CHAPTER 29

290 6 0
                                    

Maya












Hinihila ako ni Cassius sa braso. Ang sakit sakit na ng ginagawa nya. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kong paano ko sya pipigilan sa ginagawa nya.

Dumating si mamang tumatakbo at may dalang tinidor at biglang sinunggaban si Cassius sa gilid nya. Natumba ito at malakas na umungol dahil sa sakit ng sunggab ni mama. Gusto kong tulungan si Cassius ngunit bigla akong hinila ni mama upang lumayo sa kanya.

"Maya, takbo na bilis!" Malakas na sigaw ni mama habang hila hila ang aking braso

Hindi ako makatayo dahil hindi ko pa din kayang iwan si Cassius na nasasaktan dahil sa sunggab ni mama.

"S-si Cassius po, Ma... Si C-cassius nasasaktan" iyak na sabi ko sa kanya na patuloy pa rin sa paghila sa'kin palayo sa kay Cassius

"Tayo na, Maya. Hindi iyan si Cassius. Hindi sya ang minamahal mo." pagkumbense ni mama sa akin


Hindi ko mawari kung bakit nagkaganito na lamang bigla ang mga bampira. Ang alam ko ay mababait sila. Ang alam ko ay hindi sila umaatake ng tao ng walang masamang dahilan.


Patuloy ang paghila sa akin ni mama hanggang biglang dumating si Papa na puno ng dugo ang mukha habang si Tita Amalia ay patuloy na iniiyakan si Prodo na ayaw magising. Inaatake sya ng ibang bampira ngunit nilalabanan naman ito ni Yana.


Binuhat ako ni Papa palayo sa mga nag aaway na tao at bampira sa loob ng mansyon. Hinila na rin ni Mama si Tita Amalia na patuloy na tumatangis sa kay Prodo. Tumakbo kami palabas ng mansyon hanggang sa umabot kami sa talahiban.

Parte ito ng bayan kung saan walang masyadong taong pumupunta dahil sa maraming kababalaghan ang nagaganap rito.

Wala kaming ibang mapupuntahan dahil lahat ng bampira ay nakakalat na sa buong bayan. Ito lang ang lugar na tanging matataguan namin. Hindi namin alam kung ligtas ngunit wala naman na kaming magagawa.

"S-si... P-prodo... Ayaw nya magising k-kanina..." Iyak na sabi ni Tita Amalia habang naka upo sa lupa at tinatakpan ng kanyang mga kamay ang mukha nyang namumula at basa na ng luha

"A-anong nangyayari sa k-kanila? Bakit hindi na nila tayo kilala? Hindi na ako nakikilala ni...C-cassius" nanghihina kong sabi habang hinihimas himas ang likod ni Tita Amalia na panay ang iyak dahil kay Prodo

"N-nilason..."

"Kinulam..."

Mga katagang sambit ni Yana habang tumitingin sa gawi ni mama.

"Anong sinasabi mo Yana?!" takang tanong ni mama na may halong galit

Hindi sumagot si Yana rito dahil biglang may tumunog sa bandang unahan ng aming pinagtataguan. Nagsitahimik kaming lahat at hinintay kung sino ang lalabas sa bandang iyon.


Hanggang sa biglang lumabas ang isang...


"Pusa lang pala" sambit ni Yana na nagpakalma sa amin

Nagsisimula ng magdilim. Nagsisimula na ring tumunog ang mga lobo sa paligid na syang nagpatayo ng mga balahibo ko.

Gumawa ako ng paraan upang makagawa ng apoy ngunit pinigilan ako ni papa dahil baka daw matunton kami ng mga bampira.



Malamig ang simoy ng hangin na syang nagpapatayo sa aking mga balahibo sa katawan. Kasabay ng malamig na simoy na iyon ang mga alaala sa nangyari kanina na nasaksihan ng dalawa kong mata.



Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga saksakan at patayan. Pati ang mga dugo na nakakalat sa buong mansyon.

Namimiss ko na si Cassius. Nasaan na kaya sya ngayon. Sana'y ligtas sya at sana hindi sya pumatay ng mga taong inosente.

