Surrogate Hired Wife ♡ Part 24

74 2 0
                                    

Ikakasal na daw si Rixon kaya dapat may bachelor party daw siya tulad ng mga lalake na ikakasal.
"Bossing maraming naghihiwalay sa bachelor party na iyan.Sasayawan ka ng isang pokpok.Sa tingin mo ba magugustuhan iyon ni Lexie.?"paalala ni Joe kung ano ang disadvantage sa bachelor party na iyon.
"Tama ka Joe nakakatakot magalit si Lexie.Magparty na lang ako sa mansion siguro.Baka ayaw ni Lexie sa bahay natin diba Joe.?"laging inaalala ni Rixon ang kapakanan at mararamdaman ni Lexie.Dahil misis na talaga niya ito physically at emotionally.At eversince loyal na tao si Rixon.Sa relasyon nila Yna Blake ang babae ang nagloko hindi siya.
Sinabi ni Rixon na may pool party siya sa mansion bago ikasal.Kaya naman gusto ni Lexie at Jenie magmall daw.Bibili din sila ng groceries na lulutuin nila para sa mga bisita daw ni Rixon.Kaya buong araw nagleave si Rixon para samahan nila ang mga ito sa mall.
"Hay naku di na kami bata ni Jenie.May driver at bodyguard naman sana.Sila pabitbitin ng pinamili namin.Sayang pinapasahod sayo Mr.Miller."nakangiting ani ni Lexie habang hawak niya ang braso nito na halatang alaga ng gym.
"Mrs.Miller don't worry ako nagpapasweldo sa mga employee.You forget na CEO ako."natatawang pinisil ni Rixon ang ilong ni Lexie.
"Kasi naman Sir Rixon bibili kami ng swimsuit diba pool party iyon.?"masayang ani ni Jenie at casual nakahawak din sa braso ni Joe.
"Ano dapat ako pipili sa isusuot mo Mrs.Miller.?Di pwede two piece dapat magshorts ka lang at may patong pang itaas."possessive na lalake si Rixon mana siya sa ama niya.Imposibleng mambabae ang kagaya nilang kung magmahal wagas.
"Dapat di kita itong bilbil ko.Minsan isama mo kami ni Jenie sa gym.Aba tatalbugan ko mga exes mo Rixon Miller."biro pa ni Lexie.
"Babalutin kita pag sobrang sexy ka Lexie Miller."niyapos naman ni Rixon ang simpleng asawa niya.
"Kinikilig ako Joe."biglang yakap ni Jenie sa beywang ni Joe.
"Same here."sumaya ang puso ni Joe dahil talagang kay lambing ni Jenie sa kanya.
Sa paglalakad nila nakita nila si Winston Adam's kasama si Yassi Blake.Intimate ang mga ito sobra.
"Bhe diba mister iyon ni Yna Blake.?May kasamang babae Bobo lang ang di mag isip na di niya kabit iyan."palihim na turo ni Lexie sa di kalayuan.
"Baboy sila ei kapatid yata iyan ni Yna yong babae diba Joe.?Ayan naghahalikan pa ewww.!"nandidiri namang saad ni Jenie.
"Bhe yon bagay yata sayo parang hawaian ang dress.Tapos maraming katerno na pang swimming."walang pakialam si Rixon kung may kabit naman si Winston Adam's.
"Nakikinig ka ba sa akin.?"kinurot pa ni Lexie tagiliran ni Rixon sabay simangot pa.
"Syempre oo and I don't care.As long di ka makakita ng kabit.Wala akong pakialam sa ibang babae.Playboy iyang Winston na iyan diba Joe.Di na ako nagtataka pa."pagpapaliwanag naman ni Rixon.
"Kunsabagay ano naman pakialam natin sa kanila diba.?Dapat terno tayo ng suot sa party ok."kibit balikat na lang ni Lexie wala siyang pakialam sa ibang tao din.
"Joe dapat terno tayo wala ka namang partner diba.?"ani naman ni Jenie sa kasama.
"Jenie type mo ba si Joe.Dahil crush ka niya sobra."tinulungan na ni Rixon ang assistant at bff niya.
"Jenie magpaligaw ka muna.Rixon easy to get iyan gusto niya automatic."biro ni Lexie kay Jenie.
"Nararamdaman ko iyon.Kaya ano pa ba  hihintayin natin.?Pero wag muna akong buntisan.Baka paluin ako ni Mama Melba mahirap na."hagikgik naman ni Jenie.
"S-so tayo na.?I never promise pero aalagaan kita at mamahalin habang buhay na."napaiyak si Joe na niyakap agad si Jenie.
"Jenie sobrang chessy ng matatanda noh.Na cringe kami pag ganun kayo sa totoo lang."ngiwing ngiwi si Lexie pa.
"Agree jologs kami gusto namin yong casual lang Joe."hagikgik naman ni Jenie.
"Ok dapat kami pala mag adjust lage ni Joe para di kami tawagin lage ninyong matanda."napakamot sa batok naman si Rixon.
Masaya silang nagshopping at talagang nakasalubong nila bigla sina Winston at Yassi.Biglang naging formal ang dalawa.Kunwari nagshopping ang mga ito para sa anak nina Winston at Yna.
