CHAPTER 30

291 4 2
                                    

Maya










Isang buwan na paglalakbay. Isang buwan na pangungulila. Bakit hindi pa rin kita ma kita kita.

Miss na miss na kita mahal ko....


"Maya, ayun sunggaban mo!" sigaw na utos ni papa dahil nakawala ang lobo na hawak nya

Hinabol ko iyon. Hindi para patayin kundi para pagsabihan. Si Papa kasi pinapatay nya ang mga lobong walang ka alam alam. Nais ko silang tulungan ngunit mahirap naman.


Huminto ang lobo sa isang puno. Lalapitan ko sana ito ngunit biglang nag anyong tao. Pamilyar ito. Buhok, katawan at galaw.


Nagtago ako sa kalapit nitong puno. Sakto lang para makita sya.



"Alam kong nariyan ka, lumabas ka" utos nito sa akin


Ang boses nya....


"Inuutusan kita. Lumabas ka!" galit nitong sambit

Lalabas sana ako ngunit may lumabas sa punong hinintuan nya. Hindi pala ito ordinaryong puno. May pintuan ito na ang katulad lang nila ang nakakakita.


"Sinong tinatawag mo?" isang boses na nagpatayo sa aking balahibo

Boses na matagal ko ng gustong marinig...

Tiningnan ko ang kanyang mukha. Walang nagbago rito. Ang amo pa rin ng kanyang mukha.


"May taong nakasunod sa'kin" sabi nito sa kanya na para bang siguradong sigurado ito sa kanyang sinasabi


Lumingon sila sa gawi ko. Dali dali akong nagtago sa puno upang huwag nila akong makita. Nais ko man syang mayakap ngunit pinipigilan naman ako ng aking mga paa.



Natatakot pa rin ako, baka saktan nya akong muli. Baka may patayin na naman sya sa pamilya ko.


"Bolaga!!" malakas na sambit nya dahil nahuli nya akong nakatago sa puno

Gusto kong tumakbo dahil ngunit gusto ko rin naman syang yakapin. Tinitigan nya ako ng mabuti na para bang hindi nya ako kilala.


Hindi nya nga ba ako kilala?



"Anong ginagawa mo rito babaeng tao? Alam mo bang bampira ang sinusundan mo?" tanong nya ng nakapaningkit ang mata na nakaharap sa'kin


"H-hindi ko..." hindi ko mapatuloy ang mga salitang nais kong sambitin dahil ang mata ko ay unti unti ng napupuno ng luha

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang tingnan sya, lalo na't hindi nya ako kilala. Hindi na nya ako naaalala.


"Bakit ayaw mong tingnan ako?" mahinang tanong nya sa'kin na puno ng sinsiridad



Hinawakan nya ang dalawa kong balikat at pinipilit akong tumingin sa kanya. Lumingon ako sa kanya at tiningnan sya sa mata. Nakikita ko pa rin ang pagmamahal sa kanyang mga mata. Ang mata na minsan ng naakit sa akin.




"Cassius, balik na tayo sa loob. Delikado ang babaeng iyan dahil may kasama iyang pumapatay ng kalahi natin" sambit ng kasama nya



Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila. Sayang nga lang at hindi na nila kami naaalala. Kung nakita lang sana ni Tita Amalia ang nakikita ko ngayon sigurado akong todo iyak yun dahil ang lalaking matagal na nyang hinahanap at pinagtatangisan ay nakita nya na.




"M-mahal ko...." bulong ko kasabay sa pagtulo ng mga luhang kanina pang nais lumabas sa aking mata



"Ano sabi mo?" kunot noo nitong tanong sa'kin



Ang sungit ng kanyang mukha. Halatang wala talaga syang naaalala. Maski ako ay hindi man lang nya matandaan? Mahal nya ako hindi ba?



