Chapter 8

4 2 0
                                    

Yuna's POV

Sa aking pagdalaw sa puntod ni mama ay nakita ko ang isang basket ng sunflowers at dilaw na kandila. Mga paborito ito ni mama dahil sa isa ang mga ito ang nagsisimbolo kung ano siya. Binaba ko ang dala kong gumamela na pinitas ko lang sa gilid ng kalsada papunta dito.

“Naalala ka padin pala niya,” bulong ko. “Kung kaylan wala ka na.”

Umupo muna ako sa harap ng lapida. Ilang minutong nakatingin sa bulaklak na para bang hinihikayat akong kunin ito.

“Pasensya na ma ito lang ang dala ko. Hiramin ko muna itong bulaklak mo ma.”

Isang litrato ang bumungad sa akin. Ako ito habang hawak ang librong itim sa loob ng bahay. Nakadikit ito sa isang note na may sulat na 'Be careful what you had written'.

“P-paanong—” kinakabahan kong saad sa hawak kong litrato. Bumibilis na rin ang tibok ng puso dahil sa kabang binabalot ako. “I-imposibling—” Napatayo ako at aligagang naglinga-linga sa paligid ngunit wala akong nakitang kahinala-hinala.

Nanginginig kong linagay sa bulsa ng jumper ko ang litrato at ang note. Naupo na ulit ako habang pinapakalma ang sarili.

“H-hindi pala yung lalaking ang nagbigay ng bulaklak ma,” saad ko habang nakatingin sa basket. “M-may na una pala yatang mag kwento sayo ng librong nakuha ko. Una na po ako, ma.”

Puno ng katanungan ang isip ko habang naglalakad. Panong may nakakaalam ng paboritong bulakalak at kulay ni mama? Papanong may litrato ako habang hawak ang libro? Papanong alam niya ang puntod ni mama? Alam niya ba kung ano ang itmi na libro?

“Hoy! Bata tumingin ka sa dinadaraanan mo!”  sigaw ng driver ng pulang kotse na muntikan na akong magasaan. “Pati ako idadamay mo sa problema mo!”

“S-sorry po,” pagpaumanhin ko dito.

Hindi ko na pansin na nawawala ako sa realidad. Nagderitso ako sa isang lumang bookstore na tinatambayan ko.

“Nandito ka na naman. Lunes na lunes!” Bungad na pagsita sakin ng may aring si Tiyo Manuel. “Anong nangyari sayo at mukha kang nakakitang multo?”

“Hindi na po ako pumasok at pumunta lang po ako sa puntod ni ma,” sagot ko dito habang nakatingin sa mga lumang book shelves. “Mas malala pa po sa multo.” Pagbulong ko na hindi niya narinig.

“Ohsiya, iwan na kita. Pupuntahan ko pa si Tiya Isabel mo at siguradong galit na naman yun.”

“Opo.”

Nang makaalis na siya ay agad ako tumungo sa pinakahuling bookshelf. Doon ay nakita ko ang lumang mesa at upuan. Kinuha ko sa bulsa ko ang litrato at note.

“Paano mo nakuha ang angulong ito at ano ba ang pinapahiwatig mo.”

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now