UL28

9.4K 261 23
                                    

GRADUATION BALL

Masayang masaya ang lahat na umattend ng graduation ball. Grupo grupo ang mga lahat ng estudyante, ang iba nagsasaway sa dance floor, ang iba nasa bar section at ang iba naman kasama ang mga kanikanilang nga kasintahan. Kaming tatlo eto naghihintay kung sino ang mag-iinvite isayaw sila. Pero itong si Sofia kanina pang panay ang tingin sa cellphone niya at nang tumunog ito.

"Dap and Kathy dito muna kayo pupunta lang ako ng wash room," paalam nito sa amin ni Kathy.

"Wash room daw? If I know...." Biro ni Kathy kay Sofia. Inirapan na lang ni Sofia si Kathy at tumalikod.

"Dap, hahanapin ko lang si Coco Jam ko ha!" Tumayo ito at nagtungo kung asan ang hinahanap nito.

"Hay nga naman! Nag-iisa na naman siya..." she sighed and talk to herself. Nagtataka kayo kung asan si Clark? Di siya nakaattend ng graduation ball dahil may emergency meeting ito sa Singapore. Kaya eto ako nag-iisa sa table na ito.

"Alone?"

Napatingin siya sa nagsalita. "Anong kailangan mo Camille?" Inirapan niya ito.

"Hmm... Looser!"

"Ayaw ko ng gulo kaya kung pwede! Leave me alone. PLEASE!"

"Paano kung sabihin kong AYAW KO!" Tumabi pa ito sa kaniya.

"Gulo ba ang hanap mo Camille?" Naiirita na talaga ako sa babae ito. Kung di lang madaming tao dito kanina pa niya itong nasampal, sabunutan at balian ng buto.

"Paano kung sabihin ko sayo OO?" Nakaasar na wika nito.

"Crazy..." tatayo na dapat siya ng hilahin nito ang kanyang braso kaya na pa upo ulit siya.

"Crazy pala ha!" Nabigla na lang siya ng sabuyan siya nito ng red wine sa mukha. At dahil sa pagsigaw nito nakakuha ito ng atensyon..

"Habang nakakapagtimpi pa ako sayo Camille. Umalis ka na sa harapan ko..." mahinahon kong wika dito. Pilit niya alisin ang kamay nito sa braso niya.

"Saan ka pupunta despreda..." hinawakan ulit ni Camille ang braso niya.

I sighed. "Please Camille tumigil ka na. Ayaw kitang patulan. Nakakakuha na tayo ng atensyon ng iba... " Pakiusap ko dito.

"Ah ganon..." mataray na wika nito at humarap sa mga kapwa nilang estudyante. "Makinig kayo lahat. This woman (sabay turo sa akin), Daphane Abigail Cervantes is already married to my boyfriend Arvin Miguel Concepcion. Pero dahil sakim ang babae ito na pilitan magpakasal ang boyfriend ko dahil aalisin ng mana si Arvin ng Papa niya. Do you think guys di DESPREDA ang babae ito...?"

"Tumigil ka na Camille!" Pinutol ko na ang sasabihin ito. Sa lahat ng ayaw ko pinag-uusap ang pribadong buhay niya.

Lahat ng mga tao sa loob ng function hall ay nagsitingin sa amin dalawa. Nakuha ni Camille ang atensyon ng kapwa nilang estudyante. May naririnig siyang laban sa kaniya at ang iba naawa sa ginawa ni Camille.

"Bakit nahihiya ka malaman nila ang despreda ka, ha? Ayaw na nga ng lalaki sayo pinagsisiksik mo pa rin ang sarili mo..."

"Di ka ba talaga titigil, huh? Bakit ikaw ang mapahiya kapag nalaman mo ang totoo. Kaya kung ako sayo tumigil ka na..."

"Bakit totoo naman di ba? Kayo ng nanay mo mga despreda kayo..."

Di na siya nakapagtimpi kaya nasampal niya ito ng malakas. Sa sobrang lakas na out of balance ito kaya napaupo ito sa sahig. Eksaktong dating naman ni Arvin, dinaluhan agad nito si Camille.

"Bakit? Sisigawan mo ako huh? Sasampalin mo ulit ako ha? Sige ipagtanggol mo ang KERIDA mo..." pilit kong patatagin ang aking boses. Ayaw ko nang maging talunan sa paningin ng mga ito.

