Chapter 2

31 11 2
                                    

Yuna's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. “Papanong nasa sahig ako?” pagtataka ko sa sarili ng mapansing nakahiga ako sa lapag at masakit ang ulo ko na walang dahilan. Ganon nalang rin ang pagkataka ko sa librong item na ngayon ay kumapal. Inalis ko ang atensyon dito at kinuha ang cellphone na kanina pang tumutunog. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang 15 missed calls na nang galing kay Zayd.

'Pinapahamak mo ang sarili mo, Yuna.'

Agad ako tumakbo papuntang banyo upang magmadaling maligo at magbihis ng PE shorts at white t-shirt. Dali-dali kong pinagkakasiya ang mga homeworks at outputs sa bag. Natabig ko ang librong bumagsak sa sahig.

Lakad takbo ang ginawa ko paalis ng bahay at hindi na mamalayan na hindi pa ako nakapagsuklay ng buhok.

“Oh, iha. Ayos ka lang ba?” tanong ni Manong guard ng makarating na ako sa gate ng University. “Saan ka pupunta? Sarado ngayon, ang mga may practice lang pwede pumasok.”

Hinihingal kong tiningnan si Manong guard. “Kuya may ibibigay lang po ako.”

'Please kuya papasukin mo' ko. Maawa ka sakin oh. Para ana akong bruha sa itsura ko.'

“Bawal iha. Na announced na kagabi na ang mga players at cheerleaders lang ang pwedeng pumasok.”

Agad kong hinanap ang cellphone ko ng hindi ko mapakausapan si Manong upang sana tawag si Zayd o ang kaibigan nito ngunit sa pagkadismaya naiwan ko yata ito sa mesa. Hindi ko din pwede itong ipabigay nalang ng basta.

'Bat ngayon pa!'

“Mabilis lang po talaga kuya pramis,” pagmamakaawa ko. 'Buhay ko po ang nakataya.'

“Siguradong mabilis lang. Malalagot tayo sa admin. Ay— heto.” Pagbigay nito ng suklay.

“Salamat kuya.”

Tinakbo ko na ang hallway papunta sa music room. Palapit na ako sa pinto ng bumukas ito.

“Magdasal ka muna, Yuna.” pabirong bungad ni Archie.

“Huwag mo ng takotin Archie,” saad ni Brian sa kaibigan. “Mukhang takot na eh.”

“Goodluck!” Kasunod ang halakhak nila bago umalis.

Kabadong pumasok ako habang nakatingin sa sahig.

“Almost two hours late, ha.”

“Sorry, nakaidlip kasi ako tapos hinarang—”

“I don't care if you fallen asleep or the Guard block your way,” pagputol nito sa sabihin ko. “I called you many times yet none of them been answered.”

Maskumabog ang dibdib ko ng humakbang ito palapit sakin at hinila ang buhok ko paharap sa kanya.

“I don't like someone ignoring my calls.” Mas hinigpitan nito ang paghawak.

“Masakit Zayd. Pasen— Aray!” Pagdaing ko ng mas hinila niya pa at pagbitaw nito dahilan upang matumba ako.

“Leave the homeworks and outputs there and go home.”

Pagkatapos niyang iwan ako, dahan-dahan kong inayos ang buhok. Naglakad akong nakatingin sa sahig paalis na para bang lutang. Hindi ko na din napansin ang pagtawag ni Maning guard at nagderitso-deritso na pauwi. Bumagsak na ang mga luhang kanina kong pinipigilan ng marating ko na ang eskinita.

'Kaylan ba magiging tahimik ang buhay ko! Kaylan ba mauubos ang pasakit na'to! Pagod na pagod na ako!'

Pagdating ko sa bahay bumungad ang sa'kin ang mga kalat kong iniwan at ang librong nahulog ko. Nang kunin ko ay nabigla ako sa laman nito. Nagmukha na itong nobelang hindi tapos sa ilalim ng titulong 'Zayd's Fate'.

“Ba't parang ito ang nangyari kanina sa music room,” pagtukoy ko sa huling sulat. “Ba't parehong-pareho ang nangyari kanina sa librong ito. Ang paghila ni Zayd sa buhok ko at ang mga sinabi niya. Hindi kaya—”

Napabalikwas ako ng pagkaupo ng lumiwanag ito at lumabas ang kulay abong pluma na ngayon ay nagsasariling magsusulat sa ere habang ang mga letra nito ay umiikot papunta sa mga pahina ng libro.

“Anong nangyayari!”

May kung anong hugis ang nabubuo habang hawak ang pluma. Isang babaing nakasuot na itim na vial. Lumulutang ito sa ibabaw ng libro. Tumitindig lahat ng balahibo ko ng lumingon ito sakin. Hindi ko man makita ang buong mukha nito dahil sa vail nitong suot ay para na akong naliligo sa pawis dahil sa kaba. At may kung ano itong sinabi ngunit hindi ko maintindihan bago pa mna ito maglaho kasama ang abong pluma.

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now