CHAPTER 19

475 7 2
                                    

Maya









Isang gabing mainit na nagdala sa akin sa kalangitan at ngayon ang mga hita ko ay nagdudusa dahil sa sarap na iyon. Naglalakad ako ngayon pauwi at hindi ko alam ang sasabihin sa kay Tita Amalia. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo ngunit baka magalit sya at itakwil nya ako at pabalikin sa lugar ng aking ama. Hindi ko nais na mangyari iyon. Baka mas lalo akong magdudusa kapag naroon ako sa kanila. Titiisin ko na lamang ang sakit na ito sapagkat hindi ko nais bumalik sa lugar na punong puno ng masasakit na alaala.







"Saan ka nagpunta kagabi?" tanong ni tita ng makapasok ako sa bahay






Naka bistida pa rin ako at kulay puti ngunit hindi na katulad ng desinyo ng bistidang ipinasuot nya sa akin kagabi. Ito yung bistidang ipinabihis ni Cassius sa akin kagabi na hindi ko naman nagamit dahil hinubad pa rin ito nung nagsiping kami. Tiningnan ako ni tita mula ulo hanggang paa, tumatayo lamang akong matuwid sapagkat ayaw kong makahalata syang masakit ang aking hita.






"Nakatulog ako kagabi sa kanila ni Cassius. Hindi ko naman alam na nalasing na pala ako kagabi" pagsisinungaling ko rito kahit ang totoo ay hindi pa malala ang tama ko





"Hindi ka hinatid ni Cassius?" tanong nya habang sinisilip ang pintuan kung meron bang sumusunod sa akin o wala




"Hindi, may lakad daw kasi sya" pagsisinungaling kong muli kahit na wala naman syang nasabi sa akin dahil umalis lang ako agad sa kanilang mansyon





"Magbihis ka na at kumain, mukhang hindi ka roon kumain sa kanila" striktang utos ni tita sa akin




Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon at pumunta sa aking kwarto. Pinalitan ko ang aking damit na suot at pumunta na sa kusina upang mag umagahan. Pagkababa ko ay nakita kong muli ang lalaking nagpapainit sa aking ulo. Seryuso syang nakikipag usap kay Tita Amalia at ng tumingin sya sa akin at ngumiti ay inignora ko ito. Nagpunta na lamang ako sa kusina upang mag umagahan kahit na sinira nya na ang umaga ko.





"May bilat, may bilat napasukan ng bayag" kanta ni tita Amalia ng makapasok sa kusina dahilan para masamid ako






"T-tita ano bang trip mo?!" galit kong saad sa kanya habang umuubo




"Kamusta na kepay mo Maxine?" nakangising sabi nya




"Tita naman, malamang kepay pa rin" sungit kong sabi





"Pero... kinain?" sabi nya at tyaka tumawa ng malakas





"Ewan sa'yo tita" saad ko sabay tayo sa kinauupuan at hinugasan ang pinggan na ginamit ko




Malapad ang ngiti ni tita habang nakatingin sa akin kaya tiningnan ko sya ng masama na sya namang ikinatawa nya. Ano na naman ba ang pumasok sa kukuti ng tiyahin kong ito. Kanina lang ng dumating ako ay napakasungit at ngayon naman ay puro tawa.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now