Surrogate Hired Wife ♡ Part 4

70 2 0
                                    

Maaga ang goodnews na Hatid ni Emma.Successful ang operation ng bunsong anak niya.Magpapasalamat siya sa sinasabing amo ni Lexie na nagsalba sa anak niya.Maagang nakagayak na rin sina Rixon at Joe.Para makauwi agad ng Manila.Pinapakain na ito ni Lexie ng maaga.Buti na lang may pera siyang personal na dala.Yon ang binili niya ng grocery kahapon.At kahit papaano nalutuan niya ng makakain ang bisita niya.Plano ni Lexie na manatili ng ilang araw doon muna sa Bulacan.Gusto niya din alagaan ang bunsong kapatid niya.Naintindihan iyon ni Rixon siya man ay gusto ng magkaroon ng kapatid.Pero dahil mababa ang matres ng Ina niya di na siya nasundan.Will marami siyang mga pinsan naman.Kaya ok lang daw mag isa lang siya sabi ng kanyang ama.Yumao na ang lolo niya pero buhay pa ang lola niya.Kasa kasama ang Ina niya sa malaking mansion.Yong ilang mga manugang nito bukod ng bahay lahat.Dahil ang Ina lang niya ang kasundo ni Donya Ignacia.Dahil makaluma daw at gusto nitong may makakasama araw araw.Kaya si Penelope lang ang nagdesisyon na itigil ang trabaho nito.At maging housewife na lamang ni Miguel ang ama ni Rixon.Di magkasundo sina Rixon at ang ama niya noon pa.Kaya nasa sarling villa siya tumira ngayon.Despite kay laki at lawak ng mansion nila.Ang ama din niya ang nagreto sa kanila ni Jessica Brandon.At ngayon nga pinag uusapan ang engagement daw nila.Sabi ni Rixon kahit magplano sila ng engagement party.Di daw siya pupunta at ayaw iyon ng angkan ng mga Brandon.Ang mapahiya si Jessica sa mga tao kung di siya dumalo.Kaya nadelayed ang engagement nila.Ngayon inopen up ulit ni Jessica iyon.Dahil nga daw si Yna Blake naengage na sa iba.Ang akala ng lahat naghihintay pa si Rixon until now.Tamang timing ito ng makilala ni Rixon si Lexie.Sisiguraduhin niya with in a year mabuntis na si Lexie Mae Flores.
"Anak sumama ka na sa amo mo papunta ng Manila.Sabi ng doctor ok na si Leo.Tapos 1 month recovery daw ok na siya.Nilipat ko na nga siya ng public ward anak.Dahil di ko afford ang private room.Sa madaling sabi niligtas ni Mr.Miller ang kapatid mo."mangiyak ngiyak na pagbabalita ni Emma kay Lexie.
"Tita sagot ko na sana ang room na iyon.But if you insisted ok lang.Pero tanggapin ninyo po ang pera na ito.Pasensya na po ito lang po ang dala kong cash."lahat ng pera sa wallet ni Rixon binigay niya sa Ina ni Lexie.
"S-salamat po babayaran ko po ito pag nagkaluwag luwag po kami.O ikaltas ninyo po sa sahod na lang kay Lexie."nilunok na lang ni Emma ang hiya dahil said na talaga ang bulsa niya.
"Tama Mama ako na bahala magbayad niyan.Nga pala ito ang lahat ng ipon ko gamitin mo na Mama."isang atm card at Bank book ang inabot ni Lexie sa Ina.
"Lexie paano ka makasurvive sa Manila kung lahat ng pera mo ibibigay mo sa akin.?"ibinalik ni Emma ang pera ng anak.
"Mama ganito na lang akin na itong pera ni Sir Rixon.At ito ang gamitin mo yong pera ko."stubborn si Lexie ayaw niyang tanggihan ng Ina ang pera niya.
"S-sige pero anak wag kang magpapagutom doon.Tingnan mo ang itsura mo Kay payat payat mo na.Sure ka bang kumakain ka ng mabuti sa Manila.?"hinahaplos ni Emma ang kawawang mukha ni Lexie.Halatang pagod na pagod na ito.Nag aaral ito at sa gabe nagtatrabaho.
"Libre ako sa restaurant Mama.Yong amo namin doon sobrang bait.Yong tirang mga ingredient sa kusina inuuwi ko.Para lulutuin sa dorm namin.Tapos share kami ni Jenie sa Gastos sa pagkain araw araw.Yong dorm at tuition fees ko sagot na ng University.Kaya wag ka ng mag aalala sa akin doon Mama.Aalagaan mo na lang sarili mo,si Leo at ang mga orchids ninyo."nakangiting ani ni Lexie nakuha na niyang ngumiti.Dahil hinulog ng langit si Rixon Miller para tulungan sila sa kagipitan ngayon.Sinalba nito ang kapatid niya sa bingit ng kamatayan.
