UL17

8.8K 265 28
                                    

DAP POV

Napalingo siya sa taong nagsalita sa kaniyang likod. Natuwa siya kung sino ang nakita niya. Si Clark at Kathy. Anong ginagawa ng mga ito dito? Tanong niya sa sarili.

"Bessy!" sigaw nito na tatakbo sa lugar niya. Niyakap siya nito at tumabi sa kanya. Huh? Bakit ka andito? " tanong nito sa akin.

"Nagbabakasyon! Kayo anong ginagawa ninyo dito?" Balik niyang tanong.

"Business trip! Isinama ako ni Dad. Siya sabit lang." -Clark

"Ah ganon ba!" tatango tango siya.

"Oo nga pala Bessy sino ang kasama no dito? Si Tita ba?" Nabigla siya sa tanong ng kaibigan. Wala nga pals I to alam kung Anong ang relasyon nila ni Arvin. Napatingin siya Kay Clark park humingi ng tulong. Napakunot lang ang noo nito. Do siguro magets nito ang paghingi ko ng tulong.

"D-di ko kasama si mommy. B-bessy! M-may ipagtatapat ko sayo", nauutal ako do ko alam kung tama ba na sabihin ko na dito. At baka malaman nito sa kuya nito baka ma's malaki pa ang tampuhan na mangyari.

" Ano yun bessy? " tanong ulit nito. Alam naman niya do siya titigilan ni Kathy. "Dali na sabihin mo at magbabar tayo. Di ba kuya okay lang?" baling nito sa kapatid. Tumango lang ito at napatingin sa akin. Gusto iparating nito na tama ang gagawin Kong pag-amin sa kapatid niya.

"Ahm.. Bessy, wag kang magagalit kung naglihim ako sayo. Di ko naman intensyon na ilihim sa inyo pero kailangan eh!" Napahawak siya sa batok niya para maalis ang kaba niya sa dibdib.

"Naku Daphane Abigail umayos ka! Kinakabahan ako sa mga sasabihin mo!" - Kathy

"Kat-kat pwede maghintay ka at wag masyadong atat! Tskk!" saway ni Clark sa kapatid. Hinampas ni Kathy ang kapatid sa braso. "Napakabrutal mo talaga kaya di ka magustuhan ni Drew eh!" biro nito sa kapatid.

"Bessy!" - Dap

"Ano nga?" - Kathy

Pumikit muna siya bago niya ito sabihin. "Kasama ko asawa ko."

Namilog ang mata nito. "ASAWA? Ano ito joke? At kailan ka pa nag-asawa ha! Aber! Di mo man lang kami binigyan ng invitation? Aba kaba Daphne Abigail Cervantes di nga namin alam na nagkaboyfriend ka. At sinong hudas ang napangasawa mo ha?" Dirediretchong tanong nito sa kaniya. Kilala niya ang kaibigan. Kung si Sofia meydo tahimik na may pakabitch magsaliya pero ito si Kathy walang preno ang bibig at parang may megaphone ang lalamunan.

"Wag mo ng alamin kung kailan kami kinasal. Basta may asawa na ako," ani ko dito.

"Siguro naman pwede kong malaman kung sino yang magaling mong asawa." Pagmamataray nitong sabi sa akin.

She rolled her eyes. Alam naman niya na dumadaan na naman ang kamalditahan ng kaibigan. Kapag malaman nito kung sino ang asawa niya patay na naman siya dito. Tiningan niya ito sa mata gusto niyang makasigurado kung handa na ito sasabihin niya. Sa nakita alam niyang maiintindihan siya nito. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Si Arvin Miguel Concepcion ang asawa ko!" nakita niya ang pagbabago ng anyone ng mukha kung kanina excited ngayon parang toro ang ilong. Naiimage niya na umusok ang ilong plus na niningkit ang mata nito.

"Si ARVIN THE MONSTER ANG ASAWA MO?"- Kathy

Tumango lang siya. Narinig Kong natatawa si Clark sa reaksyon ng kapatid. Sinaway ko ito. " Ano? Bakit ka natatawa?" Tanong ko kay Clark. Di niya ako sinagot kibit balikat lang.

"As in Arvin Miguel Concepcion?" binuo nito talaga ang pangalan. Naiiling na lang siya sa kakulitan ni Kathy. "Halika ka na Dap," hila nito sa akin. Nagtataka ako sa ngayon bakit bigla na lang ito nang hihila. Napatingin ito sa kuya nito. "Kuya ano di ka pa gagalaw dyan? Kailangan natin magpunta sa bar at may giyerang mangyayari. Dalian mo at wag kang bagal bagal! Tsk!" Sigaw nito sa kuya Clark niya. Lalo among nagtaka sa inasal ni Kathy. Napatingin ko kay Clark na parang nagtatanong. Umiwas ito ng tingin sa akin na lalo pinagtaka ko.

Nakarating na kami sa bar. Pagpasok namin nakita ko madaming kabataan na tulad namin na nagsasaya. Medyo siksikan ang pagpasok namin. Nagpalingalinga si Clark para maghanap ng mauupuan.

"This way."- Clark.

Sumonod kami ni Kathy. Iba talaga kapag matangkad. Naupo ba siya na may lumapit na waiter hinayaan na namin na si Clark ang mag order ng drink.

