CHAPTER 15

479 7 0
                                    

Maya









Pababa ako ng hagdan at nakita ko sina tita Amalia at Prodo, nag uusap ngunit may harutan. Nagtatawanan lamang sila at ng makita nila ako'y tumigil at sumeryuso ang kanilang mukha. May saltik ba ang dalawang ito?


"Maxine, diba?" tanong ni Prodo ng makalapit ako sa gawi nila

"Oo bakit?" pagtataka ko sa kanya

"Hmm... Imbitasyon mo oh para bukas" seryusong sabi nya sabay abot ng kulay brown na envelop sa akin


"Para saan?" kunot noo kong tanong sa kanya


"Kasal namin ng tita mo" biro nya sabay lingon kay Tita Amalia na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya


"Biro lang, para yan sa piging bukas ng pamilya nina senyorito Cassius. Pinapapunta ka kasi nila" saad nya sabay ngiti at kindat


Piging? Bakit naman ako iniimbitahan para roon? Wala pa naman akong damit na susuutin para sa kasiyahang iyan.


"TITA, pupunta ba talaga tayo?" tanong ko kay Tita habang tinatali nya ang aking buhok

"Bakit hindi?" tumigil sya sa kanyang pagtatali at humarap sa akin "Ang pamilya nila ang pinakamayaman sa bayang ito at bihira lamang sila nagyayaya ng mga bisita na hindi nila kasapi o kalahi" sabi nya sa akin


Tumango lamang ako sa kanya at kinuha ang damit na susuutin ko. Bumili kami kahapon ng damit para lamang sa piging na ito at ako'y kinakabahan sapagkat lahat ng naroon ay puro kalahi nila. Mga lahi ng bampira. Hindi naman sa pinagbibintangan ko sila ngunit paano kung hindi naman pala talaga piging ang pupuntahan namin? Paano kung pagdating namin doon ay sipsipin nila ang dugo namin dahil magkaiba ang mga lahi namin?


"Napakaganda mo Maxine. Paniguradong lalong iibig sa'yo si Cassius" pang aasar nya sa'kin habang hinihimas himas ng dahan dahan ang buhok ko


Ngumiti na lamang ako sa kanya't hinayaan syang mang asar. Pagkatapos nyang ayusin ang aking mahabang buhok ay tumayo na ako't nagbihis. Puting bistida ang aking suot at hurmang hurma ang payat kong katawan roon. Hindi ako sanay sa ganitong kasuotan ngunit wala akong laban sapagkat alam kong papagalitan ako ni tita Amalia kapag nagreklamo ako.


Habang naglalakad kami papuntang pinto ng mansyon ay tanaw ko na ang lalaking nakatayo mula roon na parang may hinihintay. Nakasuot ng tuksedo na itim at ang kanyang buhok ay naka ayos. Lumapit kami sa kaniya at bumati naman sya.


"Magandang gabi, binibini" saad nya ng makalapit kami sa gawi nya sabay kuha ng aking kamay at hinalikan ito


Tumitingin lamang ako ng deritso sa kanya sapagkat napansin ko ang kanyang kagwapohan ngayong gabi. Napansin ko ang pagiging maginoo at ang pagiging simple nya sa lahat.


"Maxine, pipi ka ba? sagutin mo nga yan oh" putol ni tita sa iniisip ko sabay siko sa tagiliran ko


"M-magandang gabi" bati ko pabalik sa kanya


"Pasok tayo?" Aya nya sa amin sabay lahad ng kamay sa akin na sya namang kinuha ko


"Anong nais mong inumin?" tanong nya sa akin habang nakangiti



"Wala, baka puro dugo yung ipapainom mo sa'kin" saad ko dahil sa sobrang kaba dahil puro bampira ang mga narito


"Bakit ka natatawa?" inis na tanong ko sa kanya


BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now