Yuna's POV
Pagkalabas ko ng kwarto, napansin ko ang babaeng nakasuot ng veil na hawak na abong pluma ang muling lumitaw na lumulutang sa libro. Hindi ko muna ito pinansin at naghanda na ng makakain. Matapos ang ilang minuto, natapos na ako sa pagluto at napansin ko na din ang nakasarado na ang libro. Kumain na ako habang binabasa ang panibagong sinulat ng babae tungkol sa buhay ni Zayd.
“May plano na naman kayo,” saad ko habang nakatingin sa pahina. Binaba ko ang libro at kinuha ang ballpen at pinaglaruan ito sa kamay. “Matutuloy yan kung hahayaan ko kayo pero hindi eh. Hindi na ako si Yuna na takot sainyo.”
Sinumulan ko ng magsulat sa blankong pahina na mahahack ang cellphone ni Archie upang walang mailabas na litrato kong magpapahiya sakin at muling pahirapan sa sakit si Zayd. Nalilimutan niya yata may sakit siya. Nagsimula itong mag liwanag ng iniwan ko na ito sa mesa.
Buong maghapon kong pinaglaroan ang kapalaran ni Zayd. Pinalabas ang ilang mga litratong alam kong kanyang kinakahiya, pinapalala ang sakit ng ulo at gawing malas ang kanyang araw. Gabi na ng binitawan ko ang libro.
“Lunes na naman bukas,” saad ko sa sarili habang nakatingin sa kalendaryo at napansin ang petsa kinabukasan. “Anim na taon na pala, Mama.”
October 17, 2016. Ito ang ika-anim na anibersaryo ng pagkamatay ni mama.
“Anim na taon na pala wala akong ina.” Pagak akong natawa ng maalalang may dalawa pa pala akong dapat ipagdiriwang. “Tatlong taon naman akong nagdudusa sa pambubully ng mga taong walang magawa sa mundo kundi maging magpahirap ng mahina. Walong taon naman ng iniwan kami ni papa.”
Ang tawa nauwi sa luha kalaunan. Mga luhang sumisigaw na pagod na ako. Ilang oras na hagkan ang sarili habang walang hinto sa pagiyak. Ang talakulap ng mga mata ay bumibigay na dahil sa bigat at inagaw na ako ng dilim.
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog sa sinag ng araw ng gagaling sa bintana na tumatama sa mukha ko. Napabalikwas bigla ako sa kama at agad hinarap ang orasan ngunit napasampal nalang ako sa aking pisngi ng makita kung oras na akong nagising. 8:30 na ng umaga pala.
Hinanap ko nalang ang aking jumper na nirengalo ko sa sarili at ang puting t-shirt bago pumasok sa banyo upang maligo.
“Puntahan ko nalang si mama,” naisip ko. “Wala naman akong magagawa dito kundi oag laruan ang libro.”
YOU ARE READING
Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED)
FantasyYuna Alexis Hernandez stumbled upon a mysterious book hidden behind a trash can. This book had an extraordinary power - writing a person's name in it would reveal their life. By accident, Yuna wrote the name of her bully, Zayd Jaxon Fuentes, not rea...