"Sana Abby di mo na pinatulan si Camille..." pagtatanggol nito kay Camille.

Umiiyak na lang bigla si Camille at yumakap sa asawa ito kay Arvin. "Wow! Pang FAMAS award ang peg mo teng. Magsama nga kayo ng KERIDA mo..."

Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao nakapaligid sa akin ngayon oras na ito. Ang importante na ipagtanggol niya ang sarili. Taas noo akong nag lakad palabas ng function hall ng hotel. Di na niya tinawagan ang driver nila para sunduin siya she want to be alone.

Inalis niya ang kaniyang sapatos para makapaglakad ng ayos, nangangawit na kasi ang mga paa niya sa taas ng heels ng sapatos niya. Who's care kung mukha siya loka loka sa paningin ng iba.

At eto na naman para nagbabadya pang umulan. Nakakita siya ng bench at umupo siya. "Hay! Rain... rain... go away come again another day...ayyyyy!" napasigaw siya ng tuluyan lumakas ang ulan. "Bad ka rain! Nakikisama ka pa sa sama ng loob ko..." Feel na feel niya kausapin ang langit kahit di nama ito sumasagot. "Gagong Arvin na yon lagi na lang niyang pinagtatanggol si Camille di ba niya nakikita mas maganda ko sa haliparot na yon... langya naman o sumagot ka kahit minsan lang langit. Nakakabuwisit ka na..." Mas lalong lumakas ang ulan at sa paglakas ng ulan napahikbi na rin siya ng tuluyan.

"Gago ka Arvin..." paulit ulit niyang sigaw. Alam niyang walang nakakarinig sa kaniya dito. Kahit ang pag-iyak niya alam niya walang nakakarinig.

Nabigla na lang siya may dalawang brasong yumakap sa kaniya. "I'm sorry Abby..." di siya makagalaw sa kinauupuan niya pakiramdam niya kakapusin siya ng hininga.

"Anong ginagawa mo dito Arvin?" Nangingig na wika ko dito.

"Nag-aalala kong ng nakita kitang lumabas ng hotel kay sinundan kita..." ganoon pa rin ang ayos naming nakayakap ito sa aking likudan.

"Lubayan mo na ako Arvin. Nang dahil sayo lagi nalang ako binubully ni Camille. Nang dahil sayo masama ang tingin nila sa akin dahil akala nila pinikot kita. Arvin, mahal kita... mahal na mahal kita di ko alam kung kailangan pero naramdaman ko na lang na mahal kita kahit di mo ako pinakikitahan ng mabuti..." naiiyak na pag-amin ko dito. Naramdaman ko ang pagluwag ng aking dibdib. Tama lang pala na umamin ako ng damdamin ko dito. "Pero nang dahil sayo nasasaktan ko paulit ulit. Kaya nang dahil sayo lalayo ako para protektahan ang puso ko..."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito at naramdaman ko na lang ang paghikbi nito.

~

NAIA Airport

"Princess mag-inggat ka sa California ha! Don't worry baby bibisitahin ka namin ng daddy mo kapag natapos ang problema dito." Ani ng Mama niya. Bumaling siya sa daddy niya nakatingin lang ito sa kaniya.

"Dad! No hug ba? Aalis na ang princess ninyo?" May tonong pagtatampo wika ko.

"Naku ang princess ko malaki na nga, magiging independent na halika nga dito pa power hug di daddy..." natatawang niyakap nila ang isa't isa.

"Ma... Dad... mamiss ko kayo! Lagi akong tatawag at may Skype para di ninyo ako mamiss. At isa pa gawa na kayo ng baby sister or baby brother ko para may bata tayo sa bahay..." biro sa mga aking magulang.

"Susubukan naming princess..." pilyong wika ng daddy niya.

"Oi Stan tumigil kayong mag-ama..." inirapan nito ang asawa.

"Ma... Dad... pasok na ako baka mahuli ako sa flight ko." Niyakap ko ang mga ito sa huling pagkakataon.

"Bye..."

Liningon niya ulit ang kaniyang magulang. Andon pa rin ang mga ito, kumaway siya sa mga ito bago tuluyan pumasok sa loob.

"Bye Arvin... bye old Dap!" Ani niya sa sarili.

~

Sinisipag ako ngayon kaya two chapter ang update ko. Wahhhh.... no edited no review po ang chapter na ito hahaha so please vote and comment. 

A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon