CHAPTER 32

281 5 0
                                    

Maya













"Saan na naman kaya tayo pupunta nito?" reklamong saad ni Tita habang inaayos ang gamit nyang pang sunggab

Isa itong sanga ng kahoy na ipinatalas. Pinatalasan itong mabuti ni Papa at binigay sa amin. Pampatay daw sa mga lobo at bampira na umaatake pero pati mababait na lobo ay inaatake nya. Inilagay ito ni Tita sa isang lalagyan na gawa sa telang makapal.

"Huy Maxine!" pukaw ni Tita sa atensyon ko

Napakurap naman ako bigla dahil pinitik nya ang noo ko. Kahit kailan talaga si Tita napaka distorbo sa mga iniisip ko.

"Ang distorbo mo Tita!" reklamo ko rito habang nakakunot ang noo

Nginitian nya lang ako ng napakapilya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Tita Marianne. Ang dati nyang kaibigan.

Kung bampira si mama na may halong mangkukulam, ibig sabihin ay ganoon rin si Tita? Ngunit bakit parang wala naman kong nakikitang potensyal na isang bampira si Tita?

"Huy! Tulaley na naman utak mo?" saad nya sabay alog sa'kin

Maraming tanong sa isip ko. Hindi ko iyon masasagot kung hindi ko tatanungin ang nga taong mas nakakaalam sa totoong nangyayari.

"Tita, bampira ka ba?" biglaang tanong ko kay Tita na ikinatawa nya ng malakas

"Boba! Edi sana pinatay na kita" natatawa nyang sabi

Umirap ako sa kanya sabay kurot sa pisngi gilid nya ng mahina.

"Tinatanong kita ng maayos! Sumagot ka ng maayos!" sabi ko sa kanya na puno ng pagkasarkastiko na syang ikinakunot ng kanyang noo

Ang kaninang maaliwalas nyang mukha ay agad napalitan ng galit at inis.

"Char" natatawa kong sabi sabay ngiti sa kanya

Bigla nya akong kinurot sa gilid ng napakalakas dahilan para sumigaw ako ng malakas.

"Ang ingay nyong dalawa. Umalis na tayo" yaya ni papa sa aming dalawa dala ang iba nyang kagamitan

"Minsan talaga hindi marunong makisabay si Papa,no? Sa sobrang seryuso sa lahat, iniwan sya ng lahat. Deserve" bulong ko kay Tita na ikinahagakhak nya ng tawa

Tumingin muli si Papa sa aming dalawa ng matalim. Tumahimik na lamang kami ni Tita dahil parang mangangain na sya ng tao.

Lumakad na kami hanggang sa makarating kami sa malaking kahoy kung saan nagtatago ang iba pang mga bampira. Ito yung kahoy kung saan ko nakita sina Cassius at Prodo.

Tumingin ako kay Tita, puro pagtataka ang nasa mukha samantalang kay papa naman ay malaking ngisi sa mukha. Tumingin ako sa kamay nya, may hawak syang isang papel na maliit. Sa tantsa ko ay isa itong liham.

"Nakasulat rito sa liham na dito raw sa malaking puno na ito nagtatago ang iba pang mga bampira. Totoo ba iyon Maya?" sambit nya sabay tingin sa akin ng matalim

"Bakit po ako tinatanong nyo? Bakit hindi na lang yung puno?" hindi makaseryusong tanong ko

Tumawa si Tita ng mahina habang si Papa ay mas naging matalim ang tingin sa akin.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now