Chapter 1

66 11 4
                                        

Yuna's POV


Ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking  katawan. Madilim na din ang kalangitan. Wala na ding mga tao ang makikita sa labas ng kanilang tahanan.

“Mag-a-alas syete na pala,” malumanay kong saad habang nakatingin sa basag kong relo sa aking kanang kamay. “Hindi ko yata na malayan ang oras kanina.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa maliit na eskeneta kahit ilang hakbang nalang ay maari na akong matumba dahil sa sakit ng katawan. Mahigpit ang kapit ko sa jacket na bumabalot sa'kin.

Hindi ko namamalayan ang butil ng luhang lumalandas sa mapupungay kong mga mata. Hindi ko na ito napigilan at humikbi nalang. Siguro ay hindi na kaya ng mga mata ko ang pagpapanggap na ayos lang.

“Yuna, kaya mo 'to. Diba kaya mo. Diba?” pagkukumbinsi ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala. “Ilang metro nalang makakauwi na. Kaya mo 'to.”

Ngunit sa limang hakbang ay natumba na ako. Namamanhid na ang buong katawan dahil sa pagod buong araw kong paglilinis ng malawak na gym.

Hinayaan ko ang sariling mahiga sa maduming semento. Tanaw ko ang mga kumikinang na bituin sa itaas.

“Ba't ang unfair ng mundo? Masama ba akong tao sa past life ko? Kaya ganito ka galit sa'kin ang mundo!” Marami man akong gustong isigaw ay alam kong walang makakaintindi. Isa lamang akong anak na inambaduna ng sariling ama, mahina at walang pamilya.

Ilang minuto ang nakalipas ay dahan-dahan na akong tumayo dahil tumutunog kong tiyan.

Napatingin agad ako sa kumikinang na bagay sa likod ng basurahan. Dahil sa kuryusidad ay nilapitan ko ito.

“Libro?” manghang saad ko sa hawak kong bagay.

Isa itong librong itik na may detalying gento ang kulay na border sa kober na may tutulong "Fate".  Wala anumang nakasulat maliban sa unang pahina.

“Cuya vida debe ser escrita : por fabor, indique el nombre en esta página,” taimtim kong bigkas. Hindi ko din maintindihan dahil sa ibang lengwahe ito.

“Dapat pala hindi ako nagpapa-excuse sa Spanish Class.” bulong ko sa aking sarili.

Ang dilim na sa daan at na alala kong marami pa akong dapat gawin. Kinuha ko na ang libro at nagpatuloy ako sa paglakad pauwi habang iniinda ang sakit.

Nang makauwi na ay agad akong tumungo sa banyo upang paliguan ang sarili. Kita ko ang mga pasang nakaukit sa aking balat. Pikit matang iniinda ang sakit. Nang matapos na ay agad akong nagbihis at nagluto ng hapunan at kumain.

*ring ring ring*

Agad kong sinagot ang tawag na walang tingin-tingin sa caller. “Hello?”

“Did you already finish my homework?” Tanong ng taong nasa kabilang linya. Kahit alam kong malayo siya ay tumitindig ang mga balahibo at pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko.

“Hey!”

“G-gagawin ko palang,” kanda utal-utal kong sagot.

You better finish that tonight. Once I didn't pass my homework on time. You know the consequence, Yuna.”

“O-op—” Agad nitong binaba ang tawag.

Napaupo ako sa sahig pagkatapos ng tawag. Hindi pwedeng hindi ko matapos itong lahat. Nanlalambot akong tumungo sa mesa kong puno ng homework at outputs at napatingin sa orasan. Mag-alas nuebe na. Nanginginig akong umupo at tiningnan ang mga papel.

'Kaya mo 'ito, Yuna. Matatapos mo' to.'

Natapos ko na ang lahat ngunit alas kwatro na ng umaga, ramdam ko na pag bibigat ng aking katawan.

Napabalikwas nalang bigla akong upuan ng makitang nakabukas ang libro at lumiliwanag ang unang pahina at parang bang kung ano ang bumubulong sakin nito.

“Cuya vida debe ser escrita : por fabor, indique el nombre en esta página”  (Whose life to be written: please indicate the name on this page)

Walang anong malay na sinusulat ko na pala ang kanyang pangalan.

'Zayd Jaxon Fuentes'

Lumiwanag ang buong kwarto habang lumilitaw ang mga letrang umuukit sa mga pahina ng libro. Nang matapos ito ay iyon rin ang pagbasak ng aking katawan sa sahig at nawalan ng malay.

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now