Chapter 30: Ending

11 0 0
                                        

Yuna's POV


Nasaan ako? Pagkagising ko, nasa isang hardin na ako. Yinalong ko ang sarili, at napansin kong wala ang sugat ko mula sa aksidente—

'Tama na! Naaksidente ako. Pero?'
|
“May tao ba dito?” tanong ko habang naglalakad. Punong-puno ito ng mga bulaklak na paborito ni mama. “Ma, kukunin niyo na ba ako?”

“Your inside in my dimension, Yuna.” Isang boses na biglang sumulpot sa gilid. Isang babaeng kay ganda. Suot nito ang gintong bistida habang ang buhok ay nakabuhaghag. “I'm Fayetteville. Looks like you didn't recognize me.”

“Bakit nandito ako?”

“This dimension can connect me to my master and the real owner of Fate,” sagot nito sa tanong ko. “It's the time for the end to disappear.”

“Huli na pala.”

“No, you still have a choice Yuna. As I said, everything has its own reason. Why Fate appears to you. I chose you. Not to grant misfortune but for you to understand. The world isn't unfair; people are. But it doesn't mean that they can't change.” Lumakad siya patungo sa isang fountain nasinundan ko. “Look at your own reflection. It shows your real body state. You changed Zayd's life in the last minute without writing as much as you need.”

“Tama siya, Yuna. Nangyari parin ang tama. Nabago mo si Zayd kahit sinulatan mo ang libro ng mga misfortunes para sa iyong paghihiganti. Pero hindi mo nakita na unti-unti na nababago siya.” Ang taong nakilala ko sa hardin ang lumabas sa gilid. “Hindi pa ako nagpapakilala. Ako ang totoong may-ari ng librong hawak mo at hawak ni Atticus.”

“Bakit may ganitong libro? Alam mo ba ang nangyayari dahil sa libro mo!”

“Isa lang itong pagsusulit sa mga taong kagaya mo.” Napahinto ako sa dahil sa sagot nito.

“Si Atticus ang may hawak ng libro na ikaw ang paksa. Siya ang dahilan kung bakit ka nabangga. Huwag kang mag-aalala, ngayon ang araw ng paglaho ng tinta sa kanyang libro. Kasama niya ngayon si Eon. Siya na ang bahala sa kanya.”

“It's time for you to wake up, My Master.”

“Sana sa iyong pagbuklat ng mga mata ay malaman mo na ang mga nangyayari ay may dahilan. Huwag mo sanang kami kalimutan at ang aral. Latvian ang aking pangalan.”

'Sandali! May gusto pa akong itanong!' sigaw ko ngunit wala akong narinig na boses na lumalabas sa aking bibig. Nakangiti sila bago pa man dumilim ang aking paningin.

Naramdaman ko ang patak ng mga luha sa kamay ko habang hawak ito ng kung sino. Pinilit kong dumilat at bumungad ang puting kisame.

“N-nasan ako?” paos kong tanong.

“Yuna? Yuna? You're awake— NURSE!” sigaw ni Zayd ng mapansin akong gising na. “I thought I would lose you.”

“H-ha? A-anong pinagsasabi mo, Zayd? D-diba galit ka sa akin? Bully diba kita.”

“Y-you don't remember?” bakas sa boses nito ang takot. “D-do you remember I'm your boyfriend?”

“Ano ba pinag-sasabi mo. Nasa gym dapat ako lumilinis.”

“Stop joking, please.”

Hindi ko mapigilan matawa sa ekspresyon niya. “Oo na alala ko. Pero hindi ko maalalang maayos.”

“Don't force yourself. You've been in a coma for a month. The doctor predicted that some of your memories will be gone.”

“Anong libro yan?”

“It's the Fate book,” sagot nito. “You own it. You don't remember?”

Tumango ako dito bilang pagsang-ayon. Wala akong maalalang kahit kunti na may ganyang libro. Saan ko ba 'yan nakuha?

'We hope you're happy to start life once again.'

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now