Chapter 15

3 1 0
                                    

Yuna's POV

Isang linggo na ang nakakalipas ng makausap ko ang mommy niya. Hindi ko din ako nakapaghanda dahil wala akong nababasa tungkol sa mommy niya. Nang nakapasok na ako sa restaurant na binigay ay sa unang tingin ko palang sa kanya ay mukha itong masungit at malayo sa tao. Totoo nga ang sabi nila na "Don't judge a book by its cover". Kabaliktaran ang ugali ng mommy niya. Malumanay ito kung sasalita at kalmado. Pagkatapos ng pag-uusap dumating ang anak niya ng may pagtataka at kalaunan ay mukha na itong tigre. Kahit pala sa harap ng ina niya kayang maging ganon.

"Anong iniisip natin."

"Wala naman," sagot ko habang nakatingin sa fountain. "Hindi ko pa nalalaman ang pangalan mo."

"Huwag mo ng alamin."

Nandito ako sa tambayan kung saan ko siya unang nakita. Nasa sanga ulit ito naka upo. Isang linggo ko na siyang nakakasalamuha at naging isang taong pinapakinggan ang mga problema at rant ko sa buhay. Ngunit hindi ko padin alam ang pangalan niya kahit anong kulit ko hind niya padin sinasabi.

"Mukha kang ungoy," pag-aasar ko. "Ba't ba hilig mo diyan."

"Akala ko ba may pupuntahan ka?"

"Iniiba mo lang ang usapan." Pagmumusangut ko. "Siguradong wala naman yun doon."

"Yan ba yung jowa mong may banda?"

Tumango kahit hindi naman totoo. Isang laruan ko lang si Zayd. Isang linggo ko na din pinaglalaruan ang libro. At isang linggo na din akong hindi tinitigilan ng taong nagpapadala ng sulat.

"Bakit hindi mo tawagan?"

"Friday ngayon, no. Siguradong may praktis yun." Pagdadahilan ko lang. Nakakasawa na akong makita ang mukha niya. Pero ang sarap sa feeling dahil sa kung ano-ano ang pinapagawa ko sa kanya. Wala naman siyang magagawa kahit hindi ko gamitan ng libro. "Una na ako. Bye, Mr. Stranger."

"Bye."

Pagkaalis sa garden ay dumiretso akong patungo sa room upang kunin ang gamit ko. Wala namang gagawin ngayon dahil sa game festival na magaganap sa lunes.

Someone's POV

"You're so hard headed. You been using it for your own desires. You never knew the consequences of it," I mumbled to the air while looking at the clear blue sky. "I warned you many times. This time I think I need to make you feel my presence."

I took out my book and place another note in it. "You better warned by this." I said as I watch it vanish. "This is the last note I'll give to you. If you still didn't stop. Better to show myself to you make you warned."

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now