CHAPTER 12

534 11 0
                                    

Cassius




"Kuya, sama ka sa'min?" malakas na tanong ni Drazellie ng makababa ako ng hagdan


"May pupuntahan ako" saad ko naman sa kanya pabalik


"Saan kuya?" tanong nya habang inaayos ang mahaba nyang buhok


"Sa binibini ko" saad ko dahilan para tumigil sya sa pag aayos


"Hala!!! Totoo? May jowa ka na kuya?!" Sigaw nya na punong puno ng pananabik


"Hindi ko jowa" saad ko



"Asus eh ano? Asawa? Hala!" sabik nyang sabi habang tumitingin sa'kin na puno ng pang aasar

"Bahala ka mag isip dyan ng kung ano ano. Alis na ako, ingat ka doon ha?" Sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang noo


Umalis na ako't pinaandar ang aking motor. Pupuntahan ko ngayon si Kataleya upang humingi ng tawad sa kanya. Alam kong ma bwebwesit na naman sya sa'kin pero wala akong pake basta makapag paumanhin lang ako sa kanya ng maayos.


Pagpasok ko ng bahay mansyon nila ay sinalubong ako kaagad ni tita Amalia. Malaki ang kanyang mga ngiti, tinawag nya si Maxine na sya namang nasa kusina't kumakain.



"Halika narito sya sa kusina, kumakain ang asawa mo. Subuan mo naman para magka gana sa pag kain" pang aasar ni tita sabay kindat sa akin


Umupo ako sa tabi ng isang maliit na binibini. Kakaupo ko pa lamang ngunit ang mga noo nya'y nakakunot na.

"Magandang umaga, Kataleya" malambing na bati ko sa kanya


Tumingin lang sya sa'kin habang nakakunot ang kilay. Aba't ang aga aga ang sama na ng kanyang timpla. Ano ba ang ikinagagalit nya?


"Huwag ka ngang tumabi sa akin. Ang laki ng lamesa at dito ka pa talaga malapit sa'kin" masungit nyang saad.


Ako ata ang dahilan ng pagiging masama ng timpla nya ah. Bakit ba parang ayaw nyang narito ako sa bahay nila? O di kaya'y nakasunod ako sa kanya? Pero diba noong kami ay nag laplapan nasarapan sya at ayus lang sa kanyang galawin ko sya? Hindi kaya'y tinatago lamang ng binibini ang kanyang nararamdaman para sa akin?


Nakatingin sya sa akin habang nakakunot ang mga noo at kulang na lang ay patayin ako. Tiningnan ko sya at nginitian lamang, bakit ko naman sya susungitan? Sa ganda nya ay sobrang imposible na may mag susungit sa kanya.


"Kumuha ka doon ng pinggan mo Cassius. Sabay ka ng mag almusal sa amin" yaya ni tita sa akin habang tinuturo ang mga pinggan sa lagayan na sya namang sinundan ko ng tingin



Masaya sanang kumain kasabay ang binibining nasa tabi ko ngayon ngunit baka sumama lamang lalo ang kanyang timpla.



"Ah... Baka po ayaw ni Kataleya kaya 'wag na lang. Aalis na din po ako" sabi ko sabay tayo ngunit pinigilan ako ni Kataleya na sya namang ikinagulat ko



Kani kanina lamang ay kunot noong kausap nya ako ngunit bakit bigla na lang nagbago?



Nakatanga lamang ako sa kanyang magandang mukha habang nakatayo pa rin at hindi gumagalaw sa aking pwesto. Kahit anong anggulo at kahit anong emosyon, ang mukha nya ay nananatiling maganda at walang sino man ang makakadaig nun.


"Ayaw mo?" sungit na tanong nya sakin na sya namang ikinabahala ko


"A-ah gusto. Sabi ko nga uupo na ako't kakain" sabi ko sabay upo



BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now