CHAPTER 4

694 11 0
                                    

Maya


Maaga akong nagising dahil sabik akong pumunta sa trabaho. Inagahan ko rin ang gising para mas maaga akong makarating doon, medyo ma layo layo pa naman ang lalakarin.


"Tita alis na ako!" Sigaw ko mula sa pintuan palabas


"Ingat ka Maxine, wag kang pagabi!" sigaw naman ni tita pabalik mula sa taas sa kwarto nya


"Opo bye!" paalam ko sa kanya


Hindi na sya sumagot kaya sinara ko na ang pinto at naglakad na.


"Hoy babae!" Sigaw ng kung sinong impakto na naglalakad mula sa likod ko.


Nilingon ko sya ng nakakunot ang noo.


"May pangalan ako Cassius" saway ko sa kanya sabay irap


"Hindi ko gusto pangalan mo eh" diretsang sagot nya sa'kin



"Hindi ko naman sinabi na gustuhin mo pangalan ko, ang pinapahiwatig ko lang ay may pangalan ako bakit babae ang tinatawag mo sa'kin?" kunot noong tanong ko sa kanya


"Kasi gusto ko pake mo ba" pagsusungit nya sa'kin


Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Buti at hindi na sya sumunod pa.


Nang makarating ako sa bahay ni tita Marianne ay nag umpisa na ako kaagad sa paglilinis. Doon na rin ako kumain ng almusal kasi pinasabay na ako ni tita Marianne dahil ako naman daw yung nagluto. Nang sumapit ang alas-kwatro ay pina uwi na ako ni tita Marianne kasi daw baka magabihan ako sa daan at mapagalitan pa sya ng tita Amalia ko.



"Babae!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses sa likod.


Nilingon ko sya. Bakit ba kung saan saan lang 'to sumusulpot.


"Ano na naman?" irita kong tanong sa kanya


"Hatid na kita" sabi nya pa sa akin habang nakasakay sa motor nya.


"Ayaw ko, kaya kong maglakad" masungit kong sabi

"Sus pakipot" bulong nya pa pero dahil malakas naman at hindi ako bingi ay narinig ko pa rin iyon



"Hindi ako pakipot Cassius, ayaw ko lang magtiwala sa'yo" sabi ko habang nakahawak sa baywang


"Hindi naman ako nangangain ng magandang tulad mo, babae. Kung kakainin man kita ay sa ibang paraan na 'yon" saad nya gamit ang kanyang malambing na boses sabay kindat sa'kin

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now