CHAPTER 16

481 8 0
                                    

Ooppsieee doopsiee bawal po bata dito🔞🤪 [jk, basahin mo na hahaha baka umiyak ka pa]

Maya






Ang kabaong na ito para saan? Bakit nasa loob ng kanyang kwarto? Anong gagawin nya rito?

"Binibini, tapos ka na ba?" tawag ni Cassius mula sa labas ng kwarto

"Ohh!!" sigaw ko mula sa loob habang tinitingnan pa rin ang malaking kabaong

"Binibini, tayo na sa labas" aya nya sa akin ng matagpuan nya ako sa aking pwesto

"Ano itong kabaong na ito?" nakapamaywang na tanong ko sa kanya habang nakakunot ang kilay at puno ng pagtataka

"Dyaan ako natutulog minsan binibini kapag hindi ko kayang matulog sa aking kama" sagot nya sa akin


Oo nga pala, bampira pala sya akala ko kasi normal na tao. Masyado akong nasasanay sa pag aakto nya dahil mukha na syang mortal sa kanyang mga kilos at pananamit.


"Nais mong tingnan sa loob?" aya nya sa akin sabay lahad ng kamay


"Baka hindi na ako makalabas" reklamo ko sa kanya

"Sasamahan kita, malaki na iyan kapag nasa loob ka. Subukan mo" paniguradong sabi nya sa akin


Binuksan nya ito't pinakita sa akin ang loob nito. Hindi ito gaanong kalaki habang aking tinitingnan ngunit ng pumasok ako ay lumawak na lamang ito bigla. Humiga ako roon at sumunod naman sya sa aking ginawa. Ang buong akala ko ay hindi kami magkakasya ngunit may natitira pa palang pwesto. Napakakomportable rin nitong higaan, hindi katulad ng normal na kama. May mga ilaw kasi ito sa loob at hangin. Dumapa ako't nagpagulong gulong dahil sa lambot ng higaan. Kung iyong iisipin ay parang hindi ito kabaong dahil sa lawak nito sa loob. May mahika atang ginamit rito at tila ganito ang naging itsura.


Nakita kong nakangisi si Cassius ng dahil sa aking ginagawa kaya tumigil ako't sinamaan sya ng tingin.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" sungit na tanong ko sa kanya

"Nakakaaliw kang tignan kapag ganyan ka binibini" saad nya sa'kin na may mga ngisi sa labi

Inirapan ko na lamang sya't tinigil ang aking ginawang pag gulong. Nagiging mukha akong bata ng dahil sa aking ginawa.

"Saan ka paroroon, Kataleya?" tanong nya ng makaupo ako sa kama ng kabaong

"Lalabas" maikling sagot ko


"Halika't magpahinga na lamang muna" sinsirong sabi nya


"Ayoko" pagtatampong sabi ko


"Nagtatampo ka ba?" may ngising tanong nya habang bumabangon mula sa pagkakahiga sa kama ng kabaong


"Bakit naman ako magtatampo? Ngayon ka lang nga naaliw sa aking ginagawa magtatampo pa ako. Hindi, hindi talaga ako nagtatampo!" pagtanggi ko sa kanyang tanong


Tumawa sya't iniharap ang mga mukha namin. Malawak ang kanyang ngiti't parang nasisiyahan pa sa aking pagtatampo.


"Ano ba ang nangyayari sa iyo bakit tila umiba ang iyong katangian ngayon? Nakainom ka lamang ng alak ay nagkaganyan ka na" tumawa sya ng mahina


Nais ko lamang bakit ba sya pakialamero? Umiinit na nga ang aking katawan rito at parang nais ko na lamang tumira sa kabaong na ito dahil malakas ang hangin pero wag na lamang.


BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now