Chapter 26

4 1 0
                                    

Yuna's POV

Gumising akong walang Zayd. Linibot ko na ang buong bahay ngunit wala akong makita kahit anong bakas niya. Napabuntong hininga nalang ako. Tiningan ko ang cellphone kung may iniwan man siyang text ngunit wala.

Pumasok ulit ako sa kwarto at na kita ang librong nasa sahig naka bukas ito at mukhang may humawak nito bago iniwan. 'Hindi kaya?'

Agad kong binasa ang huling mga pahina. Ilang butil ng luha ko ang pumatak habang binabasa ito. 'Wala na akong magagawa.'

"You still have." Isang malamyos na boses ang narinig ko. "You still have, you have the book in your hand."

Sa aking pagtingala ang babaeng naka veil ang bumungad sakin. "Don't use it in evil deeds."

"Paano? Alam niya na! Alam niya na ako ang dahilan kung bakit umiba ang daloy ng buhay niya!"

"He's the one who make him knows it. But you're also the one making him hate you to what you did," saad nito. "But still the months isn't over. You still have days to change yours."

"Anong ibig mo sabihin? Ayoko na! Pano ba ibalik ang dati kung saan ko nakita ang libro na ito!"

"You can't turn back time. But you can change the future. Find him the one who's been happily looking at you suffer."

Natapos ang araw na wala hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Sino ang tinutukoy niya? Ang tao bang nakita ko noong Game feast.

Lunes na ngunit wala akong nakuhang tawag o text man lang. 'Gusto ko siyang makausap ngunit paano?'

Tinatamad akong pumasok sa art class. Ilang minuto din akong late buti nalang at wala pa ang art professor namin. Natapos ang klase na wala akong naitindihan. Hindi ko din alam kung pumasok siya sa klase nila.

Tumambay ulit ako sa garden.

"Nandito ka na naman."

"Nandiyan ka pala," matamlay kong saad. "Ano ba ginagawa mo dito?"

"May hinihintay? Hindi niya pa kasi ako nakikila eh." May pagpapakahulugan ang mga salita nito. "Kundi hindi ko pa yata sasabihin hindi niya pa maiintindihan."

"Sino ba yan?"

"Ikaw," seryoso nitong saad. "Ikaw ang hinihintay ko."

"Ba't mo naman ako hinihintay?"

"Dala mo ba ang libro mo?" tanong nito. "Ang librong itim na may titulong Fate."

"Paano mo-"

"Dala mo ba?"

Tumango ako bilang tugon. Dahil nas abag ko ito nadala-dala ko ngayon. Binuklat niya ang librong hawak niya. Magkapareho ang desinyo ngunit makaiba ang titulo. Hindi ko na ito nabasa dahil sa kamay nito. Isang liwanag ang sumilaw sakin. Nag iba din ang itsura ng garden na kaninang puno ng lantang halaman dahil na abandona ito.

"Sino ka?"

Hindi niya ako sinagot at tiningan ang isang orasan.

"May apat na araw pa bago mawala amg mga tinatang nakaukit sa libro. Sulatan mo ng mabuti. Makilala mo ako sa ika huling araw," saad nito bago lumaho at bumalik ang dating lumang garden.

"Ano pang hiwaga ang meron ang libro?"

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now