CHAPTER 5

642 16 0
                                    

Maya

"Hoy Maxine gising!" sigaw ni tita mula sa labas ng kwarto ko


"Maxine Kataleya De Vera gumising ka na riyan at meron ka pang trabaho!" ulit na sigaw ni tita kaya napabangon ako


"Tita ano ba?!"reklamo ko sabay unat ng katawan at tyaka pumunta sa pinto at binuksan ito


"Anong oras trabaho mo Maxine Kataleya?" taas kilay na tanong sa akin ni tita


"Kahit anong oras po basta hindi masyadong late" sabi ko sabay hikab


"Anong oras na?" galit nyang tanong sa'kin


Tiningnan ko ang relo na nakasabit sa kwarto at alas-nwebe y media na ito. Lumingon ako sa kanya at ngumiti habang sya ay nakakunot pa rin ang noo.


"Alas-nwebe y media na po"sabi ko sa kanya habang nakangisi dahil sa late kong gising


"At wala ka pang planong maligo?" sabi nya habang nakahawak sa kanyang baywang


"Ito na maliligo na" nakangising sabi ko



Nagmamadali akong pumasok sa cr at naligo kaagad dahil sobrang late ko na sa trabaho baka hinahanap na ako doon ni tita Marianne sa bahay nya. Pagkalabas ko ng cr ay nagmadali akong magsuklay ng buhok at tyaka bumaba na.


"Buti bumaba ka na, kanina pa naghihintay ang taga hatid-sundo mo." sabi ni tita habang naka upos sa isang upuan sa sala


"P-po?" takang tanong ko sa kanya


"Nasa labas sya kanina pa yan, bilisan mo at nakakahiya" saad nya kaya napakunot ang noo ko


Lumabas ako ng bahay at laking gulat ko ng makita si Cassius sa labas ng bahay, nakasandal sya sa kanyang motor. Ang pogi nya sana kaso sayang kasi manyak.



"Anong ginagawa mo ritong lalaki ka" tanong ko ng makalapit ako sa pwesto nya


"Magandang umaga rin babae, sakay na" malumanay nyang bati sa'kin kahit na galit ako


"Tinatanong kita Cassius!" galit kong saad


"Mamayang hapon ka na mang away, late ka na oh baka pagalitan ka nyan ng amo mo, angkas na" yaya nya sa'kin kaya sumakay na lang ako dahil tama sya late na ako at baka mapagalitan pa ako ni tita Marianne


Nang makarating kami sa bahay ni tita Marianne ay kinakabahan ako kasi baka madismaya sya sa pagiging pabaya ko, ikalawang araw ko pa nga lang at ganito na ako. Pumasok na ako sa bahay at hinanap si tita Marianne.


"Buti at nakarating ka pa Maxine!" sigaw nya mula sa taas ng hagdan


Tumingin ako sa kinaroroonan nya at halatang masama ang timpla nya ngayong araw.



"Pasensya na po tita Marianne late na kasi akong nagising" pagpapaumanhin ko sa kanya



"Alam kong walang eksaktong oras ang trabaho mo Maxine, pero sobrang late ka naman ata? Sa mukha mong yan ay parang ayaw mo pang mag trabaho" saad nya habang bumababa sa hagdan


Nakayuko lang ako dahil sa hiya ko sa ginawa ko.


"Ikalawang araw mo pa lang ngayon Maxine at na sobrahan na ang pagiging late mo. Gusto mo pa bang magtrabaho o masyadong malayo ang bahay ko kaya napagod ka?" pagpapatuloy nya pa



"Pasensya na po talaga tita Marianne, hindi na po mauulit" pagpapaumanhin ko sa kanya


"Ayaw ko ng maulit pa ito Maxine!" sabi nya ng may mataas na tono ng boses

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now