Panandalian na wala sa isip ko ang problema. Masaya talagang kasama ang magkapatid na ito. Hinila ako ni Kathy sa dance floor. Di naman hard ang ininum namin pero pakiramdam ko tinamaan ng ako ng kaunti. Natatawa na lang siya sa mga ginagawa nila. Napagod na sila kaya bumalik na sila sa table.

Pabalik na sila sa table sa di kalayuan naaninag niya si Arvin at Camille. Kitang kita niya naghahalikan ang dalawa sa isang sulok ng bar. Napatigil siya sa paghakbang.

" That bitch!" galit na galiy na sabi ni Kathy. Nakita rin pala nito yung dalawa. Ako eto tulala at magakapagsalita. Narinig na lang niya ang sigaw ni Kathy sa mga ito. "Ang kapal ng mukha mo lalaki ka at di ka na nahiya. Bakasyon ninyo ng asawa mo tapos ikaw kung sino sino ang kasama mo. Grabe! Ang sa masama mo." Nakalapit na pala ito. "At ikaw babae ka wala kang kahihiyaan nilalandi mo ang lalaking may asawa na" , duro nito kay Camille. Don ako na tauhan kaya napatakbo ako sa kinaroonan ng mga ito. Hihilahin ko na ito kaso ayaw magpaawat. "Hoy! At ikaw naman Dap! Bakit pumayag kang niloloko ng asawa mo?" Napatingin ako kay Arvin. Nakikita kong nagpipigil na ito ng galit sa ginawang eskandalo ni Kathy. Pasalamat na lang sila at maingay sa bar kaya di agaw eksena.

"Kathy!" tawag ko dito.

"What?" naiiritang sagot nito.

"Kathy halika na. Tama na yan." saway ko dito.

"Abby ilayo mo yang kaibigan mo baka di ko makapagpigil masapak ko yan kahit babae yan. Bumalik ka na sa hotel natin", ramdam ko na iirita na si Arvin sa ginagawa ni Kathy.

"Sige gawin mo! Once lumapat ang kamay mo sa kapatid ko di rin ako magdadalawang isip na patulan ka, Dude." lumapit na rin pala si Clark. Mas lalo kong naramdaman ang tensyon.

"Wow! What a coincidence? Wag ninyong sabihin nagbabakasyon din kayo dito?" nakangising sabi ni Arvin kay Clark. Kita ko mas lalo napakapit si Camille sa braso ng asawa ko.

"Nope! Nagkataon na naman napadaan kami sa park at nakita ko ang asawa mo na UMIIYAK at kinakausap ang sarili." Pinagdiinan nito ang salitang umiiyak. Bumaling si Arvin ng tingin sa akin di ko alam kung ano gusto ipahiwatig nito. "Di ba sinabi ko sayo Concepcion wag mo akong binigyan ng dahilan para makuha ang isang pag-aari mo na gustong gusto ko." Lalo bang naningkit ang mga mata ni Arvin sa mga sinabi ni Clark.

"Pwede ba Clark isama mo na yang kapatid mo at si Dap. Lumabas na kayo dito at wag kayo gumawa ng eksena dito." Saad ni Camille.

Nagpantig ang tynga ko sa sinabi ni Camille. Di na ako papayag manahimik pa. Kung tutuusin siya ang legal na asawa. Bakasyon namin ito dapat ako ang nagsasaya di ang Camille na yan. "Ang tigas talaga ng mukha ml para magsalitang gumagawa kami ng eksena. Kayo ang dapat mahiya. At ikaw Arvin? Bakasyon natin ito pero anong ginawa mo? Huh? dinuro ko ito. "Iniwan mo ako sa hotel para makipagkita sa KABIT mo! Wow! Ang sweet mong asawa! At ikaw haliparot ka talaga sumunod ka pa dito." Kinagat niya ang labi para mapigilan niya ang pagiyak. Ayaw kong ipakita sa mga ito na mahina siya. "Di ka ba na hihiya kapag malaman ng parents mo na isa kang kabit!"

"Di ako natatakot Dap. Go kahit samahan pa kita. Wala pa rin magbabago kasi alam nila ang situasyon ninyo ni Arvin. Alam nilang napilitan si Arvin pakasalan ka dahil inagaw mo ang lahat para sa kanya." Nabigla ako sa sinabi nito. Di niya akalain pati yun na ikwento ng asawa dito.

Lumapit ako sa dalawa. Pinigilan ako ni Kathy pero di ako nagpapigil. Nanginginig na ako sa galit. At alam ko ramdam ni Kathy. Isang sampal ang ibinigay ko kay Arvin. "Ang galing naman! Good job Arvin!" At isang sampal din ang ibigay ko kay Camille. Napanganga si Arvin sa ginawa ko sa kanila. "And excuse Camille, di ko siya pinilit kusang loob siyang nagpakasal sa akin. Akin ang yaman ng mga Concepcion dahil ako ang tunay na anak ni Mr. Stanley Concepcion. Kaya walang pumilit sa kanya."

Tumalikod na ako sa mga ito. Don't lang dumaloy ang luha na kanina pang gustong lumabas.

---

.

A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon