Yuna's POV
Buong mag hapon ay wala akong nagawa kundi tingnan lang ang litrato kasama ang note. Umuwi na ako ng bandang alas kwatro kahit gusto pa akong pa meryandahin ni Tiya Isabel sa kanila ay tinanggihan ko na lamang.
Nagmamadali akong umuwi na parang may tinatakasan na kung ano o sino. Linock ko ang lahat na bintana at pinto ng bahay.
Nandito ako ngayon sa may kusina habang naka upo kaharap ang librong sinusulatan ng babaeng naka veil habang hawak ang abong pluma.
“A-ano bang meron sa librong ito?” Hindi ko maiwasan maitanong habang naalala ko ang litrato at ang nakasulat sa note. “M-meron bang kapalit ang kung anong sinulat ko sa libro?”
Nabigla ako ng bigla itong tumigil at tumingin sakin. Hindi ko makita ang buong mukha nito dahil sa veil ngunit para bang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Naglaho na ito kasama ang pluma kasabay ng pag sarado ng libro.
Natulog akong puno mg katanungan at takot na nabubuo. Imposibleng may taong makapagcapture ng litratong hawak ang libro na nasa loob ako ng bahay at alam na may sinusulat ako sa libro ang buhay ni Zayd.
Nagising na ako ng alas singko ng umaga at hinanda na ang lahat ng gamit at pag-asikaso sa sarili. Kinuha ko ang librong nasa mesa at tinago ito sa ilalim ng kama. Bago pa man akong umalis ng bahay ay sinigurado ko munang ang lahat ng bintana at pinto ay naka sarado.
Habang naglalakad sa eskinita ay kapansin-pansin ang isang itim na sobre na may gintong seal sa ibabaw ng isang basurahan. Pareho ang desenyo nito sa kober ng libro.
Kabadong binuksan ko ito. “Be careful what you had written,” basa ko sa puting papel sa loob at isang litrato na nagpapakita na may sinusulat ako na naman sa libro. Mukhang kuha ito noong linggo kaya ng litratong nakuha ko kahapon.
“S-sosyal na yata ang nagbibigay ng warning,” pagbibiro ko sa sarili upang kumalma papano ang pintig ng puso dahil sa kaba. “M-may stalker na yata ako.”
Lakad takbo kong iniwan ang eskinita. Hindi na ako mapakali sa paligid ko. Na para bang may nakatingin sakin kung saan at para akong sinusundan.
“Ang paranoid mo, Yuna.”
YOU ARE READING
Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED)
FantasyYuna Alexis Hernandez stumbled upon a mysterious book hidden behind a trash can. This book had an extraordinary power - writing a person's name in it would reveal their life. By accident, Yuna wrote the name of her bully, Zayd Jaxon Fuentes, not rea...
