CHAPTER 13

490 9 0
                                    

Cassius




"Sigurado ka ba sa naisip mo Prodo?" puno ng pag aalinlangang tanong ko kay Prodo habang naglalakad patungong bahay ni binibining Kataleya


"Wala ka bang tiwala sa akin, kaibigan?" mayabang na tanong nya sa'kin na may ngiti sa labi habang nakataas ang isang kilay nya


"Hindi ka naman kasi katiwa tiwala" saad ko sa kanya na sya namang pagkawala ng kanyang mga ngiti

"Ay grabe sya, tara uwi na lang tayo nagtatampo na ako" sabi nya sabay balik sa aming dinaraanan


"Ayaw mo ba makita ang kanyang tiyahin na maganda?" pang aasar ko sa kanya


Lumingon sya sa'kin at pinanlakihan ng mata "meron?!" sabik nyang tanong habang tinitingnan ako sa mata


Tumango lang ako sa kanya at sya namang ikinalawak ng kanyang ngiti. Patuloy kami sa paglalakad hanggang umabot kami sa bahay nila ni Kataleya. Kabado ako dahil ito ang una kong panghaharana at hindi ko alam kong magugustuhan nya ito o hindi.



Sa tapat kami ng kanyang kwarto tumayo, meron kasing balkonahi doon kung saan kami nagsalo ng aming mga labi. Aaktong itutugtog ko na sana ang gitara ngunit napatigil ako dahil sa sobrang panginginig dahil sa kaba.



"Senyorito, kaya mo yan wag ka manginig" saad ni Prodo at tinapik ang balikat ko sabay tawa ng mahina


Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumigil sya kakatawa. Tumingin ako ulit sa taas at huminga ng malalim para simulan ng ang aking panghaharana.


Unang tingin pa lang sa 'yong mga mata
Kumikinang na't sa 'kin ay nakatingin
Ako'y tinawag, sabi'y "Lapit ka sa 'kin"
Hindi ako nakailing sa 'yo


Pagsisimula ko, nakita kong nasa kabilang bintana si Tita Amalia at nakangiti syang tumitingin sa akin. Nakita ko ring mas lumawak ang ngiti ng lalaking nasa tabi ko dahil kay Tita.


Dumating na ang gabi
Inalis mo ang dilim
Sa paglisan ng agwat
Sa 'ting mga labi
Tila ba ako'y iyong dinala
Sa paraisong taglay ng iyong ganda



Pagpapatuloy ko habang nakatunganga pa rin sa bintana ng kwarto ng babaeng iniibig ko. Tumingin ako sa pwesto kanina ni tita Amalia ngunit wala na sya roon, saan naman kaya yun nagpunta.


Dumating na ang gabi
Inalis mo ang dilim
Sa paglisan ng agwat
Sa 'ting mga labi




Nagtapos ating gabi
Nawala ang 'yong himig
Nag-iba ang 'yong tingin
Sa 'king mga labi


Kanta ko habang nakatingin sa aking gitara at dinadama na lamang ang bawat nota ng kanta kahit na alam kong hindi ako tinatanaw ng aking minamahal. Kahit hindi nya man ako tanawin mula sa taas ay magpapatuloy pa rin ang mga nota sa kanta na iaalay ko sa kanya.




Tumingin akong muli sa balkonahi ng kanyang kwarto at doon nakita ko ang nakatayong dalaga na may maamong mukha na nakatingin sa aming pwesto. Nagulat ako dahil ang seryuso ng kanyang tingin at nakataas pa ang kanyang mga kilay. Kahit ganun pa man ang kanyang reaksyon ay hindi ko pa rin itinigil ang aking pag kanta.



BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now