CHAPTER 26

371 7 0
                                    

Maya









"Bakit kayo nagpunta rito?" sabi ni mama. At kahit kalmado ang kanyang mukha ay alam kong may galit na namumuo sa loob nya.



"N-nasunog ang bahay namin..." nakakaawang sabi ni papa habang nakayuko at hindi magawang makatingin sa aming dalawa ni mama



"Kaya narito kayo at hihingi ng tulong? Napaka kapal naman pala ng mukha nyo kung ganun" saad ni mama ng naka ekis ang dalawa nyang braso at taas kilay na nagsalita



"K-kung...maaari sana K-kleya" nahihiyang sabi ni papa habang nilalaro ang kamay ni Yana



Alam kong may galit si mama kay papa ngunit alam ko rin namang may natitira pang pagmamahal sa kanyang puso at hinding hindi iyon mawawala kahit ano pang kasamaan ang magawa ni papa sa kanya. Kahit gaano man kalaki ang galit nya kay papa alam ko balang araw ay mapapatawad nya rin iyon.


"Sige..." walang ganang sagot ni mama at tumalikod na at umakyat sa kwarto nya



Kaming tatlo na lang ang natira at kahit hindi magsalita si Papa ay alam kong sobrang saya nya dahil sa sagot ni mama. Sana kahit wala silang mabuting loob sa isa't isa ay sana maging magkaibigan lang sila.




"BAKIT ngayon ka lang?!" galit na sabi ni Cassius ng makapasok ako sa kwarto



Naka upo sya sa silya at naka dekwatro. Naka ekis rin ang kanyang mga braso at ang mga noo nya'y nakakunot. Tila sya'y nagalit dahil ngayon lamang ako nakauwi.


"Kasi hindi ako kaagad na nakauwi kanina?" sabat ko rito na may pilyong ngiti sa mga labi



"Maayos ang aking katanungan Kataleya! Sagutin mo ito ng maayos!" striktong saway nya sa akin habang tinitingnan ako ng nakakatakot



Parang mangangain na talaga sya ng tao at parang ako ang taong iyon. Hindi ko naman kasi kasalanan na dinala ako roon ni Tita sa bahay nya kahit gabi na tapos hindi nya pa talaga ako pinagpaalam sa lalaking tigre sa harapan ko. Ayan tuloy galit na nakatitig sa'kin.



"Matulog na tayo oh alas dose na pala" pag iba ko sa usapan sabay lapit sa kama at humiga ng hindi man lang sya tinitingnan



"Sagutin mo ang katanungan ko!" galit nyang saad gamit ang kanyang baritonong boses sabay tayo sa inuupuan nyang silya at lumapit sa akin sa kama


Nasa harap ko na sya nakatayo. Kulang na lang ay sumakay sya sa'kin at gawin akong kabayo hangga't gusto nya.


Bayuhin mo hangga't gusto mo. Magpakasawa ka.


Kaharutan Maya!


"Ano ba yun?" inosente kong tanong sa kanya sabay upo sa kama at tinitigan sya pabalik tulad ng kung paano nya ako titigan



"Bakit ngayon ka lang umuwi?!" may diin nyang tanong habang nilalapit ang kanyang mukha papunta sa akin



Hindi ko alam kung anong kalokohan ang napunta na naman sa aking utak at nais ko itong gawin sa kanya.


Lumayo ako ng kaunti sa kanya at hinawakan ang aking ilong upang 'wag akong maka amoy ng kung ano. Nagtaka sya sa'king ginawa kaya lumayo sya ng kaunti.



"Bakit ka lumalayo at bakit mo iniipit ang iyong ilong sa dalawa mong daliri?" taka nyang tanong



Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa aking sasabihin. Kahit naman sabihin ko iyon ay hindi rin naman mapapatunayan dahil hindi naman totoo. Ang aking isisiwalat sa kanya ay pawang kasinungalingan lamang. Nawa'y 'wag syang maging tanga.



"Ang baho ng hininga mo. Takpan mo nga bibig mo inuuod na yata" natatawa kong sabi, sya naman ay sumeryuso pa lalo ang mukha


Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa mukha nya ngayon. Samot saring emosyon ang nakikita ko sa putla nyang mukha. Mukhang umepekto ata ang dugong iniinom nya at pumunta na sa kanyang mukha.


Tumalikod sya sa'kin, sinilip ko sya at nakita kong inamoy nya ang kanyang bibig. Nais kong matawa dahil sa ginawa nya. Kahit kailan talaga nauuto ko sya.