"Teka, tao ang agrisibo mo naman ata? Para lang malaman mo meron nang minamahal ang haring Cassius namin at ikakasal na sila dahil nagdadalang tao ang kanyang minamahal" sabi ni Prodo na puno ng pananabik dahil sa nangyayari sa kanyang kaibigan





Masayang sambit ng isang bampira na walang naaalala habang ang puso ko ay unti unting nadudurog.




Habang minamasdan syang nakangiti dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Ang puso ko naman ay nagtatangis dahil sa sakit ng aking nalaman.


Hindi ako naaalala ng taong mahal na mahal ko...

Kumaripas ako ng takbo habang nagsasalita si Prodo at ipinagmamalaki ang kasal na magaganap. Nilingon ko sya sa huling pagkakataon. Ang mukhang iyan na minahal ko ng sobra ay syang dumurog sa aking buong pagkatao.



Hindi ko alam kung saan ako patungo. Tinakbo ko lamang ng tinakbo lahat ng sakit.




Isang napakalaking puno ang aking nakita, doon ako huminto. Doon ko itinangis lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigilan.



"P-potanginaa!" sigaw ko kasabay sa luhang kanina pang umaagos sa aking pisngi





"Bakit ba kita... m-minahal!" habol hininga kong sabi



Nais kong ubusin lahat ng sakit na narito sa aking puso. Nais ko itong kunin agad agad. Ngunit ayaw nitong kumawala. Ayaw nyang umalis.




Ngayon ay hari ka na, masaya ako para sa'yo. Pero sa balitang ikakasal ka na at nagdadalang tao ang iyong papakasalan ay hindi ko itong matanggap.






Ang nais ko lamang ay makita ka at makapiling kang muli katulad ng dati ngunit bakit inilalayo tayo ng tadhana. Bakit ayaw nya tayong magkasamang muli.


"Maxine!!" boses ni Tita Amalia



Sigurado akong kanina pa nila ako hinahanap ni Papa. Siguro'y iniisip nila na pinatay ko na yung lobo. Lobong naging bampira. Ang bampirang iyon na minahal rin ni Tita Amalia.


Sigurado akong kapag malaman nya iyon ay hindi nya rin matatanggap. Alam kong masakit rin sa kanya kapag malaman nyang hindi sya naaalala ng kanyang mahal. Ngunit hindi pa rin padadaig ang sakit na inilathala sa akin.




Masakit man iyon ngunit wala akong magagawa sapagkat iyon ang nakatadhana para sa ating dalawa. Ang mahihiling ko lamang para sa iyo ay ang maging masaya ka kahit hindi na sa piling ko.



Sana'y mahagkan kita kahit sa huling pagkakataon lamang. Sana'y mahalikan ko ang matatamis mong labi bilang huling hiling.



"Maxine, bakit ka tumatangis?" nag aalalang tanong ni Tita

Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. Hanggang ngayon alam kong nanalig pa rin syang makikita nya si Prodo. Ang lalaking pinakamamahal nya.

Makikita nya iyon ngunit hindi naman sya maaalala. Isang walang hiyang tadhana. Pinagalalaruan lamang kami. Kung saan meron ng nagpapasaya sa amin ay doon naman nila kukunin. Kung saan nasanay na kami doon nya naman paaalisin.




"T-tita...." nanghihina kong tawag sa kanya

Nagdidilim na ang aking paningin. Hindi na ako nakakahinga ng maayos dahil sa lubos kong pag iyak.


Tama ang aking tantya, masasaktan lang talaga ako sa huli kapag magmahal ako.


"Tita... N-nakita...." habol hininga kong sambit kasabay sa pagdilim ng aking paningin

Sana'y maging masaya ka. Hindi man sa piling ko ngunit sa piling nya. Ang tadhana na ang nagsabing hindi tayo para sa isa't isa. Sana'y una pa lang pinaalam nya na upang hindi ako tumangis ng ganito. Ngunit kahit ganun pa man ang kanyang disisyon para sa atin. Patuloy pa rin kitang mamahalin. Kahit masakit man na nasa iba ka na, mamahalin at mamahalin pa rin kita.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now