Yuna's POV
Dumating ako sa room ng matiwasay. Buong klase ay lumulutang ang isip ko. Nakailang tawag na rin si ma'am Castro dahil sa hindi ko pakikinig sa tinuturo niya.
“MISS HERNANDEZ SAANG LUPALOP LUMILIPAD ANG UTAK MO!” sigaw nito sa unahan. “BUKAS MAG LO-LONG QUIZ TAYO. ANG HINDI MAKUHA SA PASSING SCORE MAGKAKAROON NG ISANG SPECIAL PROJECT! NAGKAKAINTINDIHAN!”
Sari-saring reaksiyon ang mga kaklse ko ngunit wala kaming magawa kundi sumunod nalang dahil sa galit nito.
“Opo.”
“Class dismiss.” Padabog nitong kinuha ang gamit at masamang nakatingin sakin bago umalis ng room.
“Kung hindi ka lang nagpapalutang. Hindi sana magkakaroon ng quiz.”
“Papansin kasi.”
“Quiz na naman ba't kasi pumasok pa yan.”
Pagsisili nila sakin. Tahimik akong nakatingin sa hita ko upang iwasan ang mga mapanghusgang mata nila.
“Hoy Yuna,” tawag sakin ng isa sa mga kaklse kong si Cheska. Isang sikat sa pag theater art. “Kunin mo nga kami ng snack sa canteen. Huwag kang tutunga-tunga nalang jan. Bilis.”
“Cheska nasan yung pambili?”
“Guys tingnan niyo humihingi ng pambili ng snack niya,” pag anunsiyo nito sa loob ng room na puno ng tawanan at pangiinsulto sakin. “Hito na nga pulubi.” Pagbigay nito ng pera na agad niyang binitawan upang mahulog sa sahig.
Pinagtatawanan nila akong pinupulot ang pera bago ako tumakbo palabas ng room. Dali-dali akong pumunta sa canteen para mag order buti ay walang pila pa.
“Kuya yung regular order ko po,” saad ko sa kanya.
“Deliver ko ba sa room mo?” tanong nito habang hinihanda ang order ko. “Sayo ba itong order or inutasan ka na naman?”
“Nautusan po,” sagot ko. “Pabigay nalang po kay Cheska.”
Tumango ito bilang tugon at inabot ang isang tinapay at bottled water. “Oh! Kunin mo na.”
“Salamat po.”
Naglakad ako patungo sa likod ng building kung saan may isang abandonang hardin. Naupo ako sa paborito kong pwesto. Sa ilalim ng malaking puno kaharap ang abandonang fountain. Nagsimulang tumulo ang luha ko.
“Ang unfair!” paghihikbi ko. “Ba't ang unfair ng mundo!”
“Unfair naman talaga ng mundo.”
Napatigil ako sa pagluha dahil sa boses na iyon. Alam kong wala akong kasama sa harden o nakitang tao. Para akong nabuhusan ng yelo ng magsink in na galinsa puno ang boses na 'yon.
“May multo ba dito?”
“Ba't tinatanong mo kung may multo. Pano kong sagutin kang meron tatakbo ka na parang bang hinahabol ng aso.”
“Ahhhhh!” patayong sigaw ko. “Sinong nandiyan.”
“Tumingin ka sa taas ng puno.”
Pagsunod ko sa boses ay nakita ko ang lalaking nakaupo sa puno habang may hawak na libro —librong tulad na tulad sa meron ako.
YOU ARE READING
Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED)
FantasyYuna Alexis Hernandez stumbled upon a mysterious book hidden behind a trash can. This book had an extraordinary power - writing a person's name in it would reveal their life. By accident, Yuna wrote the name of her bully, Zayd Jaxon Fuentes, not rea...
