PROLOGUE

1.8K 28 0
                                    

Maya




"Ma tumigil na nga kayong magsugal para kayong bata!"


Saway ko kay mama dahil naghahanda na naman ito papunta sa casino at maaabutan na naman sya doon ng gabi tulad ng mga nakaraang araw.




"Ano ka ba anak libangan lang naman namin iyon ng nga kumare ko" lambing na saad ni mama at yumakap sa likod ko.




Humarap ako sa kanya.





"Libangan ba tawag dun Ma? Umaabot nga kayo hanggang madaling araw eh" saad ko na medyo galit




"Eh basta libangan yun!" irita nyang sabi at tumalikod na sa akin at naglakad papuntang pintuan.






"Magluto ka para pagdating ko makakain ako agad."utos ni mama at tuluyan ng umalis.






Ganun naman lagi,maiiwan akong mag isa. Wala si papa sa bahay kasi may ibang kaladkaring babae, wala rin naman ang dalawa kong kuya dahil laging kasama nun ang mga barkada nila. Si mama naman, ito adik na sa casino, halos ma ubos nya na yung perang inipon nya para sa pagpapagawa ng bubong ng bahay namin. Hindi nya man lang inuna yung bahay namin na halos butas na ang bubong. Lagi akong nagtitiis sa buhay ko kasi ano ba naman ang magagawa ko eh ganito talaga ang pamilya ko. Imbis na maghanap ng trabaho ay inuuna pa ang mga walang kwentang bagay.







"Aling Sayda pautang nga pong sardenas" sabi ko sa tinderang nakabantay sa tindahan.







"Nako ining ang haba haba na ng listahan nyo rito at ni isa ay wala pa talagang nabayaran" pagrereklamo nya





"Aling Sayda kasi wala pa kaming pera" pagmamakaawa ko sa kanya






"Paano kayo magkakapera nyan kung buo mong pamilya ay wala namang pakealam sa buhay?" Medyo taas boses nyang sabi sa akin





Gusto kong magalit pero totoo ang sinasabi nya. Wala nga talaga silang pakealam sa buhay. Pati pag aaral ko ay hindi ko na napatuloy dahil sa kahirapan namin.






"Aling Sayda last na po" pagmamakaawa ko sa kanya habang nakasilip ang ulo ko sa pinto na maliit sa kanyang tindahan.





"Ilang last na ba iyan Maya?"tanong nya sa akin habang nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang dibdib.





"Aling Sayda sige na po" pakaawang sabi ko.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now