Chapter 14

2 1 0
                                    

Yuna's POV

Kinagabihan ay biglang tumawag si Zayd at galit ito dahil sa nagkalat na chismis pero ako naman ay nagpipigil ng tawa sa reaksiyon niya.

"Oo alam kung hate na hate mo ako, Zayd. Pero wala ka ng magagawa," bulong ko pagkatapos ng tawag niya habang nakatingin sa libro. "Marami pang mangyayari na hindi mo maasahan."

Hindi na ako ang Yuna Alexis Hernandez na mahina, talonan at sunodsunuran. Kung unfair ng mundo, magiging unfair rin ako. Mahina ako pagkaharap niyo pero pagnakatalikod na kayo iba na ako.

Hinayaan ko munang humupa ang notification ko. Siguro akong magiging topic kami sa hidden group page ng university. Siguradong hindi mawawala ang apoy na sinindihan ko dahil sa group page na yun. Mas lalaki pa ito.

"Bukas na kita galawin libro."

Nagising ako dahil tawag ng kung sino man. Alas kwatro palang ng umaga. Pikit mata kong sinagot ang tawag.

"Can't you be warned?" malamig na saad nito. "This my third time I'll warned you. Be careful what you write." At biglang binaba nito ang tawag.

Ilang minuto kong tiningnan ang numero pero imbes matakot na ako ay hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Sinabi ko na kahapon na wala ka ng maagawa. Hindi na ako matatakot," saad ko sa numero sa cellphone. "Mas gusto ko pang malaman kung bakit kaylan mo pa ako bigyan ng warning."

Tumayo na ako sa kama at kinuha ang libro. "Umpisahan natin ang pag sira ng araw mo," naka ngisi kong saad at nag simulang sumulat sa libro ng panibagong pag iinis sa kanya. "Siguradong sira agad araw mo nito."

***

Nasa room na ako at magsisimula na ang sinulat ko sa libro. Art class ngayong umaga kaya ang room namin ngayon ay tabi lang ng bagong garden. Habang sila Zayd ay nasa gym dahil meron silang practice. Mag-isa lang ako dito sa room ng pagpasyahan kung pumunta sa garden para tumingin ng subject.

"Sinusundan mo ba ako?" saad ng pamilyar na boses. Pagtingin ko kung saan galing ang boses ay- "Boo!"

Napatalon ako ng unti dahil sa gulat. "Ano ba! Hindi kaya kita sinusundan, no. Bat ka nandito?" tanong ko pagkatapos mahimasmasan.

"Wala lang. Ikaw bat nandito ka? Una doon sa lumang garden tapos ngayon dito naman."

"Naghahanap ng pwedeng subject para sa gagawin na art."

Tumango lang ito. Ilang minuto ay na pagod na ako kakalibot at naupo sa bench nandito.

"Sige una ako."

Hindi na ako umimik sa kanya at tiningnan lang ang likod nitong paalis ng garden. Tumingin ako sa relo ko. Ilang sandali ay pupunta siya dito.

"YUNA!" Ngumisi akong ng marinig ang tawag nito sa likod.

"Ba't Jaxon?" tanong ko ng ma kaharap siya. Isang mahinang Yuna muna ako.

"Don't you dare call my second name Yuna," madiit bawat salita nito. "Starting right now I don't want to see your face."

"Iwas ako? Bat ka nandito kung pinapaiwas mo ako?"

"D*mn just freaking stay away when you see me." saad nito bago umalis.

Tiningnan ko ang cellphone kong biglang tumunog. Isang mensahe sa isang unregistered number.

09** *** ****
Is this Yuna Alexis Hernandez? The private girlfriend of my son?

This is an invitation. I would like to meet you at the Manchester Restaurant nearby your university by 4 pm.

Binulsa ko na ang cellphone ko at ngumisi. 'Kawawa ka naman Zayd.'

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now