Chapter 21

7 1 0
                                        

Yuna's POV


“It's weird right. Forget it, anyway.” Huling saad niya bago pa ayain na ako nitong umalis na para bang wala nangyari.

“S-sige.”

Naghiwalay muna kaming dalawa ngayong araw. Pumunta ako sa lumang garden, siniguro kong walang tao kundi ako lang. Linabas ko ang librong linagay ko sa bag. Hinanap ang pahina kung saan paano niya nakalap ang notes.

“Paanong may nakakaalam na hawak ko ang fate ni Zayd sa una palang?” kabadong tanong ko sa sarili. “Sino pa ang nakakaalam?”

Tinago ko ng mabuti ang libro sa loob ng bag ko at lutang na lalakad sana paalis ng hardin ng—

“I did warned you but you didn't take it seriously,” isang malamig na boses saad ng kung sinong nasa likod ko. Pamilyar ang tono ng boses nito. “The Books of fate has two owners. You and someone.”

Ang boses na 'to sigurado akong ito din ang nag pakita sakin ng umagang yon. Akmang lilingon sana ako.

“Don't turn around. Take my warning seriously. Don't let yourself be in trouble.”

“Sino ka ba? Ano ba ang librong ito?”

“You'll know soon. It's not the right time.”

Ramdam ko nalang ang pagbilang laho nito sa likuran ko. Isa lang ang masasabi ko kung sino man ang taong may hawak ng parehas na libro, may kung ano plano ito. Pero sino?

Natapos ang araw na lutang ako. Ilang beses na akong tinawag ni Zayd ngunit para akong walang naririnig.

“Bro, ayos pa ba yang jowa mo?”

“You can company her to the clinic. Kami na bahala dito ni Archi.”

Ramdam ko ang biglang paghigit sakin ni Zayd para matauhan ako. “Let's go to the clinic.” Hawak na nito ang bag ko.

“Ayos lang ako. Mag perform ulit kayo mamaya, doon ka na sa mga kaibigan mo mag practice,” pilit ngiti kong saad sa kanya.

“You sure? You look pale. You don't have sick?” Pag-alala nito na tinanguan ko lang. “You can go home if you want to.”

“Dito nalang ako. Mukhang kill joy naman kung ganon,” pagrarason ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko kaya ayaw ko maiwan mag isa.

Binaba niya ang hawak niyang bag at linagay sa coach at pinaupo ako. Tahimik ko silang pinagmasdan habang nagpractice.

'Kung ginamit ko ba ang libro sa tama. Ganito ba ang mangyayari?'

Oras na ng kanilang pagperform sa stage. Sa unahan ako umupo para makita silang mabuti yun rin pala ang maling nagawa ko sa araw na 'to. Nakita ko ang pigura na nasa gilid ng stage. Isang taong hawak ang libro at may kung anong babae ang lumilitaw sa katabi niya. Isang ngisi ang binigay nito sakin bago umalis.

“S-sino k-ka?”

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now