CHAPTER 8

594 13 2
                                    

⚠️🔞


Ang pagpapatuloy ng kalaswaan na kanilang sinimulan sa ilalim ng buwan. Kidding HAHAHA.

Cassius



Umuwi ako ng bahay para maligo, nagmadali ako kasi baka kung magising si Maxine ay wala na akong chansang alagaan pa syang muli. Matapos kong maligo ay bumalik na ako agad sa bahay mansyon ni tita Amalia at dinala ko ang aking motor. Nang makabalik doon ay naramdaman kong gising na ang maliit na babae kaya umuwi ako ulit ng bahay sakay sa aking motor. Hindi ako mapakali kasi hindi ko makikita ang babae, gusto ko syang tanawin kahit malayo man lang basta makita ko lang na maayos na talaga ang kanyang kalagayan. Nag ayos akong muli at naglakad papunta sa bahay nila, ayaw kong pumasok dahil gabi na rin at baka lalabas na ang aking mga pangil mamaya. Napaisip ako ng paraan ngunit baka mahuli nya ako.



"Bahala na" bulong ko sa sarili at tinuloy ang iisang paraan na alam ko makita ko lamang ang babae


Napanatag ang loob ko ng makita kong maayos na ang kanyang pakiramdam habang nakikipag usap kay Tita Amalia. Bababa na sana ako ngunit biglang napalibutang ng baging ang aking mga paa.


"Bwesit ang malas talaga" bulong ko sa sarili habang unti unting tinatanggal ang mga baging


Naiinis na ako bwesit na mga baging ito. Dahil sa inis ko ay unti unti ko ng nararamdaman ang paglabas ng aking mga pangil. Napalakas ko ang paghablot ng mga baging sa aking paa at hindi ko namalayan na napansin pala iyon ni Kataleya.


"Anong ginagawa mo dyan?" tanong nya habang iniilawan ang aking paa


"W-wala ah... ano lang..." putol putol kong sagot dahil sa kaba na baka mapansin nya ang aking mga pangil at pulang mata


Inalok nya ako ng gunting para gupitin ang mga baging sa aking mga paa kaya hindi ko na ito tinanggihan. Matapos kong magupit ito ay bumaba na ako, tinatanong nya ako kung anong ang ginagawa ko sa ibabaw ng kahoy at ayaw ko namang aminin na tinitingnan ko sya dahil nakakahiya. Pinipilit nya akong tumingin sa kanya ngunit nagmamatigas ako. Tumigil sya sandali sa kanyang ginawang paghawak sa malamig kong mukha, lumayo sya sa'kin kaya napanatag ang loob kong hindi nya na ulit gagawin yun.



"Ano nga? tumingin ka nga sa'kin parang tang--" putol nyang sabi ng hinawakan nya ang mukha ko para lumingon ito sa kanya. Hindi ko naman ito napansin dahil biglaan nya lang itong ginawa.


Kitang kita ko ang gulat sa kanya mukha, nais kong magpakalayo sa kanya upang hindi na sya matakot. Ang mga mata nya ay parang bituin na kumikislap habang tumitingin sa akin ngunit puno pa rin ito ng takot.



Pa ulit ulit nyang tinatanong kong anong ginagawa ko sa ibabaw ng kahoy. Pinagbintangan nya pa ako na kaya ko daw yun ginawa ay dahil may balak akong kainin sya. Meron naman talaga pero hindi sa paraang iniisip nya.



"Tinitingnan kita, ayos na ba tatahimik ka na?!" malakas na saad ko dahil sa hiya dahil pa ulit ulit nya akong tinatanong.


"B-bakit ka galit?" takot nyang sabi, ang mga mata nya ay unti unting naluluha dahil sa ginawa kong magsigaw.



Ang maliit na babaeng ito ay may malambot na puso na hindi maaaring saktan sapagkat mabilis lamang syang maiyak.



