Surrogate Hired Wife ♡ Part 11

57 2 0
                                    

Napuna ni Joe na kanina pa malalim ang iniisip ng boss niya.
"Sir di ka ba masaya magkakababy na kayo ni Maam Lexie.?"maang na tanong ni Joe dito.
"Masaya pero 1 year lang pwedeng mananatili si Lexie sa Villa.Mabilis lang lumipas ang isang taon Joe."malungkot na sagot ni Rixon.
"Nakalimutan mo ba Sir ang contract ninyo na kelangan alagaan ni Lexie ang mga babies ninyo.?Sa tingin ko pag nanganak na siya.Di na niya kakayanin iwan ang mga anak ninyo.Ang gawin mo mag effort ka ng husto.Para mabuild up ang relasyon ninyo kahit papaano.Tamang tama buntis na po si Maam Lexie.Kaya kumilos ka na Sir Rixon."parang si Joe ang love counselor ni Rixon ngayon.
Tumaas ulit ang energy ni Rixon.At siya na ang nagtutulak sa cart ni Lexie.
"Kelangan mo ng gatas para sa buntis.Nabili na natin ang lahat ng vitamins.Ok na siguro iyan Lexie noh.?"masinop sila ni Jenie sa pera dahil mga studyante pa sila.Binabudget nila ang lahat ng binibili.Kung di importante di sila bumibili na dalawa.Di naman nagkulang ng pagkain sa Villa.Ang katiwala naman ang namamalengke sa daily supply nila.
"Let's go sa shopping area.Diba kelangan ng maternity na dress at yong underwear.Nabasa ko lang din sa Google  iyon."Yaya ni Rixon sa dalawa na magshopping.
"Di pa malaki ang tiyan ko tsaka na.At ok lang kami na lang ni Jenie ang magshopping ulit.Unahin mo ang bussiness mo Sir Rixon."walang gana si Lexie makasama si Rixon.Kanina di ito masaya na buntis na siya.Iniisip niya baka nagkakaayos na sila ni Yna Blake.Wala siyang karapatan na alumin pa iyon.Basta iniisip niya na kelangan maging healthy paglabas ang mga anak niya.Pag kelangan itakas sila magagawa niya agad iyon.
"S-sige pero kakain muna tayo bago umuwi."Yaya na lang ni Rixon ayaw niyang pilitin si Lexie pag ayaw nito.
Kapansin pansin na dumistansya lalo si Lexie kay Rixon.
"What's wrong may pumunta ba sa bahay habang wala ako.?"nag aalala si Rixon na nagtanong kay Lexie.
"Pagod lang po ako Sir.Tapos na po kaming kumain pwede na ba tayong umuwi.?"malamig ang pakikitungo ni Lexie kay Rixon.
"Kung may problema ka Lexie sabihin mo.Maybe I can help right.?"tanong ulit ni Rixon pakiramdam niya may problema ito.
"W-wala po Sir basta masama lang po ang pakiramdam ko.Jenie tayo na sa parking area."hinila na ni Lexie si Jenie na sumunod agad sa kanya.
"Sa palagay ko Sir dapat natin tanungin ang kaibigan niya."suggest naman ni Joe.
"Tama ka complicated ang mga babae lalo na buntis."napabuntonghininga na lamang si Rixon.Di pa niya nakuha ang trust ni Lexie.Kaya nangangapa pa siya ngayon.Pero dapat nga niyang mag effort at magpapasensya.Kakaiba si Lexie kesa kay Yna.Madali niyang mabasa si Yna pag nagtampo or whatever.Pero si Lexie di pa niya ito kilala talaga.Kung anuman ang likes at dislike nito.
Sa Villa nacorner nila si Jenie dahil tulog na daw si Lexie.
"Pwede mo bang sabihin sa amin ang problema ni Lexie.?"tanong ni Rixon sa nahihiyang si Jenie.
"Ok naman po ang kapatid niya.Tapos unti unti ng nababayaran utang nila.Wala pong problema si Lexie po."magalang na sagot ni Jenie kay Rixon.
"Aloof sa akin noon pa si Lexie.Pero ngayon talagang di siya natutuwang nakikita ako.Alam mo ba ang dahilan.?"tanong ulit ni Rixon sa kaibigan ni Lexie.
"Nong wala ka panay tingin niya sa picture mo.Ngayon oo nga noh naimberna siya sayo.Malamang tulad ng sinasabi ng matanda.Pinaglilihian ka po Sir ni Lexie.Yong Tita ko po pag yong asawa niya di niya nakikita.Hinahanap daw lage.Tapos pag andyan naman nabubugnut lage sa mister niya.Ganun siguro po iyon Sir Rixon."nakangiting sagot ni Jenie.
"Ganun ba yon.?"amused na napakamot sa ulo si Rixon.So ibig sabihin siya pinaglilihian ni Lexie pala.Will mas ok iyon kesa sa isipin niyang talagang nagagalit si Lexie sa kanya.
Kinabukasan nagsusuka si Lexie.Ramdam niya ang morning sickness na tinatawag nila.At nagpasya si Rixon  na di muna papasok sa opisina.Pwede naman siyang magtrabaho sa bahay lang muna.Bago lang sila nakapagclose ng deal sa Malaysia.
