Chapter 18

4 1 0
                                    

Yuna's POV

Nakatulala akong nakatingin sa kisame, pagkatapos ng nangyari kahapon. Parang gusto ko nalang maging isang mushroom dahil sa kahihiyan naganap sa condo niya.

"Anong bang nakain non?" tanong ko sa sarili. "Hasyttt, lunes na naman bukas. Wala pa akong nasusulat." Napasilip ako sa librong nasa mesa na lagi kong pinaglalagyan. Iniiwasan ko ito simula kahapon pa. Kahit isang ruler ang layo nito ay mas linalayo ko pa ang sarili.

Hindi ko alam kung isa itong mahiwagang libro o isang sinumpang libro. Kung sumpa man ay hindi ko alam ang gagawin ko.

'Hindi naman sigurong babalik sakin ang lahat ng pinag gagawa ko.'

Nagbigla ako dahil sa pagbiglang liwanag ng buong kwarto habang nakatingin ako sa libro. Ganon nalang rin ang pag bukas ng nito at pag labas ng babae. Ngunit kakaiba ngayon, ang mga labi nito ay may mukhang gustong sabihin. Sinumulan niyang ikumpas ang abong pluma sa hangin naging dahilan upang lumitaw ang mga letrang na bubuo at umuukit sa libro. Kung gaya sa dati ay binabasa ko ito pagkatapos, ngayon nihindi ko kayang lapitan k hawakan ito.

"Bahala ka jan," saad ko ng makitang sarado na ang libro. Nahiga na ako sa kama at hinagkan ang isang unan. "Ba't kasi buwan-buwan dinadalaw ako."

***

Pangatlong araw ko na may dalaw at ngayon din ang simula ng Game Festival na pinaghandaan ng lahat. Isang linggo pokus sa mga palaro, banda at kung ano pa ang unibersidad. Wala din na uniform o dress code na required na dapat sundin, syempre maliban sakin dahil sa lalaking yun.

"Ba't ba ang malas ko!" Hindi pwedeng hindi ko isuot ang binigay niya dahil sa picture kong nakasuot ng binigay niyang damit. "May araw ka talaga sa'kin."

Naputol lang ang pagrereklamo ko sa pag ring ng cellphone. Inis kong sinagot ang tawag, "Ito na nakabihis na!"

"Tsk. Your almost late and I hate-"

"Late comers, OO NA!" Pagputol ko sa sasabihin niya. "Atat na atat ka eh may 30 minutos pa bago malate, okay!?"

"Fine, just be here ALREADY!"

Kainis. Dali-dali ko ng inayos ang sarili at ang bag na dadalhin ko. Kinuha ko na din ang libro para gamitin ito pag nasubrang pikon na ako sa lalaking iyon.

"Bahala na kung magpakita ka pa sakin kung sino ka mang nilalang."

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now