CHAPTER 18

493 10 0
                                    

Cassius









"Halaaaaaaa!!!!" malakas na sigaw ni Drazellie na syang nagpagising sa akin pati sa katabi ko


"Bakit bakit?!" taranta kong sabi ng makabangon ako


"Kuya bakit kayo magkatabi tapos nakahu-" naputol ang kanyang sasabihin dahil biglang pumasok ang ina sa kwarto namin


Siguro'y narinig nya ang malakas na sigaw ni Drazellie kaya napapunta sya rito. Ang tansya ko ay kakagising nya lang din sapagkat suot nya pa ang kanyang damit pantulog.


"Anong nangyayari rito?!" galit na tanong ni ina sabay tingin sa katabi ko na syang nagpalambot sa kanyang ekspresyon


"Nagtalik ba kayo?" takang tanong ni ina habang ang mga noo ay nakakunot



"Ina, hindi naman iyan tatabi ng nakahubad kung hindi nagtalik" sabat ni Drazellie kaya tiningnan sya ni ina ng masama



"Magbihis kayong dalawa at bumaba, naghihintay ang iyong ama Cassius" striktang sabi ni ina sabay hila kay Drazellie palabas ng kwarto



Namunga ang katahimikan sa kwarto ko ng makalabas sila. Tumingin ako sa'king katabi na nakatakip ng kumot sa kanyang dibdib habang nakayuko ito at parang nahihiya. Magulo pa ang kanyang mga buhok ngunit hindi pa rin nag iba ang kanyang kagandahan.


"Magbihis ka na Kataleya at tayo'y bababa na" sabi ko sa kanya


Tumingin sya sa'kin at tumango lamang bilang sagot sa aking tinuran. Nakita kong bumangon na sya ngunit sa pagbangon nya ay nakahawak sya sa kanyang puson at sa paglalakad nya ay umiika ika sya. Ano ba itong nangyayari sa kanya at bakit ganito ang kanyang lakad.


"Ayus ka lang ba binibini?" tanong ko sa kanya na syang nagpaigtad sa kanya



"Kita mo ngang umiika ako sa paglalakad diba tapos tatanong tanong ka pa kung ayus lang ako? Nahihibang ka na ba Cassius?" galit nyang sabi sa akin


"Pasensya na, halika tulungan kita" malambing kong aya sa kanya habang lumalapit ngunit lumayo sya sa akin at kinuha ang kanyang damit at tumungo papuntang banyo


"Teka binibini" pagpigil ko sa kanya bago makapasok sa banyo


"Bakit na naman?" irita nyang tanong sa'kin


"Tingnan ko lang baka merong butiki rito sa banyo at makita pa ang iyong katawan at ikaw ay pagnasaan" may ngising sabi nya


"Baka ikaw ang butiking iyon na lagi akong pinagnanasaan kahit nasa harap ng maraming tao" sabi nya sabay talikod sa'kin


"Gwapo naman ako kesa sa butiki" saad ko kaya napalingon sya sa gawi ko


"Saan banda? Pakihanap" nakapamaywang na saad nya


"Nasa mukh-"


"Ng pake ko" pagputol nya sa sinabi ko sabay irap at sinara ang pinto ng banyo



Hinintay ko sya hanggang matapos sya at bumaba kami papuntang hapag kainan. Mahinhin lamang kaming naglakad dahil umiika ika sya, nais ko syang alalayan ngunit ayaw nya naman. Lagi nya akong tinatanggihan na umalalay sa kanya kaya sinasabayan ko na lamang sya sa kanyang mahinhing paglalakad. Nang marating na namin ang hapag kainan ay inalalayan ko sya sa kanyang pag upo. Alam kong nagtataka sina ama at ina pati na rin ang aking mga kapatid dahil sa lakad ni Kataleya ngunit alam ko ring alam na nila na merong nangyari sa amin.


"Kayo ba'y nagtalik kagabi?" biglaang tanong ni ama pagkaupo namin



Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kataleya dahil sa tanong ni ama. Hinawakan ko ang kanyang kamay upang papanatagin ang kanyang loob.


