CHAPTER 31

268 4 0
                                    

Maya











"Maxine!" alalang sabi ni Tita Amalia



Tumingin ako sa gawi nya. Dali dali syang tumakbo papunta sa'kin na may dalang malinis na basahan. Pinunas nya ito sa noo ko ng dahan dahan.



"Bakit ka ba tumatangis kanina?" malambing nyang tanong sa'kin habang hinahagod ang basahan sa noo ko


Nakabalik na kami sa lugar na pinagtataguan namin. Si Papa ay nakatingin sa aming dalawa ng matalim.



"Tumayo ka na riyan, Maya. Wala ka namang ginawa diba? Humabol ka lang ng lobo nawalan ka na ng malay? Umiyak ka na?" Sarkastikong tanong nya habang inaayos ang hawakan ng kutsilyo



"David! Wala kang karapatang ganyanin ang anak mo" saway sa kanya ni Tita sa kanya at tumigil sa paghaplos sa aking noo



Tumigil si papa sa ginagawa nya at tumayo. Lumapit sya kay Tita kaya tumayo rin si Tita.




"May karapatan ako dahil ama nya ako!" diing sabi ni Papa



"Ama ka nga pero wala kang ginawang bagay para maging ama!" galit na saad ni Tita sabay turo sa dibdib ni Papa



Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pumagitna ako sa kanilang dalawa na puro galit ang tingin para sa isa't isa.



"Tama na nga iyan. Walang saysay ang inyong pag aaway sapagkat hindi ako mapapagaling nyan!"mahina ngunit may diin kong sabi



Pumunta ako sa ilog malapit sa aming tinataguan at doon umupo upang mag muni muni tungkol sa mga nangyayari sa aking buhay.



Napapaisip na lang ako. Simula pa lang ng aking kwento ay alam ko ng wala itong magandang papupuntahan. Pamilya ko ang sumira sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit tumigil ako sa pag aaral. Sila ang dahilan kung bakit hindi na nabuong muli ang pamilya namin. Sinira nila ito ng hindi nila namamalayan.

"Maya?" naputol ang aking pag iisip dahil sa isang babaeng aking namukhaan



Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Walang nag iba sa kanya. Mukha pa rin syang mabait ngunit alam kong kauri pa rin sya nila at malapit nya pa rin akong saktan noon. Ngunit sya rin ang dahilan kung bakit mas nakilala ko si Cassius.




"Tita Marianne? Bakit ka narito?" Tumayo ako at unti unting lumalakad patalikod



Nais ko lamang makasigurado. Baka mamaya ay saktan nya na talaga ako. Buti na yung sigurado.




"Huwag kang matakot sa akin Maya. Hindi kita sasaktan." mahinahon nyang sabi sabay lakad papunta sa'kin




Hindi pa rin ako tumigil kakalakad dahil hindi ko pa rin sya mapagkatiwalaan.


"S-si Cassius.... Nakita mo na sya diba?" sinsirong tanong nya



Napakunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Bakit nya tinatanong iyon? Anong kinalaman nya kay Cassius?



"Maya alam kong maraming katanungan ang nasa isip mo. Alam kong takot ka pa sa'kin dahil sa ginawa ko noon. Pero nais kong malaman mo ang katotohanan tungkol sa nangyayari ngayon." sabi nya na kumuha sa buong atensyon ko



"Anong kinalaman mo sa mga nangyayari ngayon?" naguguluhan kong tanong




Lumapit sya sa'kin ngunit lumayo ako mula sa kanya. Nakita ko ang pagka dismaya sa kanyang mukha. Huminga sya ng malalim bago simulan ang kanyang pagsasalita.




"Hindi ko nais saktan ka, Maya. Kapag nalaman mo yung totoo alam kong magagalit ka sa'kin at sa kanya. Patawarin mo ako Maya. Hindi ko sinasadyang gawin iyon. Nais ko lamang iligtas ang iyong mahal sapagkat kapag hindi ko iyon ginawa ay patuloy ka nyang hahanapin at patuloy rin syang susundan ng kamatayan." paliwanag nya na kahit isa ay hindi ko maintindihan

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong habang unti unti syang nilalapitan

"A-ang.... Iyong ina. Si K-kleya... Nilason nya lahat ng bampira na nasali sa piging ng gabing iyon." hindi mapakali nyang sabi habang nakaharap sa ilog

Nakilabutan ako sa sinabi nya. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay unti unting bumangon.

