero palaging ganun. Kapag sakin ang bola ay hindi ito lumalagpas sa net. Pinag break muna ako ni coach. Pina sub muna ako kay no. 20.
"Ano bang nangyari? Natasha! Don't tell me, kasamang nawala yang pagkahilig mo sa paglalaro ng volleyball?" Sigaw ni coach sakin.
Napapalingon na sakin ang iba kong ka teammates, maging ang mga nakasalang sa paglalaro. Yumuko na lang ako at pinigilan ang pagluha.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Historia CortaCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...