CHAPTER 27

329 5 0
                                    

Maya









Sa bawat salita, sa bawat titig, sa bawat lambing, unti unti akong nahuhulog ng tuluyan ngunit hindi ko magawang umamin. Nais ko mang sabihin ang nararamdaman, natatakot pa rin na baka ako'y saktan nya. Natatakot ako na baka matulad kami sa relasyon nina mama at papa. Nakakatakot kasi mula noon kulang na talaga ang pagmamahal na pinaramdam ng mga tao sa paligid ko. Pero simula ng nakilala ka ay unti unti ko ng naramdaman ang kakaibang pag ibig na iyon. Ngunit hindi ko kayang umamin dahil natatakot sa maaaring mangyari sa kinabukasan natin.



"May syota ka na pala Maya?" biglang sambit ni Yana habang kumakain kaming lahat ng umagahan sa bahay ni tita Amalia


Kasama ko si Cassius dahil gustong gusto nya raw makilala si Papa at hingin ang kamay ko.



"Asawa po" sabat naman ni Cassius sa kanya at biglang ngumisi



Siniko ko ito at pinanlakihan ng mata dahil sa sagot nyang nakakahiya.




"Mukhang hindi naman ata iho. Tingnan mo ang anak ko at mukhang nagalit sa iyong tinuran" birong sambit ni Papa sabay tawa dahil nakita nya ang ginawa kong pag siko kay Cassius



Paano naman kasi at sa dami dami ng maaaring isagot ay yun pa talaga ang sinabi nya. Nakakahiya lalo na't narito kami sa harap ng pamilya ko.



"Nahihiya lang po talaga sya kasi nandyan kayo. Pero kapag kaming dalawa lang po ang lambing nya po talaga. Tinatapunan nya pa nga ako ng unan sa mukha eh sa sobrang lambing nya" mayabang nitong saad sa kanilang lahat na nasa hapag kainan at tumawa ng mahina


"Oo naman, nakita ko nga kayong naglaplapan sa kwarto ni Maxine noong kakakilala nyo lamang eh" natatawang sabi ni tita Amalia kaya napatawa na rin sina mama at papa, pati na rin si Prodo na nakikinig lang sa usapang pangpamilya at si Yana na sobra sobra ang tawa dahil sa sinabi ni Tita habang si Cassius naman ay pigil tawa sa tabi ko dahil kapag tumawa sya ay kukutin ko talaga ang alaga nyang kasinglaki ng kanyang braso



"Tita talaga sinungaling" reklamo ko sabay kamot sa leeg ko dahil halos mabulunan na silang lahat kakatawa



"Totoo naman ah, tanungin mo pa yang si Cassius na halos hubaran ka na. Gusto mo rewind natin?" natatawa nitong sabi sabay kapit sa tyan nya dahil sumasakit na ito sa sobra nyang tawa


Hindi na ako nakasagot sa tinanong ni Tita dahil napaka ingay na nila kung tumawa. Parang gusto ko na lang kunin ng maykapal dahil sa pinagsasabi ni Tita. Wala talagang preno ang kanyang bibig kahit kailan. Ano kayang pinaglihi ni Lola sa kanya at ganito kabulgar syang magsalita.




Matapos ang aming munting salo salo ay bumalik na kami sa mansyon nila Cassius. Naghihintay ang kanyang ama at ina sa sala at seryusong nag uusap. Aakyat pa sana ako sa aming kwarto ngunit pinigilan ako ng kanyang ama. Nais nya raw kaming makausap na dalawa ni Cassius ukol sa negosyo at ipapamana nya rito.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now