CHAPTER 28

322 5 0
                                    

Maya












"Ang pogi mo ngayon!" masayang sabi ko sa kay Cassius habang inaayos ang kwelyo ng kanyang polo



Naghahanda na kami sa magaganap na koronasyon ngayon. Pinipilit ko rin syang tanggapin ng buo ang kanyang tungkolin dahil ayus lang naman sa'kin kahit wala syang masyadong panahon para alagaan ako.



"Ngayon lang?" reklamo nya


"Araw araw kang pogi Cassius. Hindi lang halata kasi pangit ka" biro ko sa kanya upang mapawi lahat ng lungkot na nasa mukha nya


Ngumisi sya dahil sa sinabi ko at hinawakan ang aking baywang at inilapit sa kanyang katawan at niyakap ako ng sobrang higpit. Minsan talaga may pagka oa 'tong lalaking 'to.



"Mahal na mahal kita Kataleya" malambing nyang sabi habang yakap yakap ako sa mga bisig nya



Siguro'y ito na ang tamang panahon upang aminin at sabihin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Hirap na akong magtago ng katotohanan. Gusto kong pasayahin sya at ito lamang ang nag iisang daan na alam kong makakapagpasiglang muli sa kanya.



"Mahal na mahal na mahal din kita, Cassius Azreall. Walang makakatumbas ng pagmamahal ko sa'yo. Kung sa tingin mo ay isa kang demonyo, isa ka namang anghel sa tingin ko. Magka iba ang ating mata Cassius. Hiramin mo ang matang meron ako upang makita mo ang isang anghel na minamahal ko." malambing na saad ko at humalik sa kanyang pisngi


Tumingin sya sa'kin na sobrang gulat at hindi makapaniwala dahil sa aking sinabi. Malapad ang kanyang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ang maputla nyang mukha at unti unting naging pula.


"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong nya sa'kin habang hawak ang dalawa kong balikat habang nakaharap sa kanya



"Oo nga" masaya kong sabi dahil naging masaya at napangiti ko syang muli



"Sabi ko na nga ba crush mo ako eh. Kiss mo nga ako kung totoo nga ang iyong tinuran" sabi nya na may mapanuksong mga ngiti sabay kindat kindat sa akin na para bang isa syang tambay sa kanto na nakahithit ng mariwana



"Baliw!" sigaw ko sabay hila sa kanyang kwelyo at hinalikan sya sa labi


Ang nga labi nya ay lalong tumamis. Mas naramdaman ko ang pagmamahal nya.



"Bumaba na tayo. Kokoronahan ka pa mahal kong hari" natatawa kong sabi sa kanya at naglakad papuntang pintuan. Sumunod sya kaagad sa akin at inalalayan ako pababa sa hagdan dahil mataas ang aking puting bistida na suot. Abot ito hanggang sahig at mabilis lamang itong matapakan.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now