"Pahinga ka na" utos ni mama sa akin na sya namang sinunod ko dahil ang pag tutunganga lang naman ang aking ginagawa

Humiga na ako sa ilalim ng isang kahoy kung saan natatabunan nito ang ilaw ng buwan na tumatama sa aking mukha. Ngayon ko lang ulit nakita ang buwan ng buo. Kaya siguro nagka ganun ang mga bampira dahil nagkaroon ng full moon.

Kwento kasi sa akin noon ni papa noong bata pa ako ay lumalabas lamang ang tunay na anyo ng mga bampira kapag buo ang buwan.


Tiningnan ko lamang ang buwan hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

"P-PUTANGINA!" malakas na sigaw ni papa na syang nagpagising sa diwa ko

Tumingin ako sa gawi nya at nakita ko ang nga mata nyang tumatangis na puno ng sakit habang karga nya si Yana sa kanyang malalaking braso.

B-bakit duguan si Yana?

Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nya. Nakatayo lamang si mama sa harap nya na puno ng awa ang mukha samantalang si Tita Amalia naman ay tulalang nakatitig ka papa na parang hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita.

"U-una ng nawala ang aking.... a-anak... n-ngayon naman ay... a-ang... aking babaeng... m-mahal....." puno ng sakit na tangis nya habang yakap yakap ang bangkay ni Yana

Hindi ko man sya masyadong kilala ngunit alam kong naging mabuti sya kay papa at sa amin. Sadyang hindi lang namin sya tanggap.


"Kung sino man ang demonyong pumatay kay Yana sisiguraduhin kong ako ang papatay sa kanya gamit ang sarili kong kamay!" galit na sambit ni papa habang ang mga luha ay patuloy pa ring dumadaloy sa kanyang pisngi


Tumingin sa akin si Papa at dahan dahang binitawan si Yana mula sa mga bisig nya. Lumapit sya sa akin na puno ng galit ang mukha.


"Kasalanan ito ni Cassius!" puno ng galit ang kanyang mukha

Hindi naman sya sigurado kung si Cassius talaga ang pumatay bakit nya ito sinisisi? Walang kasalanan si Cassius sa nangyayari.

"Paano naging kasalanan ni Cassius, Papa? Mabait sya at wala syang alam tungkol dito"  walang pagdadalawang isip na sagot ko sa kanya


"Isang bampira ang iyong minahal! Natatandaan mo pa ba kagabi? Hindi ka nya kilala! Kayang kaya ka nyang patayin." sambit nya na syang nagpalamig ng buo kong katawan


Tama ang sinabi nya. Hindi nga ako kilala ni Cassius. Kaya nya akong patayin kahit sinabi nya pang mahal nya ako.


"Susugurin ko ang mga bampirang iyon. Kung gusto nyong sumama, sumama kayo. Iligtas nyo ang sarili nyo dahil wala na akong pakialam sa pamilyang ito." sabi nito at umalis dala ang kahoy na matalim

Sumunod si Tita Amalia sa kanya. Susunod din sana ako ngunit pinigilan ako ni mama. Lumingon ako sa kanya na puno ng pagtataka.


"Kailangan kong makita si Cassius, Ma. Kailangan kong malaman ang totoo." matapang kong sagot rito at lumakad pasunod kila Tita at Papa

Maraming dugo ang nakakakalat sa dinadaanan namin at ang iba ay patay na. Bakit pati ang mga inosenteng tao ay nadamay sa ganitong laban? Nawawalan na ng bait ang gumawa nito.


Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa mansyon ng mga Velasco. Ang mansyon ng bampirang pinakamamahal ko.

Puno ng dugo ang mansyon. Maraming patay. Umaalingasaw ang amoy nito. Nakakasuka. Parang tataob na ang aking bituka dahil sa amoy.



Ang mansyon na ito ay puno ng alaala namin. Sana hindi ito ang magiging huling lugar kung saan maaalala ko sya. Sana'y buhay pa ang bampirang iyon.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now