CHAPTER 25

389 7 0
                                    

Maya










Ilang buwan na ang nakalipas simula ng lumipat ako rito sa bahay nila ni Cassius at sa pagsasama naming iyon ay ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal para sa akin. Ilang buwan na rin akong hindi dinadalaw kaya sa tantsa ko ay magkakaroon na ng bunga ang aming kababalaghan na ginawa ni Cassius. Kahit na halata na ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi ko ito inamin sapagkat natatakot akong saktan nya. Mas mabuti ng hindi ko iyon aminin at itago na lang lahat ng naramdaman ko upang wala syang alam tungkol sa akin.




Hindi kami masyadong nagkikita kong umaga dahil doon sya sa kanilang hasyenda at inaayos ito. Katulong nya ang kanyang kapatid na si Caulm  samantalang si Drazellie naman, ang nakababata nilang kapatid na babae ang kasama ko sa lahat ng gala at mga gawain. Naging matalik na kami na magkaibigan at halos hindi na mapahiwalay. Si Tita Amalia naman at si Prodo ay sinabi na nila ang namamagitan sa kanilang dalawa. May iilang beses na daw na nangyari sa kanila at wala namang balak si Prodo na iwan si Tita kung sakali man daw na may bunga ang kanilang pagmamahalan.



"Ayus ka lang?" malambing na tanong ni Cassius at niyakap ako mula sa likuran



"Oo naman. Bakit naman hindi?" nakatanga kong tanong sa kanya



"Nandyan mama mo sa labas" sabi nya kaya tumayo ako at nilabas si mama


Lagi akong binibisita ni mama. Lalo na kapag narito si Cassius, ngunit hindi man lang sila nagkita ng ina at ama ni Cassius kahit lagi syang narito. Kapag pinupuntahan nya ako rito sa mansyon ay laging may ginagawa o may lakad ang mag asawang bampira. Siguro ay ito na ang tamang panahon upang magkita sila. Kailangan ko silang pagkitain sa hapunan mamaya. Maghahanda ako para doon.




"Ma!" tawag ko sa kanya ng makababa ako sa hagdan



"Anak" ganti nya ng tawag sabay lahad ng kanyang mga braso at naghihintay sa yakap ko



"Ma dito ka maghapunan ngayon" masaya kong sabi sa kanya habang ang mga ngiti ay halos abot na sa tenga ko



"Payag ba ang Cassius mo?" paninigurado nya



"Bakit naman hindi ma?" sabi ko at mahinang tumawa


"Tara na Ma tulungan mo akong maghanda" panghikayat ko sa kanya sabay hila papuntang kusina




Nagsimula na kaming magluto. Hinihiwa ko yung mga gulay ng sobrang pino habang si mama naman ang nag babalot nito sa rapir. Gagawa kami ng lumpia na purong gulay ang laman. Nakakasawa na kasi ang karne. Mukhang magkaka arthritis na ako dahil ito ang ulam araw araw at hindi man lang sila nagsasawa.



"Kamusta naman ang pagmamahalan nyo anak?" tanong ni mama habang nagbabalot ng lumpia



"P-po Ma?" na uutal kong sagot



Alam na alam talaga nya ang mga nararamdaman ko at kapag marami akong problema o mga pinagdadaanan ay alam nya iyon agad. Dahil daw iyon sa mga kinikilos at pinapakita kong ugali kaya nya ito nalalaman.



Nanunudyo ang kanyang mga tingin sa'kin kaya umiiwas na lamang ako sa bawat titig nya. Hindi ko mawari ngunit kada punta rito ni mama ay yan talaga ang tinatanong nya sa akin.



"Ma naman. Tigilan mo nga ang mga ganyang titig mo sa'kin" saway ko sa kanya dahil tinutukso nya ako sa pamamagitan ng tingin



"Bakit? Masama bang magtanong ng ganun anak?" Malambing nyang sabi sabay yakap sa'kin mula sa likod



BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now