CHAPTER 2

886 16 5
                                    

Maya




Gabi na ng makarating kami sa bayan ni tita, ang hula ko ay alas onse na iyon ng gabi. Pagkapasok ko sa bahay ay napahanga ako dahil mala vintage and design ng bahay. Hindi lang ito ordinaryong bahay dahol sobrang laki neto.



"Ang ganda naman ng bahay mo tita" hanga kong sabi habang tinitingnan ang paligid




"Maganda talaga!" Sarkastiko nyang saad sabay hawi sa buhok nya



"Mag isa ka lang dito tita?" tanong ko habang nakatingin sa mga larawan nya sa gilid

"Oo, kaya nga gusto kong dito ka sa'kin tumira e para may kasama ako dito" Saad nya sa'kin



Napatango lang ako sa sagot nya. Mabuti na lang at inimbitahan nya akong tumira dito dahil ang laki ng bahay tapos mag isa lang sya. Hindi kasi nag asawa si tita dahil daw dagdag gastos lang iyon at hindi daw sya makakagalaw ng malaya kapag may asawa na sya.



"Halika sa taas nandun ang kwarto mo" pag aya nya sa'kin



Sumunod lang ako sa kanya. Huminto kami sa tapat ng isang kwarto at ng pumasok kami ay talagang napanganga ako sa gulat dahil ang ganda ng kwarto at ang laki pa.



"Ito ang kwarto mo Maya" saad ni tita habang nilalagay ang mga gamit ko sa taas ng malambot na kamay


"Salamat tita, ang ganda ganda dito" masaya kong saad habang tumitingin sa paligid ng buong kwarto.


Meron itong banyo at malaking lalagyan ng mga damit, may balkonahi rin ito. Sa tabi ng balkonahi ng aking kwarto ay merong isang malaking puno ng kahoy. Umaabot ang dahon nito sa balkonahi kaya kahit anong oras ay pwede kong akyatin.



"Magpahinga ka na muna Maya. Bukas  mo na ayusin ang mga gamit mo" sabi sa akin ni tita



"Opo tita, goodnight" sabi ko ng may malawak na ngiti



Tumango lang sya at lumabas na ng kwarto. Bago ako matulog ay sinara ko muna ang bintana pati ang pinto palabas sa balkonahi. Bukas na ako maglilinis, napagod rin ako sa byahe.



KINAUMAGAHAN bago ko simulan ang pag aayus ng gamit ko ay bumaba muna ako para tulungan si tita sa pagluluto sa kusina. Nag umagahan na rin kami pagkatapos namin kumain ay inayus ko na lahat ng gamit ko na nakakalat pa sa kwarto.



"Maya, sama ka?" tanong ni tita ng pumasok sya sa kwarto ko


"Saan tita?" Tanong ko naman



"Palengke, mamimili ako ng mga gulay. Bulok na kasi gulay natin sa ref" saad nya



"Ah sige magbibihis lang ako" sabi ko sabay kuha ng gagamiting damit



Sinara nya na ang pinto, narinig ko ang mga yapak nyang pababa na sa hagdan kaya nag dalidali na akong magbihis.



Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, nakita ko si tita na nag aantay sa akin sa sala. Naka puting bistida sya at nakalugay lamang ang kanyang taga baywang na buhok. Kung unang kita ko pa lang 'to sa kanya ay masasabi ko talagang ang bata nya pa.



"Mukha kang pulubi dyan sa suot mo Maxine!" saway ni tita habang nakapamewang at nakatingin sa akin



"Wala na akong maayos na damit tita, inempake ata lahat ni mama yung mga bagong damit na bili ko noon eh kaya nawala" pagrereklamo ko sa kanya. Tumayo sya at lumapit sa akin.



BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now