CHAPTER 6

633 14 0
                                    

Cassius


Dali dali akong tumakbo papasok sa loob at doon nakasalubong ko ang maliit na babaeng tumatakbo palabas ng bahay at mukhang takot na takot. Nabangga sya sa dibdib ko at nawalan ng malay.


"Tinakot mo ba sya?" mahinang tanong ko kay Tita Marianne ng makarating sya sa kinaroroonan namin



"At anong gagawin mo kung oo?" Panunuksong sabi nya habang namumula ang mata at dahan dahang lumalabas ang mga pangil


"Huwag sya ang galawin mo Marianne!" paalala ko sa kanya ng pasigaw


"Gusto mo si Maxine, tama ba ako Cassius?" tanong nya na may halong pagbabanta


"Wala ka ng pakealam dun basta 'wag mo syang gagalawin kung ayaw mong mawala ng tuluyan sa lugar na ito" pananakot ko sa kanya


Hindi na sya sumagot, kinarga ko na si Maxine palabas ng bahay at dinala pauwi sa bahay nila.


"Cassius anong nangyari?" natatarantang tanong ni tita Amalia sa akin habang bumababa ng hagdan


"Tita nahimatay po sya kasi..."pabitin ko



"Sabihin mo sa'kin ang totoo Cassius!" sigaw nya sa'kin ng makalapit sya sa kinatatayuan ko


"Dalhin na po muna si Maxine sa kwarto nya para mapahiga ko na po sya" pagbaling ko sa ibang usapan



Tumango lang sya bilang sagot kaya naman inakyat ko na sa taas si Maxine at pinahiga sa kanyang malambot na kama.



"Ano ba ang totoong nangyari Cassius?" puno ng pagtatakang tanong ni tita Amalia


"Nabuntis mo ba ang pamangkin ko kaya nahimatay?" diretsang tanong sa akin ni tita Amalia habang nakakunot ang noo at nakapamaywang


"Po?!" gulat kong tanong sa kanya



"Nag kantotan kayo kahapon no kaya kayo nagabihan at kaya nahimatay itong si Maxine dahil nabuntis agad?" striktang tanong nya na sya namang kinalaki ng mata ko


"H-hindi ko po k-kakantotin si M-maxine kasi ano... Uhmm... Basta tita wala kaming ginawa" paglilinaw ko sa kanya


"So bakit nga nahimatay?" puno ng pagtataka nyang tanong



"Tita kasi diba alam mo naman na kung anong klaseng tao yang kaibigan mo na pinagtratrabahuan ni Maxine?" pagseseryusong sabi ko


Tumango lang sya at seryusong nakatingin sa akin.


"Kasi tita parang gusto nyang galawin si Maxine, naabutan ko lang na tumatakbo na 'tong babaeng maliit na 'to tyaka nabunggo sa dibdib ko at nahimatay" pagsabi ko sa kanya ng totoo


"So ang ibig mong sabihin tinakot nya si Maxine?" Takang tanong ni tita Amalia



"Opo parang pinagbabantaan nya" mahinang boses na sabi ko habang pinipisil pisil ang kamay ng babaeng nakahiga



"Bwesit talagang babaeng 'yan ang akala ko pa naman ay dahil kaibigan ko sya hindi nya pagbabantaan ang pamangkin ko!" galit nyang saad sabay hampas ng mesa na nasa tabi nya


"Papatayin ko talaga yang babaeng yan" pagpapatuloy nya at aakto na sana syang lalabas ng kwarto ngunit dali dali ko syang hinawakan sa braso



"Tita Amalia, wala po kayong laban kay Marianne kasi bampira yun samantalang ikaw ay ordinaryong tao lang" pagpapa alala ko sa kanya



"Ay oo nga pala, feel ko kasi bampira rin ako kasi halos lahat ng nasa lugar na 'to bampira. Feel ko kasi may pangil na ako at pula na ang mata ko" napagtanto nyang sabi



Tumawa na lang ako dahil sa kapilyuhan ng tita ni Maxine.



Nagpaalam ng lumabas si tita Amalia para magluto ng makakain para may pagkain na si Maxine pagkagising nya. Bumalik naman ako sa gilid ng kama para magbantay ulit kay Maxine.


Hindi talaga nagbago ang tingin ko sa kanya mula nung una ko pa lamang syang nakita at hanggang ngayon.


"Ang ganda mo pa rin Kataleya kahit natutulog ka" bulong ko sa kanya kahit na alam ko namang hindi nya maririnig dahil mahimbing ang kanyang tulog.



"Alam mo bang nais kitang halikan?" tanong ko sa kanya habang hinahawi ang kanyang nga buhok


"Gusto kita Kataleya, alam kong ilang araw pa lamang tayong magkakakilala pero nagustuhan ko kaagad ang iyong inaasal sa tuwing nasa tabi mo ako. Kapag nagsusungit ka, kapag umiirap ka. Nais kong makita ang muli mong pag irap pero hindi dahil sa inis, kundi dahil sa sarap, Kataleya" pag amin ko sa kanya sabay halik ng kanyang kamay



Alam kong tulog sya kaya nga umamin ako kasi hindi nya ako maririnig at matawanan.



Hiniga ko ang ulo ko sa gilid nya habang hinahawakan pa rin ang kanyang maliliit at malalambot na kamay.




Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at iniluwal nito si tita Amalia. May dala syang pagkain at gamot para kay Maxine.



"Uwi ka muna Cassius, ako na muna bahala sa asawa mo baka pag gising nya mabaho ka na" pagbibiro ni tita habang nilalagay ang pagkain at gamot sa maliit na mesa sa gilid ng kama.




"Saan naman po galing yang asawa mong sabi tita?" patawang tanong ko sa kanya



"Halata namang gusto mo yang pamangkin ko Cassius at hindi naman ako tutol dun. Ang kinakatakot ko lang ay kung baka pagmomol nyo ay baka lumabas ang pangil mo sa sobrang panggigigil" pabirong saad ni tita na ikinagulat ko



Wala talagang preno ang kanyang bibig.



"At baka habang nagkakantutan kayo ay hahaba yang mga kuko mo sa daliri hindi ka na makakagalaw nyan ng malaya. Baka magkasugat nyan si Maxine." kalmado nyang sabi ngunit puno ng biro



Tinawanan ko na lang sya at tumayo na.



"Uwi na muna ako Tita, papupuntahin ko po ang pare dito mamaya para bigyang dasal yang utak nyo" pabiro kong saad sa kanya na sya namang ikinakunot ng kanyang noo ngunit mayamaya pa ay napalitan din ng ngisi sa labi.


Binuksan ko na ang pinto palabas sa kwarto.

"Ingat ka Cassius baka iba na naman ma kantot mo" patawang saad ni tita bago ko tuluyang isara ang pinto


"Loyal po ako kay Maxine!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng bahay at umuwi.

BLOODY AFFECTION (COMPLETED)Where stories live. Discover now