Proud naman si Rixon sa perseverance ni Lexie sa buhay.Sumama na din si Lexie pauwi ng Manila para pag usapan nila ang contract sa pagitan nila ni Rixon Miller.
Nagpagawa agad si Rixon ng isang contract para masimulan na ang surrogacy process nila.
"Lexie sabihin mo kung ano ang demand mo bago tayo magpirmahan ng contract."ani ni Rixon at hinayaan niyang basahin ni Lexie ang contract nilang dalawa.
"So Sir gusto mong makasama ko ang baby pag nanganak na ako.?"nagulat na tanong ni Lexie ang alam niya yong surrogate mother di na pwede makita ang baby matapos manganak.
"Wala akong asawa at ayaw ko din iaasa sa yaya ang magiging baby ko.What I mean is kahit may yaya siya gusto ko ikaw ang magpapalaki sa kanya."casual na sagot ni Rixon.
"Sigurado ka bang bibigyan mo ako ng masyadong malaking pabor Sir.?Pipirmahan ko na ito Sir."Kay saya ni Lexie dahil di yata kakayanin niya na iiwan lang ang magiging anak niya matapos manganak.
"W-wala ka bang gustong demand.?"nagulat si Rixon sa reaksyon ni Lexie.Sobrang malaki ang puso nito pala.Di pala nito kayang manganak na lang at iiwan ang baby.
"Ah Sir if mabuntis ako pwede ba akong mag online class na lang po.?"ayaw ni Lexie titigil siya sa pag aaral this year.
"Iyan din ang suggestion ko sana.Sayang ang taon kung titigil ka pa."napangiti si Rixon first time niyang makakilala na pareho ng mindset niya.Mahal man niya si Yna noon.Pero di sila magkasundo sa lahat yata ng bagay.Siya ang nag adjust na lang lage.Pero ang masaklap siya pa itong iniwan sa ere ni Yna Blake.
"S-salamat po ng marami."napaiyak si Lexie dahil swerte na yata niya ngayong taon.
"One thing if mabuntis ka dapat dito ka na sa Villa titira."ahead mag isip si Rixon talaga.
"Teka Sir dapat siguro magpacheck up muna po ako Sir.?"paalala ni Lexie sa bagay na iyon.
"Bukas sasamahan kita sa clinic kung saan yong OB na kakilala ko."niligpit na ni Rixon ang contractual nila ni Lexie.Ayaw niyang magleak ito dahil kilala niya ang ugali ni Jessica.Baka guluhin pa nito si Lexie agad agad.Si Lexie na ang over qualified na babae para masagawa ang plano niya.Unang una ang makatakas sa engagement nila ni Jessica.At pangalawa ang maipakita kay Yna na kawalan nito ng piliin nito ang ibang lalake kesa sa kanya.Ipaparamdam din niya sa babae na wala ng natirang feelings pa sa kanya dito.
"Sige po Sir dederetso na po ba ako sa clinic.?Pakibigay na lang po ang address po."willing si Lexie na bayaran ang utang na loob niya kay Rixon Miller.At yong nakalagay sa contract ay tila pabor din sa kanya.
"No ipapasundo kita kay Joe."ani ni Rixon agad.
"W-wag na po baka magtaka po yong mga ka dorm mate ko po.Pag may nagsundo po sa akin doon."tanggi agad ni Lexie kay Rixon.
"Thats final Lexie ipapasundo kita kay Joe."umandar ang pagiging controller freak ni Rixon.
"S-sige po."naintimidate naman agad si Lexie di pala dapat maging relax siya pagkasama si Rixon.At bawal din siyang tumanggi or magreklamo pala.
Samantalang plano ni Yna Blake na imbitahan si Rixon Miller sa kasal nila ni Winston Adams.Kahit buntis na siya ayaw niyang matali sa isang playboy.Baka pipigilan pa ni Rixon ang nalalapit na kasal niya.Dahil sa one night stand namagitan kina Yna at Winston.Nagbunga ang lahat dahilan sa pagkasira ng career niya.Di siya nakadalo sa worldwide competition sa France.Dahil bigla niyang nalaman ni Yna na buntis siya sa anak ni Winston.Tinanggihan niya ang proposal ni Rixon para lang unahin muna ang career niya.But nagbackfire sa kanya iyon dahil nabuntisan siya ng lalake na di niya mahal.Magkababata sila ni Winston at ito ang gusto ng parents niya maging asawa daw niya.Dahil stubborn daw si Rixon Miller.Di nila daw makontrol ang pamilya ng mga Miller.Total daw ayaw ng pamilya ni Rixon kay Yna.Pinagbawalan ng mga ito na makipagkita kay Rixon.No choice si Yna kundi ang hiwalayan ang bf niya.Ngayon siya pa din ang kinarma.But she hope na pipigilan ni Rixon ang kasal nila ni Winston.Buti na lang sa Pinas siya ikakasal hindi sa France.May pag asa pa siya kung ipaglaban man lang siya ni Rixon tulad ng dati.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now