Humarap syang muli sa'kin at pinanlisikan ako ng mata. Nginitian ko lang sya upang ipamukha sa kanya ang pagiging uto uto nya. Lumapit sya sa'kin at bigla akong hinalikan. Isang malalim na halik. Napaungol ako dahil sa kanyang ginawa. Ngunit ng nagsimula ng uminit ang buo kong katawan at pinutol nya ang paghalik sa akin.



"Gago ka ah! Sarap na sarap na yung tao tapos binibitin mo?" reklamo ko sa kanya dahil sa bitin nyang patikim


"'yan ang ginagawa sa mga sinungaling na katulad mo" pagleleksyon nya sabay turo sa dibdib ko tumalikod na upang bumalik sa silyang inuupuan nya kanina



"Magsisinungaling na lang pala ako araw araw" bulong ko sa sarili



"Baka sa tagal nyan ay hindi ka na makalakad, mahal ko" litanya nya at ngumiti ng may panunukso sa mga labi


"Ayaw mo nun baka sa tagal ay magkaka supling tayo. Tawag sa kanila ay Taira" walang kwentang daldal ko sa kanya na sya namang halakhak nya ng tawa


"Taira?" Natatawa nyang tanong


"Bampira at Tao, combination ba ganun" pagbibigay leksyon ko sa kanya dahil hindi nya nakuha yung punto ko



Tumayo sya mula sa silya at lumapit sa akin. Tumabi sya sa akin sa kama habang malapad ang mga ngiting nakatingin sa'king mga mata.


Parang adik 'tong taong 'to, hindi mo maintindihan yung totoo nyang nararamdaman dahil kahit ano ano na lang yung emosyon nyang pinapakita.


"Gusto mong magkasupling na tayo?" sabi nya at magiliw na ngumiti sa akin


"Kung mamahalin mo naman bakit hindi, diba?" Seryuso kong sabi sabay tingin sa kanya na sumeryuso na rin ang mukha



Kanina lang ay puro kami kalokohan, ngayon naman ay naka seryusohan. Siguro nga ay pinagtagpo talaga kami ng panginoon para inisin ang isa't isa.



"Sa tingin mo ba ay hindi ko kayo kayang mahalin? Unang tingin ko pa lamang sa iyong mga mata Kataleya ay para na akong nawalan ng dugo sa aking buong katawan kahit maputla naman na ako noon pa man. Mahal kita Kataleya kahit hindi ko man iyon sabihin ay alam kong nararamdaman mo iyon. Dahil kahit hindi mo man ako mahal ay patuloy ko pa ring ipaparamdam sa'yo ang pagmamahal na syang hangad ng iyong puso. Ang pagmamahal na nais kong ipaparamdam sa'yo panghabangbuhay dahil nais kong ako lamang ang nakatatak dyaan sa malambot at tanga mong puso. Mahal kita, Maxine Kataleya. Isa kang anghel na napunta sa isang mapanlinlang na demonyong katulad ko." mahabang litanya nya na syang nagpatunaw sa aking puso



Tila'y napakaseryuso nya sa kanyang sinabi. Alam ko namang mahal nya ako ngunit iba pa rin talaga kapag inamin nya. Salita at galaw ang syang daan upang malaman kong mahal nya nga ako at iyon ang nakita ko mula sa kanya.



"Hindi demonyo ang katulad mo Cassius. Bakit mo sinasabing isa kang demonyo kung wala ka namang sungay?" natatawa kong sabi sa kanya kaya tiningnan nya ako ng masama



"Joke lang. Ano kasi... U-uhmm... M-ma-" naputol ang sinabi ko dahil biglang tumunog ang kampana.



Isang hudyat na hating gabi na at kailangan ko ng matulog dahil pupuntahan kong muli sina mama bukas ng umaga.



"Matulog na tayo Cassius. Alas dose na." Sabi ko at lumipat ng pwesto upang humiga na at matulog



Tumango lang sya at kinuha ang kumot na inuupuan nya mula sa malambot na kama. Ikinumot nya ito sa akin at inayos ang iilang hibla ng aking buhok na nakasagabal sa aking mukha.



"Mauna ka na. Te amo Kataleya" mahina nyang sabi at hinalikan ako sa noo



Mahal rin kita Cassius. Ngunit hindi ito ang tamang panahon para sabihin iyon. Mahal kita higit pa sa iniisip mo at ng iba.


BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now