"Sana may mapagtanungan tayo na expert noh.Di ko din alam ang paglilihi.Patay na ang Mama ko at nag away kami ni Papa.Kanino kaya tayo pwedeng magtanong.?"nag iisip si Jenie kung paano maiibsan ang morning sickness ni Lexie.
"Sir kay Senyora Ignacia at kay Madam Penelope pwede yata tayong magtanong.Ganito sabihin mo na buntis ang gf ko kamo."ideya ni Joe sa problema nila.
"S-sige itry ko.Nagtanong ako sa OB normal lang daw iyon.Pero nahihirapan masyado si Lexie."nag aalala ng husto si Rixon sa kalagayan ni Lexie.Kaya no choice siya tumawag siya sa mansion.
"What buntis na ang gf mo Rixon.?Penelope ipahanda mo ang sasakyan at pupunta tayo agad sa Villa ng apo ko."halos tumili si Senyora Ignacia sobrang exaggerated ito.Nataranta naman si Penelope at excited sa apo niya.
"Joe paano ba ito ang alam nila si Lexie ang buntis.?Pupunta sila dito mamaya."nataranta naman si Rixon paano niya itago si Lexie sa lola at Ina niya.
"Baka expected nilang mabuntis talaga si Maam Lexie."pati si Joe napakamot sa ulo.
"So nagpanggap din si Lexie na gf mo Sir Rixon.?Kasama ba sa bayad yon Sir.?Sa tingin ko pinagsamantalahan ninyo ang kainsontehan ng kaibigan ko.Alam mo ba Sir na araw araw niyang iniisip.Na kung mabuntis siya maiiwan ba niya ang mga anak niya sayo.?Will sabi ko naman if magbago isip niya pwede namin itakas ang triplets.Sana tigilan nyo na po ang ginagawa ninyo.Mayaman kayo at wala kaming laban mahihirap.Pero may dignidad din kaming pinaglalaban."galit na nagwalk out si Jenie.Ang akala niya nanamantala lang si Rixon Miller sa kalagayan ngayon ni Lexie.
"So wala siyang balak iwan yata ang mga anak namin.She is so cute kung iniisip niyang itakas ang mga anak namin.Mas ok iyon para di na siya maliwagan ng iba."Para kay Rixon sobrang cute ang mahal niya.Tama ang sinabi ni Jenie.Nanamantala nga siya dahil inaamin niya na love at first sight siya kay Lexie Flores.
"Cute din iyong kaibigan niya Sir.Pareho silang character nakikita kong magiging magaling silang abogado balang araw."nagday dreaming din si Joe kay Jenie.
Nang malaman ni Lexie na alam ng parents ni Rixon na buntis siya.Gusto niyang pumunta na lang sa Mars para magtago until manganak.
"Bakit ka kasi pumayag na magpanggap na gf ka ni Sir Rixon.?Sabi mo nga complicated ang lovelife ng amo mo Lexie.Naghahanap ka talaga ng sakit ng ulo."sermon ni Jenie sa kaibigan.
"Sorry na ang akala ko iisang beses lang iyon.No choice ako dinala niya ako sa kasal ni Yna Blake."huli na ang pagsisi ni Lexie nangyari na.
"See dinala ka doon para maging shield sa ex gf niya Lexie.Will nandyan na iyan nag impake na ako ng ilang gamit.Para sa hotel tayo matutulog ngayon.Tatandaan mo ito pag nagalit ang pamilya ni Sir Rixon.Aalis agad tayo delikado ang pagbubuntis mo dahil triplets iyan Lexie.Kung gusto mong protektahan ang mga anak mo.Wag ka na lang makipagtalo sa kanila maliwanag ba."paalala ni Jenie sa kaibigan.At bitbit na ang malaking bag na naglalaman ng mga gamit at damit nila ni Lexie.
"Sige gagawin ko ang sinasabi mo."Para sa kaligtasan ng mga anak niya iiwas na lang muna sa gulo si Lexie.
"S-saan kayo pupunta Lexie at Jenie.?"natarantang salubong ni Rixon sa dalawang may bitbit ng bag.
"Kung magalit ang parents mo kay Lexie.Aalis muna kami dito Sir Rixon."malamig na sagot ni Jenie.
"J-jenie wala ka bang bilib kay Sir Rixon na maprotektahan niya si Maam Lexie.?"sabad naman ni Joe.
"Di dapat si Lexie nagtitiwala sa kanya.Surrogate mother lang ang hinahanap niya nong una.Tapos biglang ginawa niyang shield si Lexie sa kasal ng ex gf niya.?Tama ba iyon ha matanda.?"galit na ani na talaga ni Jenie.
"Akala ko ba Jenie kalma lang dapat."natatawang ani ni Lexie sa kaibigan.
"Ok lang ako Lexie kasi di naman ako buntis.Ako bahala sayo aba atty. ang kurso natin.Magagamit ko ito laban sa mayayaman na ito."matapang na ani ni Jenie at hinarap sina Joe at Rixon.Natigilan naman ang dalawa.Tama nga iyon dahil kung sumama ang father ni Rixon.Tiyak na di iyon papayag agad sa pagbubuntis ni Lexie Flores.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now