Hindi iyon magagawa ng aking ina sapagkat alam nyang mabait ang mga bampirang nasa piging na iyon.


"Alam kong hindi ka maniniwala sa sinasabi ko. Mas hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa'yo na ang iyong ina ay ang dating tagapangalaga ng lugar na tinitirhan naming mga bampira ngayon" paliwanag sya na mas lalong nagpagulo sa utak ko

Humarap sya sa'kin at ang mata nya ay punong puno ng sinsiridad. Hindi ko man nais maniwala ngunit wala rin namang mawawala sa akin kung pakikinggan ko sya.

"Ang iyong ina ay anak ng dating hari ng mga bampira. Kaibigan iyon ng Lolo ni Cassius. Nag away ang kanilang mga pamilya dahil lamang sa korona at pangangalaga para sa mga natitirang lahi namin." kwento nya habang nakatingin sa'kin

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Nais kong makita kong totoo nga ang kanyang mga sinasabi.


"Ang ibig mo bang sabihin ay bampira ang aking ina?" tanong ko rito


"Hindi lamang sya basta bampira, Maya. Mangkukulam ang kanyang ina habang ang ama nya ay bampira. Hinalo sya ng dalawang lahing malalakas kaya't hindi na kami magugulat sa mga gagawin nya." paliwanag nya na syang nagpatindig ng mga balahibo ko

Umupo ako katabi ng ilog dahil sa gulo ng kanyang kwento. Hindi ko pa rin ito maintindihan ng maayos.


"Sya ang may gawa ng lahat ng ito. Plano nyang guluhin ang bayang ito upang maagaw nyang muli mula sa ama ni Cassius. Nang malaman nyang kinuha ka ng iyong tiyahin mula sa iyong ama ay agad syang pumunta rito upang simulan ang kanyang plano at itinupad nya iyon sa gabi kung saan kokoronahan na si Cassius." sambit nya pa

"Naguguluhan ako!" reklamo ko sa kanya dahil sa dami ng kanyang paliwanag ay kahit niisa ay wala man lang akong naintindihan

"Maiintindihan mo rin iyan, Maya" sabi nya at ngumiti sa akin

Tumalikod na sya at naglakad papunta sa pinanggalingan nya kanina, sa kabilang dulo ng ilog.


"Saan ka paroroon?" tanong ko sabay tayo at pinagpagan ang aking soot na short


"Babalik sa pinagtataguan ko" sagot nya habang naglalakad na palayo

Marami pang katanungan sa aking isip at nais ko iyong masagot. Nais kong malaman lahat. Nais kong malaman kung bakit hindi na ako naaalala ng aking mahal at kung bakit lahat ng bampira ay wala ng naaalala maliban sa kanya.



Nais ko ring malaman kung nasaan na ngayon ang aking ina. Pati ang pamilya ni Cassius at kung paano nya ito nalaman lahat.




"Marami pa akong katanungan!" sigaw ko sa kanya

Lumingon sya sa'kin ng nakangiti habang ang kanyang mga braso ay naka ekis.



"Masasagot mo rin iyan lahat balang araw, Maya. Sa ngayon, yan na lang muna ang aking masasabi. Mag iingat kayo, kapag makita mo ang iyong ina sana'y wala kang gawin na kahit ano. Wag kang magpahalata may nalalaman ka baka ikaw ang mamatay." puno ng pag alala nyang sabi mula sa kabilang dulo ng ilog


Matapos nya iyong sabihin ay tumalikod na sya't lumakad palayo. Kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi na sya lumilingon. Kung totoo man ang kanyang tinuran lahat, sana'y mapatawad ko pa ang aking ina. Kapag hindi, sana'y malaman ko ang totoong nangyayari sa lugar na ito.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now