"Hindi ako galit" malambing kong sabi sa kanya para maramdaman nyang hindi ako nagalit sa kanya. Dahil lamang iyon sa sobrang hiya kaya napalakas at mukhang galit ang aking pagkakasabi.


"Galit ka eh" panguso nyang sabi, iyan ang ngusong umaakit sa akin at nais ata akong paibigin sa isang taong maliit.


"Hindi nga" sabi ko na mas malambing ang boses at lumapit sa kanya



"Bampira ka ba talaga?" panigurado nyang tanong sa akin



"Oo hindi ba halata?" tanong ko naman habang nakataas ang kanang kilay




"Kasi... bakit hindi kayo nasusunog sa araw. Diba dapat nasusunog yung mga bampira sa ganun?" parang batang puslit na tanong nito na sinabayan nya pa ng panguso



"Hindi naman totoo yan" sagot ko para mawala na ang kanyang agam agam



"Pero totoong bampira ka nga?" tanong nya pa ulit



"Siyasatin mo ang bibig mo kong totoo nga ba akong bampira" pabiro kong bulong sa kanya ngunit hindi ko naman aakalain na sisiyasatin nya ngang tunay iyon



Ang babaeng maliit na ito ay talagang may lakas na loob na gawin ang aking inuutos.



Tumingkayad sya at ipinasok ang kanyang dila sa aking bibig. Itinusok nya ang kanyang dila sa aking pangil upang masiguradong tunay nga ang mga ito. Nang napatunayan nya na ay aaktong aalis na sana sya ngunit bigla kong niyakap ang kanyang baywang.



Mahina syang umuungol dahil sa aking pagsipsip ng kanyang dila. Nalalasahan ko ang matamis na mga laway nya at ang kanyang mabangong hininga. Tinutulak nya ako ngunit masyado ng natatabunan ng kalaswaan ang aking utak kaya ayaw ko na syang bitawan. Unti unting nawawala ang aking mga pangil na sya namang ipinasasalamat ko dahil maaangkin ko na ang kanyang bibig ng hindi sya nasusugatan. Hinalikan ko ang kanyang leeg dahilan para mapaungol ko ang maliit na binibini. Tila may sariling utak ang aking katawan dahil gumapang ito sa kanyang dibdib at unti unting pinipisil. Kinarga ko sya papunta sa loob ng kwarto habang ang mga bibig namin ay nananatiling naghahalikan. Unti unti ko syang hinuhubaran upang maging akin sya ng tuluyan.



"Maaari ba kitang maangkin ngayon binibini?" bulong ko sa kanya habol habol ang aking hininga



Tumango lamang sya kaya ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa unti unti ng pumupunta sa ibabaw ang kanyang damit pangtaas.



"Maxine narito na ang iyong pagkai-- ay jusko santisima trinidad naghahalikan sila at mukhang handa ng magkantotan" gulat na saad ni tita Amalia ng makapasok sa kwarto ni Maxine



Dali dali akong bumangon at pinunasan ang mga laway na nasa bibig ko.



"T-tita..." utal utal na tawag ni Kataleya sa kanyang Tita



"Sinasabi ko na nga ba Cassius may gusto ka talaga sa pamangkin ko, tingnan mo kulang na lang ay maghubad kayo" turo nya sa aming dalawa ni Kataleya



"Pasensya na tita nadala lang ako sa emosyon" pagpaumanhin ko sa kanya



"Siraduhin nyo yung pinto kapag may plano kayo hindi yung nakakalimutan nyong narito pa ako" pagpapa alala sa amin ni tita Amalia



"P-pasensya na tita" sabi ni Kataleya ng hindi makatingin sa kanya tiyahin, nakayuko lamang sya at alam kong nahihiya sya sa kanyang-- aming ginawa.


Tumango lamang si tita Amalia at lumabas na ng kwarto, sinarado nya pa ito bago sya tuluyang umalis.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now