Chapter 5

7 2 0
                                    

Yuna's POV


“Ang tanga mo talaga, Yuna. Ano ba ang nakain mo,” pagsesermon ko sa sarili habang paalis ng hotel.

Deritso-deritso akong naglakad pauwi na may iratasiyon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kayang panindigan ang sariling maging galit sa kanya kahit alam ko namang nababagay sa kanya ang ginawa ko. Konsesya nga lang ang problema dahil madali akong maawa.

Buong maghapon kong tahimik na binabasa ang librong nakalathala ang kanyang buhay.

“Ang bully niya talaga kahit bata pa,” hindi ko maiwasang pagkomento sa mga eksenang pangbubully niya. “Masyadong spoiled ng magulang.” At pinatuloy kong binabasa hangang hindi ko na malayan na mag hahating gabi na. “Ang sama talaga ng ugali.”

Napatingin ako sa ballpen kong hawak na pinaglalaruan ko ngayon. “Paano kaya kong ilabas ko ang litrato niyang nakadress noong pinasuot sa kanya ng mama niya,” nakangiting kong saad habang nakatingin sa libro. “Tingnan natin kung may dignidad ka pa pagkagising mo.” Sinimulan ko ng isulat ang naisip kong pangpapahiya sa kanya at hinayaan ko na magliwanag ito.

“Paalam dignidad.”

×××

Nagising ako dahil sa walang tigil na pag tunog ng cellphone ko. Pagkabukas ay sunod-sunod na pop up ng notification ang bumungad sakin. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi dahil alam ko na bakit umiingay ang notification ko ng ganitong oras. Naupo ako sa kama at tawang tawa na binabasa ang mga kumento sa post na nakamusangot na itsura ni Zayd habang naka dress ito at nakatingin sa camera.

Lumakas ang tawa ko ng makita ang komento ng magkakaibigan.

Zayd Jaxon Fuentes
WTF? WHO THE HELL POSTED THIS FREAKING PICTURE?

Archie Suarez
WTH?

Brian Chavez
WHTF bro?

Zayd Jaxon Fuentes
DELETE THIS FREAKING PICTURE NOW!!

“Ang epic nila.”

May ilang nagshared post na may caption "Zayd's as your girl". May ilan ring nagsend sa  messenger. Buti nalang at linggo ngayon siguradong ilang minuto lang ay kaya nilang itake down ang post. Alam kong si Archie ang gagawa ng paraan para maalis iyon sa internet o madelete ang post at ang mga messages. Hindi makaka aksyonan ni Zayd dahil sa sakit na binigay ko kahapon at kung si Brian naman ay wala siyang alam sa paghack ng account. May kanya-kanya silang kakahayan hindi lang puro banta.

“Kahit naman idelete niyo o patahimikin sila. Nakita na ng maraming tao ang post.” Pinatay ko ang cellphone ko ng mapansin ang pagbiglang laho ng post. “Tatak na iyon sa utak nila kahit gamitan niyo pa ng dahas.”

Fate's Inkwell (COMPLETED) (PUBLISHED) Where stories live. Discover now