"Lexie Flores anong feeling na umangat ka na ngayon.?"nang iinsultong tingin ni Yassi kay Lexie.
"Ano bang sinasabi mo babae.?Close ba kita para banggitin mo ang pangalan ko.?"tinaasan ng kilay ni Lexie ito.Di na siya natatakot sa sabunutan.Dahil di na siya buntis if ever magkarambulan sila ngayon.
"Your so over confident pala ano.?"ayaw pagpapatalo naman si Yassi.
"Problema mo babae ka.?Ang sarili mo Punahin mo wag ang ibang tao."maldita namang ani ni Jenie.
"Kaya nga nasa tabi mo na ang brother in law mo.Siya ang atupagin mo hindi ako.Umaasa ka bang di na lang naging brother in law mo iyang asawa ng kapatid mo ano.?"matapang na ani ni Lexie dito.
"W-what do you mean.?"tila guilty ang boses ni Yassi dahil nagdate sila ngayon ni Winston.
"You know what I mean babae.Tatanungin kita anong pakiramdam ng third wheel.?"umandar pagka taklesa ni Lexie.
"Ano bang sinasabi mo.?Nagshopping lang kami para sa pamangkin ko."nataranta pang nagpapaliwanag si Yassi.
"Talagang close kayo niyang brother in law mo.Dahil kanina hawak pa niya ang beywang mo.May bilas bang nakikipaghalikan sa asawa ng kapatid niya in public.?"prangkang ani talaga ni Jenie.
"Y-Yassi let's go na wag mo nang aksayahin pa ang oras mo sa kanila."hinila dali dali ni Winston si Yassi at di makatingin kay Rixon mismo ito.
"Enjoy wag kayong mag alala secret lang natin kay Yna Blake ito ok."pang aasar pa ni Lexie kay Yassi Blake.
Tawang tawa sina Rixon at Joe sa alaskador na kasama nila.Proud sila dahil di na nagpapatinag ito.
"Baliw ang mga kakilala mo Rixon.Nakikipag away sa akin kahit nanahimik lang naman ako diba.?"di maintindihan ni Lexie ang mga impakta na kilala ni Rixon Miller.
"Ibig sabihin noon maraming inggit sa beauty mo Bhe."pinanggigilan ni Rixon ang mukha ng asawa niya.
"Exactly sa sobrang cute ni Lexie pati ako naiinggit.Madalas ko lamutakin ang mukha niya sa totoo lang."agree si Jenie nakakainsecure ang mala baby face na mukha ng kaibigan niya.
Para kay Lexie di madali ang maging misis ni Rixon Miller.Simula na ng laban kung hahamunin siya nina Yna at Jessica.Di na niya aatrasan ang mga ito.
Abala sila sa party daw ni Rixon.Nagluluto sina Lexie at Jenie sa kusina.At naglalambing naman si Rixon.
"Hoy amoy Pawis ako doon ka nga di ka kelangan sa kusina.Hintayin mo na lang mga bisita mo."pagtataboy ni Lexie sa parang tuko niyang mister kanina pa.
"Ang bango mo nga di ka kasi nakikinig sa akin.Sana di na kayo nagluto Bhe.Taga Pahid ako ng Pawis mo oh.Kaya kelangan ako dito sa kusina."giit ni Rixon.
"Kay hirap gumalaw Manong kung sobrang clingy mo.Kelangan itong barbecue para pulutan ninyo.At itong fruit juice para sa amin ni Jenie ito.Di kami umiinom ng alak.Sabi ni Papa Jino ganito daw dapat.Nag order sila ng mga street foods.Magtatagay daw kami mamaya sa ibang mesa noh."energetic si Lexie dahil nagkakasundo na din ang mga senior ngayon.Mag iinuman daw ang mga ito mamaya din.
Samantalang ang opinion ng mga barkada ni Rixon.Controller freak ang asawa daw ni Rixon.Kung si Yna Blake daw naging misis nito gaya ni Winston Adam's ngayon malayang nakakalabas daw ng bahay.Yong iba namang married na naintindihan nila si Rixon.Bilang may asawa at mga anak na.Di dapat naglalage sa night life dahil madalas may tukso sa bar kumbaga.Ayon sa iba loyal lang si Rixon kesa kay Winston sa mga asawa nila.Wala namang alam si Lexie kung ano ang opinion ng mga ito.Nilalayo nga siya ni Rixon sa mundo nito.Dahil baka mastress daw siya sa mga sinasabi ng ibang tao.Makapal ang mukha ni Jessica Brandon.Sumama siya sa parents niya para pahiyain daw si Lexie Flores sa mga kaibigan ni Rixon mismo.Ang mga barkada ni Rixon di pa nakikita si Lexie ng malapitan.Pero may mga tao talagang nanghuhusga kahit di pa nakilala ang isang tao mismo.At mahilig silang mangumpara sa kung sino ang mas angat daw sa buhay.Dahil si Lexie di kilala sa lipunan na ginagalawan nila.Kumpara kina Yna Blake at Jessica Brandon daw.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now