"Jenie necktie dapat gift diba.?"tanong ni Lexie sa kaibigan.
"Wag kang barat bilhin mo na itong set nang tuxedo.Siguro naman may sapat na pera ang laman ng atm na dala mo.Halika maganda ito di nakakatanda ang design."ani naman ni Jenie at hinila si Lexie.
"Wait type mo ba si Sir Rixon.?"biglang tanong ni Lexie.
"Gaga yong assistant niya ang type ko.Yon lang ang kaya ng beauty ko girl."kinikilig na ani ni Jenie.
"Kay landi mo naman.Ok bibilhin ko na to huhulaan ko na lang size niya.Miss pakibalot ito ng maayos.Tapos itong long sleeves na rin."sinamahan din iyon ni Lexie ng necktie.
"Boss tama ang size na hula ni Maam Lexie.Talagang bagay sa kanya ang title na Mrs.Miller."nakangiting bulong ni Joe sa masayang amo niya.
"Ay ka cute naman ng teddy bear na ito.Naka tuxedo pa diba Jenie.Miss bibilhin ko din ito kamukha kasi ni Sir Rixon."pinaglilihian talaga ni Lexie si Rixon.
"Di po iyan binibenta Maam."napakamot sa ulo ang sales lady.
"Miss buntis po siya baka makunan po bibilhin na lang namin."pangungumbinse ni Jenie sa sales lady.
"S-sige na nga papalitan na lang namin."pumayag naman ang sales lady.
Sobrang saya ng puso ni Rixon.Nalaman niyang pinaglilihian siya pala ng mahal niya.Binilhan niya ng mga teddy bear si Lexie ng makauwi na sila.Umuwi agad sila Jenie at Lexie matapos bumili.Kinabitan ulit ng dextrose ng nurse si Lexie.Nagulat siya na may mga teddy bear na sa sala ibat iba ang laki nila.
"Fetus pa po ang mga anak natin.Di pa po nila pwedeng laruin ang mga iyan."ani naman ni Lexie pero tinabihan ang malaking teddy bear at hinihimas.
"Para sayo ang lahat ng iyan Lexie.You like it diba.?"nakangiting tanong ni Rixon.
"Mas gusto niya po ito kamukha mo daw po Sir."natatawang pinakita ni Jenie kay Rixon ang teddy bear na nakatuxedo pa.
"J-jenie wag kang maingay."namumula bigla ang mukha ni Lexie.Pero inabot niya ito kay Rixon.
"Para sa akin kamukha ko ba siya hindi naman."masayang kinuha ni Rixon ang gift ni Lexie.Dapat itressure niya ang gift nito for him.
"Kukunin ko lang binili namin talaga.Yan decoration lang iyan sa store.Isukat mo para mapalitan ko agad if di kasya."ani ni Lexie sabay akyat ulit sa hagdan.
"Sa kwarto na lang ako magsusukat.Di pwede dito sa sala.Jenie akin na iyang dextrose niya."nakangiting ani ni Rixon.
"Buti naman nakamove on na talaga si Rixon kay Yna Blake.Penelope sisiguraduhin natin na di na ulit makakalapit si Yna kay Rixon."seryosong ani ni Senyora Ignacia sa manugang.
"Tama Mama poprotektahan natin ang relasyon na meron sila ngayon."agree naman ni Penelope sa byenan.
Kasya ang damit pati pantalon ni Rixon.Nang matapos magbihis sa CR lumabas siya.
"Ikakabit ko sana itong necktie mo.Pero di ko alam kung paano."nahihiyang lumapit si Lexie kay Rixon.
"Maam tuturuan kita."nakialam na si Joe nasa tabi lang niya si Jenie parang di na kumukurap pa.Yong ibang mga babae naiirita siya.Pero kay Jenie hindi kaya hinahayaan niyang tingnan siya nito ng parang nanuno ito sa punso.
"Ah madali lang pala.Diba kamukha mo itong teddy bear.?"nakangiting nilapit pa ni Lexie ang teddy bear kay Rixon.
"Thank you paano mo nalaman ang size ko.?"curious na tanong ni Rixon.
"Diba niyayakap mo ako I estimated na lang kung ano size mo."casual na sagot ni Lexie.
"Sir kung di mo naitatanong genius iyan.Nasa ibang dimension ang utak niya.Nakakainggit nga sasabihin niya na di daw siya nakapag aral.Pag exam na perfect madalas nangongompya na lang din ako sa kanya para makapasa rin."masayang kwento ni Jenie.
"Kay daldal nito sobra.Ok ba ang style po Sir Rixon.?"tanong ulit ni Lexie.
"Yeah I like it thank you."hinila ni Rixon ang matangos na ilong ni Lexie.Sobrang ganda pala ito pag ngumingiti at sa malapitan.
"Nga pala Sir seryoso ba yong father mo na ipakasal kayo ni Lexie.?Kinausap na namin si Auntie ok lang daw mabuntis siya basta pakasalan siya ng lalake.Sir pwede mo bang maging legal wife na lang si Lexie.Kahit civil lang muna kayo ikakasal.Di kasi niya maiwan talaga ang mga babies.Kasalanan po iyon sa Dyos."si Jenie na ang nagsalita para kay Lexie.
