UL 46

7.3K 233 50
                                    


"Mga bata isusulat ni Kuya Kiko ang mga letra at aking babasahin ha!"  Masayang sabi niya sa mga bata. Pagkatapos nilang magkulay ng coloring book, Pinababasa niya ang mga bata ng alpabeto. 

"Opo!" Sabay sabay na sigaw nila.

"Kuya Kiko  pakisulat ang lahat ng vowel sa ating white board." Utos niya kay Kiko.

Binibigkas muna niya at  sabay sabay ng mga batang binibigkas muli. Masaya ang araw nila at mas lalong masaya siya dahil may natutunan ang mga bata ngayon.  Pagkatapos nila mag kaunting salo salo ang mga magsasaka. Naglatag ang mga ito ng dalawang malaking dahon ng saging, nakalagay sa gitna ang kain, nilagayng talong, orka, piniritong tilapia, kamatis at inihaw na baboy. At nakakalaway pa kahit amoy kong ang enseladang mangga na may itlog na pula, kamatis, sibuyas na tagalog at alamang. 'Argghh.. nakakagutom talaga.'

"Maraming salamat sayo Iha! Kung di dahil sayo baka hanggang ngayon di pa marunong magkulay at magbasa ang mga anak namin..." pasasalamat ng Aling Martha. Si Aling Matha at Mang Narciso ang katiwala ng mga lolo sa sakahan. 

"Walang ano man po! Natutuwa ko ako na may pinagkakalibangan ako dito at makakatulong po ako sa inyo,"  inaalalayan ako nito sa upo na kung saan nakalatag ang pag-kain.

"Pagpalain nawa kayo ng Maykapal anak! At huwag mo siyang masyadong isipin mahal ka ng asawa mo makikita ako sa hugus ng mukha mo."

"Nanay Martha, para kayong manghuhula!" Natatawa lang siya sa sinabi nito sa kaniya. Alam naman kasi niya ang totoo. At ang totoo di siya mahal ng asawa, ay mali pala dating asawa. Pero di mawawala ang pagmamahal niya dito.

"Sabihin natin may nakatagong mata ako para makita ang hinaharap..." sagot nito.

"Nanay, baka maniwala si Ate Dap..." si Kiko.

"Naku bata ka! Ikaw sa tingin ko palang makakaalis ka sa lugar na ito at makakapagtrabaho sa ibang bansa. Tandaan mo yan kapag tumama ang sinabi ko ipapagawa ko kami ng mansion dito sa Albay," biro ni Nanay Martha sa batang si Kiko.

Nagsidatingan na ang ibang magsasaka. Nakakamay kaming lahat kumain. Dito walang mahirap at mayaman lahat pantay pantay. Sabi nga kapag na kain galit galit muna sa taong nagugutom katulad ngayon lahat sila naka-focus sa pag kain dahil kapag pala-kwento ka ma-uubusan ka ng pagkain. Pagkatapos kumain may isang oras pa silang magpahinga kaya nagkantahan muna ang mga ito. Naririnig ko ang tawanan ng mga bata at mukhang sumasayaw ang mga ito.

Naramdaman ko na lang lumapit si Nany Martha sa akin at may pinakilalang bagong magsasaka. "Iha, pinakikilala ko bago nating tauhan, si Miguel. Miguel ito nga pala ang apo ng may-ari ng lupain na ito. Kaya igalang mo siya,!" 

Kahit di niya nakikita ang pinakilala, nginitian niya ito. 

"Wala pong problema Ka Martha! Napakagandang dilag naman ang nasa aking harapan..." na wiwierduhan siya sa tono ng pananalita nito. Nasa Bicol sila pero may puntong itong Batangueno. 

"Alae wag kang magtataka binibini di ako taga-rito. Dumayo po ako dito para maghanap ng pwedeng kong pagtrabahunan. Kamag-anak po ako ni Ka Luisa taga kabilang barangay. At proud Batangueno po ako!" 