"A-ama... hindi ko po iyon ginawa dahil pinagnanasaan ko ang babaeng ito. Ginawa ko iyon sapagkat mahal ko sya" kinakabahang sabi ko kay ama na seryusong nakatitig sa aming dalawa ng aking katabing babae


"Kung totoong mahal mo sya bakit hindi mo man lang binigyan muna ng seremunya na syang magbibigay sa inyo ng patunay na kayong dalawa at nag iisang dibdib na? Hindi rason ang mahal mo sya Azreall. Hindi makatarungan ang iyong ginawa lalo na't isa pang mortal ang iyong iniibig!" galit na turan ni ama sa akin sabay hampas ng kutsara sa mesa


"Pakakasalan ko sya ama kahit alam kong hindi iyon maaari para sa ating mga bampira" saad ko sa kanya na syang paglingon sa akin ng babaeng nasa tabi ko


"Isasakripisyo mo ang iyong sarili para sa mortal na ito?!" galit na saad ni ama


"Kung iyon ang nararapat para sa kanya" sabi ko sabay lingon sa babaeng nasa tabi ko at hinawakan ang kanyang kamay


Malamig ang kanyang kamay at alam kong kinakabahan na sya dahil sa inasal ni ama ngunit sinisigurado ko sa kanyang hindi sya magsisisi sa pakikipag iisang dibdib sa akin.


"U-uh... hindi mo naman kailangan mag sakripisyo sa akin Cassius. Kung meron mang magiging bunga sa ating ginawa ay ako na ang bahala roon" sabi nya sa akin sabay tingin kay ama at ngumiti bago tumayo sa kanyang inuupuan


"Aalis na po ako. Maraming salamat sa inyong pag imbita sa akin" magalang nyang sabi at tyaka lumabas na ng hapag kainan


Hinabol ko pa sya dahil nais kong pumarito na lamang sya. Nais kong dito lamang sya sa'king tabi hangga't nabubuhay ako.


"Teka" pigil ko sa kanya



"Wag mo na akong sundan Cassius. Ang nangyari kagabi ay wala lamang. Kalimutan na natin iyon, hindi tayo maaari para sa isa't isa at hindi kita nais ibigin" sambit nya ng nakatalikod sa akin at lumakad na



Ang aking kasiyahang nadama kagabi ay biglang napalitan ng isang hapdi. Ang aking babaeng nakatabi kagabi ay ayaw akong ibigin? Tila ako'y pinaglalaruan nya.


"Ang babaeng yun, ano ang iyong nagustuhan?" tanong ni ama ng makabalik ako sa mesa


"Hindi ko lamang sya basta gusto ama at wala ring rason upang magustuhan ko sya..." sabi ko na may malungkot na boses dahil dama ko pa rin ang mga katagang tinuran kanina ng aking mahal


"Kung gayon haya-"


"Hindi ko sya gusto dahil mahal ko sya at walang rason para mahalin sya dahil kung tunay kang nagmamahal hindi mo malalaman ang dahilan kung bakit mahal mo sya" seryusong sabi ko sa kanya


"Liligawan ko ang babaeng iyon kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaang dalhin nya ang binuo namin. Hindi ko hahayaang masaktan sya" pagpapatuloy ko


"Gagawin ko ang lahat upang makuha ang kanyang loob hanggang maging akin pati ang kanyang puso" saad ko sabay talikod sa kanya

"Dito mo patirahin ang babaeng iyon, hindi kami tututol. Kapalit lamang ng isang kondisyon" sabi nya dahilan para mapalingon ako


"Anong kondisyon?" kunot noong tanong ko


"Ikaw ang humalili sa aking pwesto. Ikaw ang magpatakbo ng negosyo natin, ng hasyenda, ng lugar na ito, ng mga pag aari ko at higit sa lahat, ang maging hari ng mga bampira" sabi nya sa akin na syang nagpabigla kina ina pati na rin sa dalawa kong kapatid


"Bakit ako? Bakit hindi si Caulm?" pagtataka ko


"Hindi pa handa si Caulm. Ikaw ang nais kong pumalit sa akin. Lalo na at magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya" kalmado nyang sabi


"Ama..." mahinang sabat ni Caulm na nasa dulo ng mesa at seryusong nakatingin sa amin ni ama



"Tanggapin nyo ang inyong kapalaran sapagkat ako'y tumatanda na. Ihahabilin ko lahat sa iyo Cassius" sabi nya sabay tayo at umakyat na sa kanyang kwarto


Tumingin ako kay Caulm na ngayon ay parang galit na galit sa akin na para bang meron akong ginawang masama. Hindi ko nais humalili sa sinimulan ni ama. Hindi ko nais ang maging hari ng mga bampira. Hindi ko nais ang pwesto nya. Wala akong kakayanan katulad ni Caulm. Ang kaya ko lamang ay ang tumulong ngunit hindi ang humawak at magpalago mismo.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now