Chapter 12

2 1 0
                                    

Yuna's POV


Nandito kami sa literary room dahil Wednesday ngayon. Dito madalas nagtuturo ang mga literary teacher at kung minsan ay nagiging isang meeting room ng iba't ibang club. Malaki rin kasi ito at long table ang  gamit na may kanya kanyang desktop.

Nakaupo ako sa may dulo na katabi lang bintana. Kita ang buong garden dahil nasa second floor kami. Kaharap ng bintana ang puno na paborito kong pwesto..

"Unfair naman talaga ng mundo."

Sino ka ba? Panong kapareho ng libro ko ang librong hawak mo kahapon?

“Okay class, before we start our lesson. Mr. Fuenyes and his companies will sit in with us,” pag anunsiyo ni ma'am na naging dahilan bat kabado ako. “Come in and take your seats.”

Tumama ang paningin namin na agad naman akong umiwas. Doon ko lang na alala na wala akong katabi dahil last row na ito.

'Sa ibang upuan ka nalang umupo.' Pikit mata kong pagdadasal. 'Ang dami pa namang-'

“Move your bag,” malamig na saad upang mamulat ko ang mata. “I said move your bag.”

Dali-dali ko naman inalis ang bag ko sa upuan. Dahan-dahan itong umupo at pansin ko ang pamumula ng braso nito.

'Bat kasi dito ka pa naupo,' pagrereklamo ko sa isipan habang nag sisimula ng magturo si ma'am.

“Can you just chill,” husky nitong saad at pinatong ang ulo sa desk. “Your shaking like there an earthquake.”

'Hindi pa ba tapos ang sakit mo. Hindi na nga ulit ako nagsulat sa libro. Sayang eh kulang pa yung mo. Buti at kasama ko ang libro.'

“Stop staring at me.” Pagkahuli nito sakin.

“Hindi naman kita tinitingnan,” pasulot ko.

“Hmmm.”

Natapos ang klase na tulog siya. Buti at walang pinagawang quiz or writings. Hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko at naramdaman ko nalang bigla na may nakamasid sa sakin. Pagtingin ko naman sa bintana ay wala. 

“You look like *cough* you see a ghost.”

“Ayos ka lang?” Nakakitang bully na hindi naging bully ngayon ang nakita ko.

“Yeah. Help me go to the clinic.”

Binabawi ko na pala. “S-sige.”

Bago pa man kami pumunta sa clinic ay tiningnan ko ulit ang bintana ngunit wala parin.

<<Time skip>>

Dapat pala hindi na ako pumayag. Pagod akong naupo sa sofa dito sa clinic. Buong hapon ko siyang binantayan at ginawa ang mga iniutos na sobrang dami.

“Mas malala ka pa sa taong malubhang sakit. Daming reklamo at gusto.”

Kinuha ko ang librong nasa bag ko at nagbasa habang hawak ang ballpen.

“Ano kayang magandang gawin? Paggising mo ulit ay isang pasabog na naman ang guguho ng mundo mo.” Sinumula ko ng sulatin ang naiisip ko at pagkatapos ay sinara na ito. “Sana kayanin mo.”

Linagay ko na sa bag ang libro. Isaktong pag tayo ko ay dumating ang nurse.

“Una na po ako. Pasabi nalang po sa kanya ma umuwi na ako. Papunta na din po ang mga kaibigan niya.”

“Sige, sasabihin ko pagka gising niya.”

Isang ngisi ang gumuhit sa labi ko bago ako makalabas ng clinic.

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now