"G-gusto mo bang pakasalan kita Lexie.?"gulat na tanong ni Rixon.
"K-kalabisan na hiling iyon Sir pero sana.Ayoko madisappoint ang Mama ko sa akin.Iresponsableng Ina din ako pag iniwan ko mga anak ko po Sir.Pipirma po ako kung may prep up agreement po.About sa property mo di po ako maghahabol."nagbabasakali si Lexie na maging legal na Ina siya sa mga anak niya.
"Teka paano contract na pinirmahan ninyo.?"biglang naalala ni Jenie.
"Ok lang iyon pwede naman iyon baguhin ni Sir Rixon."sagot agad si Joe.
"I think di na kelangan ng prep up agreement.Tatawagan ko ang private atty. namin."Para kay Rixon may himala pala talaga.Tsaka na siya mag iisip basta willing si Lexie makasal na sa kanya.Takot magbago ulit ang isip nito.
"Sir yong shares exaggerated na iyon sobra.Gusto ko magbanat ng buto para Maiahon ko sa kahirap sila Mama.Ayoko po sa instant na grasya."panindigan ni Lexie habang katabi na niya si Rixon.
"Wag mo ng isipin iyon.Here dito ka mag fill up."binigay ni Rixon ang marriage certificate na fill up an ni Lexie.
"Ang dami naman fill up an.Di na ako magpapakasal ulit."bulalas ni Lexie habang pumipirma.
Amused na napangiti si Rixon.As if papayag siya nang hiwalayan.Greedy man siyang matatawag sa kagustuhan pati si Lexie gusto niyang maangkin din.Pero sumusunod lang siya sa bulong ng puso naman niya.
"Buti nga iyan lang gagawin mo.Ang alam ko yong normal na kasal talaga.Maraming preparation iyon Lexie.Convenient sayo di ka na mag seminar sa city hall niyan.Nakakapagod daw yong pila."ani naman ni Jenie na binabasa ang papel na nasa harapan ni Lexie.
"Tama ka Jenie mas ok na itong ganito.Di naman ako pwede pumila doon na nakadextrose."biro na ni Lexie kaya gumaan ang ambience ng villa na iyon.
Matapos iyon masayang masaya na si Rixon.Ang iisipin na lang niya kung paano ligawan si Lexie na di awkward sa kanilang dalawa pareho.Dinala niya yong teddy bear na regalo ni Lexie sa kanya sa opisina niya.Buong araw siyang energetic sa pagpirma ng mga papeles.
"Sir may bisita po kayo."nakasimangot si Joe dahil kasunod nito si Yna na nakaliyad na.May bitbit itong paper bag.
"R-rixon advance happy birthday.Baka di ko maibigay sayo bukas ang regalo ko.Kaya I personally come here."matamis ang ngiti ni Yna.
"Yna Blake inappropriate yata sa isang may asawa at buntis pa ang bumisita sa ex bf niya.?Nga pala last mo na itong bisita sa opisina ko ngayon.Buntis na si Lexie din ayoko may misinterpretation sa pagitan naming dalawa."malamig pa sa yelo ang pakikitungo ni Rixon kay Yna.
"G-ganun ba gusto ko lang tuldukan ang alitan natin dalawa Rixon.Gusto kong maging kaibigan mo na lang.Di kasi ako mapapanatag sa isipin na may galit ka pa sa akin hanggang ngayon.Sana you accept may apology."umiyak bigla si Yna gusto niyang kaawaan man lang siya ni Rixon.
"Yong kapatawaran Yna di mo dapat dinedemand iyon sa akin.Ang gusto ko lang wag mong lalapitan si Lexie in the future.Dahil pag ginawa mo iyon ako makakalaban mo talaga."pagbabanta ni Rixon sa ex gf niya na tinuring na niyang kaaway ngayon.
"D-di naman siguro mag cross ang landas namin.Studyante pa lang siya diba.?"pilit ang ngiti ni Yna habang gusto din umiiyak.Matatawag na drama queen na nga siya sa harapan ni Rixon.
"Dapat lang makakaalis ka na."pagtataboy agad ni Rixon dito ayaw niyang machismis na naman sila na nagkikita ni Yna Blake ulit.
"S-sige will ang cute ng bear na ito.Akin na lang di bagay sa opisina mo."biglang kinuha ni Yna ang bear sa mesa ni Rixon.
"Wag mong hawakan iyan.!Sinong maysabi sayo Rixon Miller na ibigay mo iyan sa ex gf mo.!"umalingawngaw ang boses ni Lexie sa opisina niya.May dala itong lunch box siguro hinatiran siya ng lunch nito.
Nataranta si Rixon hinablot niya ang teddy bear na hawak ni Yna.At lumapit agad sa misis na niya.
YOU ARE READING
Surrogate Hired Wife
RandomSi Rixon Miller gusto maging ama pero ayaw magkaroon ng asawa...but biglang ma inlove sa Hired niyang surrogate mother sa kanyang magiging baby....