CHAPTER 20

454 8 2
                                    

Maya










Pagkarating namin sa mansyon ay nilagay nya na ang mga gamit sa kwarto nya na magiging kwarto na rin namin. Madami dami ang mga gamit ko pero hindi sya nagreklamong dalhin iyon lahat kasi malaki naman yung katawan nya at malaki rin naman yung lagayan nya. Ayus na yan para mas ma dagdagan yung mga pandesal nya sa katawan. Mas madami mas masarap.


"Magkatabi ba tayo matulog?" pagtataka ko habang nakatingin sa kama nya habang sya ay nilalagay ang mga bag nyang dala sa gilid



"Hindi pa tayo mag asawa pero nagtalik na tayo kaya oo" seryuso nyang sabi at tyaka lumapit sa akin


"Ha? Hindi ko na intindihan" lito kong tanong habang tumitingin sa kanya ng nakakunot ang mga noo


"Wala, sumunod ka sa baba nandun sila ama mag uusap daw tayo" sabi nya sabay hawak sa likoran ng ulo ko at pinalapit sa kanya at hinalikan



Teka ang bilis nun ah hindi ko man lang nalasap. Para naman kasing kidlat kung makagalaw tong lalaking ito.


Sumunod na ako sa kanya sa pagbaba at nakita ko roon ang mga magulang nya pati na rin ang dalawa nyang kapatid. Nakaupo ito sa sopa at naka dekwatro. Bampirang sosyal 'tong mga 'to ah. Halatang hindi ako nabibilang sa kanila.

"Dito ka na titira?" masayang sabi ni Drazellie ng makita akong bumaba sa hagdan dala ang kanyang malapad na mga ngiti


"A-ah oo" sabi ko sabay tingin kay Cassius na seryusong nakatingin sa aming dalawa


"Drazellie, mamaya na yan" striktong saway ng ina nya na ikinabusangot ni Drazellie


Umupo na sya sa tabi ng ina nya at umupo na rin ako sa tabi ni Cassius. Ano ito pagpupulong ng pamilya? Bakit kasama ako hindi pa naman ako opisyal na kapamilya nila ah?


"Eh ano ka kapuso?" biglang bulong ni Cassius na ikinagulat ko


Nababasa nya na naman ba isip ko? Ayan na naman eh ginagamitan nya na naman ng mahika itong pagkatao ko.


Tumawa sya ng mahina para hindi marinig ng iba. Ang gwapo mo palang ngumiti no lalo na kapag malapitan?


"Ngayon mo lang ba iyon napagtanto binibini?" mahina nyang tanong sa'kin


"Abusado ka talaga no?" sungit kong tanong sa kanya


"Daldal mo kasi sa isip mo" sabi nya sabay tawa


Inirapan ko na lang sya dahil sa kapilyuhan nya pero tawa pa rin ang tinugon nya doon. Hindi ba talaga sya napapagod kakatawa? Tumingin ako sa kanya at nahuli kong tumatawa na naman sya habang tinatakpan ang kanyang bibig ng dalawang palad nya. Aba at talagang nagpipigil pa ito. Nakakamatay kapag pinipigilan ang tawa kaya dapat ipalabas nya.


"Nakakamatay talaga?" nag aalalang tanong nya ng makalapit sa akin


"Cassius, dapat ba sa itaas lang kayo manirahan o ipapagawa ko kayo ng sarili nyong mansyon?" nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong ng ana nya


Mansyon? Hala ang galante naman ata ng mga bampirang ito. Saan ba nila nakukuha mga kayamanan nila at walang awa sila sa pera nila?


"Dito na lang muna kami ama, mukhang hindi pa handa ang aking mapapangasawa" sabi nya sa kanyang ama sabay tingin sa akin at ngumisi


"Hindi ba sila sagabal para sa atin ama?" sabat ng kapatid na lalaki ni Cassius


Napakastrikto ng mukha nya, halatang walang pag ibig sa buhay. Sino kaya mas bata sa kanila ni Cassius? Sa tantsa ko kasi mukhang mas maalam itong kapatid ni Cassius kesa sa kanya. Yung ayos nya kasi at pag iisip parang mas matanda sya kesa sa lalaking naghahabol sa'kin.


"At paano naman sila magiging sagabal Kuya?" seryusong sabat ni Drazellie


"Simple lang, kapag buntis iyang si.... Maxine maraming mga batang makukulit ang nakatambay sa bahay na ito. Magulo iyon at maingay" taas kilay nyang sabi


"Masaya nga 'yon diba kasi meron na tayong pamangkin?" masayang sabat ni Drazellie


"Tama ang iyong kapatid, Caulm. Hindi naman magiging sagabal ang magiging mga pamangkin mo at sina Maxine rito sa mansyon" sabi ng ina ni Cassius sabay tingin sa akin at ngumiti


Tumayo si Caulm kuno at naglakad palabas ng sala. Aba napakawalang modo talaga ng bampirang iyon, hindi man lang nagpaalam sa mga magulang nya.



"Pasensyahan mo na si Caulm ha? Ganun talaga sya pero mabait naman yun" sabi ng ina ni Cassius ng nakatingin sa akin ng sobrang sinsiro


"Ayos lang po, pero dapat matutunan nya man lang magpaalam sa inyo " sabi ko sa kanya sabay tingin sa gawi na pinuntahan kanina ni Caulm


"Nako walang pag asang matutunan yan ni kuya. Wala kayang pake yun sa mundo" nakakunot na noong sabi ni Drazellie sa harap naming apat


"Sapat na iyan Drazellie, tulungan mo na ang iyong magiging ate sa pag aayos ng kanyang mga gamit" utos ng ama niya


"Ako na ang tutulong kay Maxine ama" presintar ni Cassius sabay taas ng kanyang kamay


"Mag uusap pa tayo Cassius kaya manatili ka muna rito at hayaan mong ang kapatid mo ang tutulong kay Maxine" wika ng ama nya na sya namang sinunod ni Cassius



Lumakad na kaming dalawa ni Drazellie mula sa sala at pumunta na sa magiging kwarto naming dalawa ni Cassius. Tinulungan nya akong mag ayos ng kagamitan ko, madaldal din syang bata kaya hindi imposibling magkalapit ang loob namin sa isa't isa. Napakarami nyang tanong at ang iba ay halos hindi ko masagot. Parang hindi ata ito nawawalan ng laway ah.


Matapos naming ayusin ang mga gamit ay bumaba na sya habang ako ay nanatili pa rin doon at nilibot libot ang loob ng kwarto hanggang sa nakita ko na namang muli ang kabaong. Pahamak ka talagang kabaong. Hindi mo man lang pinatawad ang aking kepay.


"Kataleya!" tawag ni Cassius na pumukaw sa atensyon ko



Lumingon ako sa kanya at nakasandal sya sa pinto habang ang mga paa ay naka dekwatro.



"Kailangan mo?" pagsusungit ko sa kanya


"Ikaw baka ako kailangan mo, tumitingin tingin ka sa kabaong eh" pang asar na sabi nya


"Ano kasi, kapag nakikita ko ang kabaong na yan pakiramdam ko dating ako yan" pagrarason ko sa kanya habang pilit na ngumingiti


"Baka naman gusto mo ulitin?" asar nya pa


"Ulitin mo mag isa mong manyak ka" sabi ko at tinalikuran sya


Tumawa lang sya ng mahina at hinayaan ako. Humiga na lamang ako sa kama upang iunat ang aking likod dahil sumasakit ito mula pa kanina nung inayos namin ang mga gamit ko. Habang minamasahe ang likod ko at naghihirap sa posisyong kinalalagyan ko ay biglang may kamay na gumapang rito. Napatayo ako dahil sa gulat at pagtingin ko ay ang empaktong lalaki lang pala.


"Ayaw mong masahiin ko?" inosente nyang tanong sa akin


"Baka iba mapuntahan ng kamay mo" sabi ko sabay irap sa kanya


"Masahe ang nais mo hindi ba? Kaya ibibigay ko yun. Pero kung iba...." pabitin nya at tyaka lumapit sa akin


"Hindi din naman ako magdadalawang isip" bulong nya sa tenga ko gamit ang kanyang mapang akit na boses



Tinulak ko sya dahil sa kabastosan ng kanyang bibig. Mula sa kama ay nahulog sya papuntang sahig. Tumawa na lamang ako dahil sa reaksyon nya. Hinamas himas pa nya ang kanyang puwet dahil sa sakit. Tumingin sya sa akin na nakakunot ang noo at ang bibig nya nakasimangot. Gusto kong matawa ng malakas pero ang sama ng tingin nya sa akin. Para bang kakatayin nya ako ng wala sa oras.



Nilapitan ko sya at tutulungan sana ngunit tumayo na sya't lumakad palabas ng kwarto. Anyare dun sa kanya? Parang shunga lang, bigla bigla lang umalis hindi man lang nagsalita. Galit kaya yun o ano?

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now