Chapter 23

5 1 0
                                        

Yuna's POV


Last day na ng Game Festival ngunit ayaw kong pumunta sa University. Nandito ako sa kwarto ko habang nakatulala. Hindi ako tinitigilan ng taong iyon kahit sa pagtulog ko ay binabangungot ako mg taong may librong gaya ng meron ako.

Sa dalawang araw nakalipas pansin ko ang mga labi ng babae sa librong hawak ko. Maputla ito at unti-unting nagkakaroon ng benda ang bibig. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi na din nagpapakita ang taong nag bibigay ng warning sakin.

Kagabi lang tumawag si Zayd na galit dahil sa note na nakuha niya sa labas ng condo niya. Nakasulat ito sa Spanish at ganon nalang ang takot ko ng banggitin niya na hindi niya hawak ang buhay niya dahil sa taong sumusulat ng panibagong daloy ng buhay niya.

Hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot na ako sa ano mang nangyari. Natatakot na kung malaman niya man.

“Ano ang magiging reaksiyon niya? Ano mangyayari samin? Gagamitin ko na naman ba ang libro para mabuo kami?” sunod-sunod kong tanong sa sarili na hindi ko na mapigilang umiyak. “Ang gaga mo kasi Yuna. Ba't ka nahulog sa kanya sa madaling panahon. Dapat pinapahirapan mo siya, diba?”

Napahinto ako sa pagiisip at pagiiyak dahil sa tatlong ring ng cellphone ko. Pinunasan ko muna ang mga luhang umagos sa pisngi ko bago ito sagutin.

“Where are you?” tanong nito sa kabilang linya. “Everyone are here already and I can't see you.”

“Ammmm a-no hindi yata ako makakapunta,” malumanay kong sagot sa kanya na pinipilit na hindi niya marinig ang napapaos kong boses dahil sa kakaiyak. “Enjoy.”

“Are you crying? What's wrong?” Batid ang pagaalala nito na naging dahilan ba't lumuluha ang mga mata ko.

'Ikaw. Ikaw ang rason bat ako umiiyak.' Gusto ko man sabihin ngunit mas pinairal kong huwag sabihin. “Sino umiiyak baka mali lang pagkarinig mo. Ba't naman ako iiyak?” Piki kong tawa sa kanya.

“What's wrong?”

Huwag ka naman ganito Zayd ako yung nahihirapan eh. Pikit mata kong pagpigil sa luhang lalandas sana ngunit hindi ko na kinaya. “W-wala *hik* g-gusto ko lang *hik* mapag-isa.”

“D*mn. Where are you?”

“A-ayos lang *hik* —” Hindi ko pa na tapos ang sasabihin ng bigla itong naputol ang tawag.

“Ba't ganito? Ba't ang unfair mundo sakin? Hirap na hirap na ako. Wala ba akong nagawang tama? Ang gaga mo kasi Yuna. Dapat hindi ka nahulog. Dapat—” Hindi ko na napigilan ang mga luhang gustong-gusto kumawala. Nahihirapan na akong huminga dahil sa bigat na aking nararamdaman. “Gusto ko lang naman mabuhay ng tahimik.”

Bumigay na din ang mga mata ko at linamon mg kadiliman.

"Wake up, Yuna. You can still change what you've written. I'm still here waiting for you to open the book. Everything happens for a reason. Everything will be okay. Please wake up."

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now