Chapter 11

4 1 0
                                    

Yuna's POV

“Ba't ka ba umiiyak na sisira ang moment ng tulog ko dito?” pasigaw nitong saad sakin.

Para bang naubusan ako ng sasabihin habang nakatingin sa libro. Hindi ako nag kakamaling ganon rin ang kober ng libro.

“Natulala ka ba sa kagwapuhan ko?”

“H-hindi kaya.” Pag iwas ko ng tingin. “Nakuha lang ng libro mo ang atensiyon ko. Ba't ka pala na diyan kung matutulog ka? Pwede naman doon sa clinic kung gusto mong walang ingay.”

“Eh sa maganda dito at mailawas. Walang mga babaeng magtitilian,” sagot nito. “Iniiba mo ang usapan. Ba't ka nandito at mag sabing ang unfair ng mundo?”

“Wala.”

“Ika nga nila mas magandang kumausap ng hindi kilala pagmay pinagdadaraanan.” Pagkukulit nito.

“Ang unfair lang bat yung mga taong may ganang mambully sila pa yung pinapanigan. Ba't yung mga mahirap hindi hinutulungan kundi hinihila pa pababa,” paguumpisa kung saad at na upo uli sa dating pwesto. “Ganito ba talaga ka unfair ang mundo?”

“Ganon na naman talaga lalo na kung may KAPANGYARIHAN sila, habang tayo ay wala. Kaya nilang KONTROLIN ANG MGA TAO,” saad nito na may pag diin sa mga salitang binitiwan. “Kaya talo tayong walang magawa mundi sumunod nalang.”

Walang kibo akong nakatingin lang sa fountain na para bang natamaan ako sa pahayag na yun. May kakayahan akong kontrolin ang isang tao. Ang libro ang may kapangyarihan gawin yun.

“Alis ka muna diyan. Baba ako baka hagip kita.”

Tumayo ako sa tabi ng fountain at pinanood  paano siya tumalon galing sa sanga. Ang librong kawak niya ay mas nakita ko ng malapitan.

“Una na ako,” pagpaalam nito at naglakad paalis at bumalik na ako sa pagkaupo ng hindi siya tinitingan. “Yuna.”

Napatingin bigla ako kung saan siya dumaan. “Tinawag niya ba ako? Hayst Yuna baka nag iimagine ka lang dagdag isipin na naman yan Dami mo ng iniisip idagdag mo pa, hindi nga nagpapakilala diba.” Napatigil ako sa pag sesermon sa sarili ng marealize ang sinabi. “Yung libro hindi ako nagkakamaling kamukhang kamukha ng librong nakuha ko. AHHHH! Ang dami ko ng iniisip dumagdag pa.”

Natapos ang araw na mas naging lutang ako dahil sa daming iniisip. Una ang mukhang stalker na nagbibigay ng litrato ko at ang note na 'Be careful what you had written'. Pangalawa ang mga matang pakiramdam kong nakatingin sa'kin dito sa bahay. Pangatlo ang librong kamukha ng librong nasa harap ko na lumiliwanag na bumukas mag isa at lumabas ang babae.

'Sino ba ang lalaking iyon?'

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now