CHAPTER 14

474 7 0
                                    

Cassius








"Kuya bakit parang napakalaki ng problema mo?" tanong ni Drazellie habang seryusong nakatingin sa akin at sumusubo ng pagkain


"Ha? Wala akong problema. May iniisip lang" saad ko sa kanya

Tumango lamang sya't uminom ng tubig at pinunasan ang kanyang bibig.

"Kamusta naman ang panghaharana, kapatid?" singit ni Caulm

"Nanghaharana ka kuya? Marunong ka?" malakas na sigaw ni Drazellie sa akin

Tumango lamang ako sa kanya at bumaling sa gawi ni Caulm. Paano nya naman kaya nalaman na nangharana ako? Sinusundan nya ba ako? O di kaya'y nababasa nya ang iniisip ko? Pinoprotektahan ko na nga 'to para di nya mabasa e pano nga ba nya nalaman? Bahala na nga ito, wala namang silbi kung itatago ko pa ang pagiging romantiko ko sa binibini.


"Ayus naman, medyo ayaw lang ng aking nililigawan sa akin" saad ko ng may malamyos na boses


"Kung ayaw sa haranahan, iyong anakan" sambit sya gamit ang kanyang baritonong boses at napakaseryusong mukha


"Gagawin ko sana 'yan ngunit nabitin kami ng tiyahin nya" saad ko na may ngisi sa labi dahil muli kong naaalala ang nangyari noong nga nakaraang araw


"May itatakdang kasiyahan si ama sa makalawa. Imbitahin mo sya at ng makilala namin" sambit nya at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan

Bakit hindi ko man lang alam na meron palang kasiyahan na magaganap sa makalawa? Para saan naman ang kasiyahang iyon?


NAKATAYO lamang ako sa pintuan at hinihintay ang binibining ipapakilala ko ngayong gabi. Alam kong ayaw nya sa akin ngunit nais ko syang ipakilala sa lahat ng angkan ko. Nais kong ipakilala ang babaeng aabutin ko kahit imposible.


Pinapuntahan ko sya kahapon kay Prodo dahil nasa hasyenda ako't maraming ginagawa kaya hindi ko sya mapuntahan at masabihan ng personalan. Ang sabi naman sa akin ni Prodo ay sumang ayon na sya na pupunta sya ngayong gabi kaya panatag ang loob ko na dadating sya.


Mula sa pintuan ng mansyon ay nakita ko ang isang dalagang ninanais ko. Ang dalagang matagal ko ng pinapangarap. Naglalakad sya papunta sa pwesto ko kasama ang kanyang tiyahin. Kung maganda sya araw araw ay mas lalo pa syang gumanda ngayong gabi. Nakasuot sya ng bestidang kulay puti, napakasimple lamang ng kanyang bestida ngunit sobra naman ang ganda ng sumusuot.


"Magandang gabi, binibini" saad ko ng makalapit sya sa tinatayuan ko sabay kuha ng kanyang kamay at hinalikan ito


Nakatingin lamang sya sa akin, para syang dyosa na naligaw sa mundo ko. Ang mundo ng kadiliman.


"Maxine, pipi ka ba? sagutin mo nga yan oh" saad ni tita Amalia sabay siko sa kanya

"M-magandang gabi" sunod nya sa utos ng kanyabg tiya

"Pasok tayo?" Aya ko sa kanila sabay lahad ng kamay ko sa aking binibini na sya namang kinuha nya

Inilalayan ko sya papunta sa loob ng mansyon samantalang ang tiyahin nya ay kasama ang aking kaibigan na si Prodo at naglalandian sa isang tabi.


"Anong nais mong inumin?" Senserong tanong ko

"Wala, baka puro dugo yung ipapainom mo sa'kin" seryusong saad nya na ikinatawa ko

"Bakit ka natatawa?" kunot noong tanong nya


"Wala, napakasaya lang ng gabing ito sapagkat nakita kong muli ang iyong maamong mukha" malambing kong saad habang tinitingnan sya sa mata

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now