CHAPTER 3

789 13 0
                                    

Maya



"Amalia!!" Sigaw ng babae na naglalakad palabas ng malaking bahay. Ang banta ko ay magka edad sila ni tita, pareha din silang mukhang mga dalaga dahil sa suot nila. Kung magsamasama kaming tatlo ay aakalin mo talagang ako ang nakakabatang kapatid nila.


"Marianne!" ganti naman ni tita


Lumapit sila sa isa't isa at nagyakapan, halatang matagal na silang magkakakilala dahil sa asal nila sa isa't isa.


"Si Maxine nga pala" pagpapakilala sa akin ni tita ng maghiwalay sila sa pagkayakap


"Hi Maxine magandang hapon sa'yo" bati sa akin ni Marianne


"Magandang hapon rin po" bati ko naman sa kanya pabalik


"Nako wag ka masyadong pormal sa akin ha at wag kang gagamit sa akin ng 'po' kasi magmumukha akong matanda nyan" sabi nya sabay tawa


"Sige po" sabi ko din habang nakangiting tumingin sa kanya


"Oh kakasabi ko lang" pagbabanta nga sa'kin



"Ay" reaksyon ko na ikinatawa nya pati ni tita kaya tumawa na lang din ako


"Tara pasok muna kayo" aya nya sa amin ni tita


Naunang pumasok sa loob si tita at sumunod naman ako.



"Napadalaw ka ata Amalia ah?" tanong nya kay tita habang nagsasalin ng juice sa baso



"Ito kasing si Maxine gustong magtrabaho kaya sinamahan ko na lang dito sa'yo kasi total naghahanap ka naman ng katulong diba?" saad ni tita sa kanya


"Kailan nya ba balak magsimula?" tanong nya pa ulit



"Maxine, kailan mo balak?" pagbaling sa akin ni tita



"Bukas po kung pwede?" nahihiya kong tanong



"Nako oo naman walang problema" masaya nyang sagot sa akin


Matapos yun ay nag iba ang usapan nila. Hindi ako makasabay kasi wala naman akong alam. Bukas ang simula ng trabaho ko at mukhang mapapalakad ako neto ng isang oras araw araw dahil sa layo ng pagtratrabahuan ko.



Pagkatapos nilang mag usap ni tita Amalia at Marianne ay umuwi na kami. Malapit na ring magdilim kaya halos takbuhin na namin ni tita ang daan. Delikado daw kasi kapag naabutan kami ng dilim kasi maraming mga tambay sa daan at mga nakakatakot pang mga bagay.

Habang naglalakad kami ay merong motor na tumigil sa harap namin. Pamilyar ang kanyang katawan ngunit hindi ko naman masabi sa sarili kong sya talaga ito dahil alam kong hindi ko pa sya lubos na kilala.


"Tita! malapit na po ang gabi ah, saan kayo galing" sabi ng lalaking nakamotor tyaka tinanggal ang helmet nya



Doon ko lang napatunayan nga sya nga talaga ang lalaking pinagkamalan kong magnanakaw sa bahay kanina.


"Kina Marianne lang Cassius. Magtratrabaho kasi si Maxine sa kanya" sagot naman ni tita



"Baka gabihin yang kasama mo araw araw tita. Ang layo layo pa naman ng lalakarin papuntang bahay mansyon nyo tyaka sa mansyon ni Aling Marianne" sagot ng lalaki



"Hindi naman sya hahayaan ni Marianne na umuwing mag isa Cassius" paniniguro nya kay Cassius


Tumango lang ang lalaki bilang sagot sa sinabi nya.



"Angkas na kayo tita, hatid ko na kayo malapit na kasing magdilim" alok ng lalaki sa amin ni tita


Dalidali namang umangkas si tita kaya sumunod lang ako sa kanya. Saktong dumilim at nakarating kami sa bahay. Inanyayahan pa ni tita si Cassius na dito na sa amin maghapunan ngunit umayaw ang lalaki dahil marami pa daw syang trabaho.



Pagkatapos naming maghapunan ni tita ay naghugas muna ako ng plato at naglinis ng kusina. Nang natapos lahat ng iyon ay umakyat na ako sa kwarto. Nakabukas ang pinto ko palabas ng balkonahi, isasara ko na sana ito ngunit gusto ko pang sumilip ng magandang buwan at bituin sa labas kaya hinayaan ko muna ito at patuloy na lumabas na lang papuntang balkonahi.



Noong nasa bahay pa lang ako namin ay hindi ako lumalabas tuwing gabi dahil lagi akong pinapagalitan ni mama kapag lalabas ako. Ngayong narito na ako sa bahay ni tita ay sigurado naman akong wala ng magagalit sa akin.



Habang nakatingin ako sa mga bituin ay biglang may tumunog sa sanga ng kahoy na malapit sa balkonahi ng aking kwarto. Sinilip ko ito ngunit hindi ko makita dahil masyadong madilim.


"Maxine!" Tawag ni tita habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko


"Bakit nandyan ka pa? Pumasok ka na rito at isara mo na yang pinto palabas sa balkonahi mo dahil gabi na" suway nya sa'kin


"Tumitingin pa po ako sa nga bituin, mamaya na po" pagrereklamo ko sa kanya


Rinig ko ang malalim nyang paghinga habang papalapit sa'kin.


"Pasok ka na kasi, baka aswangin ka dyan" pananakot nya sa'kin na akala mo naman ay bata ang tinatakot nya.


"Totoo pa ba yang mga ganyan tita?" takang tanong ko sa kanya


"Depende" maikling sagot nya habang sinasara ang pinto palabas sa balkonahi.



"Matulog ka na nga at may trabaho ka pa bukas" pagpapaalala nya sa akin habang naglalakad palabas ng kwarto ko.

"Ay oo nga pala. Sige goodnight tita" pagpapaalam ko sa kanya.


"Goodnight Maxine" ganti nya naman


Tinanguan ko lang sya. Sinara nya na ang pinto ng kwarto ko kaya naman pinatay ko na nag ilaw sa kwarto.


Sa lahat ng nakilala kong tao, si tita lang ang laging tumatawag sa akin ng Maxine. Siguro ay talagang paborito nya ang pangalan na 'yon. Ang kwento kasi ni mama sa akin noong bata pa ako ay si tita Amalia daw ang nagbigay sa akin ng pangalan na Maxine kasi daw iyon ang pangalan ng inibig ng taong inibig nya ng sobra. "Greatest love" kumabaga, ang tao daw kasi na iyon ay inibig masyado ni tita Amalia ngunit umibig iyon sa kanyang matalik na kaibigan na si Maxine ang pangalan. Mahalaga kay tita Amalia ang dalawa kaya pinagsama nya iyon sa isang pangalan. Ibig sabihin kasi ng Maxine ay "the greatest" at iyon ang pangalan ng matalik nyang kaibigan na pinatulan ang kanyang greatest love. Yun din ang dahilan kung bakit hindi na nagmahal ulit si tita. Bukod daw sa hindi sya makakagalaw ng malaya ay ayaw nya pa rin daw kalimutan ang nakaraang iyon. Nasaktan sya noon ng sobra ngunit na kaya nyang patawarin ang dalawa noong ikinasal na sila. Ang Kataleya naman sa pangalan ko ay "orchid" paboritong bulaklak ng mama ko at syempre paborito ko rin.

Kakaisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Siguro ay pagod ang katawan ko ngayong araw dahil mahaba haba rin ang nilakad namin ni tita.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now