Natatawa talaga siya sa punto nito. Naiintindihan naman niya. 

"Mukhang na pa saya ko ang binibini. Alae! Kagandan mong kapag ngumingiti ka..." Saad ni Miguel.

Nakaramadam ako ng pag-iinit ng aking pisngi. At kung nakikita ko lang ang aking sarili for sure mapulang mapula ang pisngi niya.

"Ikaw damuha ka kung ano ano ang mga sinasabi mo. May asawa na si Dap kaya di ka na pwede..." Si Nanay Martha.

"Alae! Sayang naman pakiramdam ko ngayon lang tumibok ang puso ko tapos basted agad!" Halong tonong nang hihinayang.

"Naku kang bata ka kahit gwapo ka di pupuwede yang ginagawa mo kay Dap. Kaya lumayo ka baka paiyakin mo yan. Madaming gugulpi sayo. Hala trabaho na!" 

Natatawa na lang siya sa sinabi ni Nanay Martha na madaming gugulpi dito. At napakunot din ang noo niya sa sinabi nitong gwapo ang bagong magsasaka. 

"Wag mo akong pagkamutan ng ulo kang bata. Sige punata ka na sa asawa ko at itututro sayo ang gagawin mo..."

"Opo!" Narinig ko na lang ang mga yapag ng mga paang palayo.

"Iha, gusto mo na bang umuwi o dito ka muna sa ilalim ng puno ng mangga?" tanong ni nanay Martha sa kaniya. 

"Dito muna ako nanay. Masarap po kasi ang hangin at makakatulog naman po ako dito sa duyan dahil malilong naman po dito..."

"Sya kung ganon, ikaw ang bahala! Aalis muna ako at titingan ko ang ibang pananim sa kabilang ibayo." Pagmamaalam nito sa akin.

"Sige po! Ingat po kayo!"

Sa sarap ng hangin na amoy niya. Walang polusyon. Dahan dahan niyang idinuyan ang sa pamamagitan ng paa niya. At paunti unti nakakatulog na siya.

-

Nakaramdam na siya ng lamig ng hangin. Hapon na pala. Nariririnig niya may nag-giguitara sa tabihan niya.

"Sino ka?" Tanong niya sa nag-giguitar. Kasi parang ibang tao ang kasama niya.

"Alae! Si binibini di na ako nakilala!"

"Naku pasensya ka na Miguel. Tama ba ako?" Nag-aalinlangan ko sa pangalan nito. Nakilala ko lang siya sa punto ng pananalita nito.

"Ayieee, tumpak aking binibini!"

Napahagikhik ako sa pagtawag nito sa akin. "Sige pwede mo akong tawagin binibini at tatawagin naman kitang ginoo! Okay ba yun sayo?"

"Aking kinagagalak aking binibini!"

"Asan na sila ginoo?" Nararamdaman ako na kami lang ang tao dito.

"May inaayos lang. Dahil may dadating na bisita."

"Ganon ba!"

"Ako na ang nagpirisintang umalalay sayo pauwi."

"Hoy! Ginoo balita ko gwapito ka daw? Totoo o ba?"

"Di naman binibini! Sapat lang!"

"Hmmm, pa humble ka pa! E parinig ko sa mga kababaihan dito e!"

"Ikaw din binibini napakaganda mo!"

"Nagkakabolahan pa tayo!"

Pareho kaming tumahimik. Ang Pakiramdam ako parang matagal ko na siyang kilala. Palagay ang loob ko. At ay ewan baka imagination lang niya.

"Sige! Hmmm, ginoo may mga butuin na ba?"

"Oo binibini!"

"Pwede hawakan mo ang akin kamay at ituro mo sa akin ang pinakamaliwanag na butuin." Naramdaman ko ang mga kamay na pasingahap ako sa paghawak niya.

"Your hand is shaking!" 

Nabigla siya sa sinabi nito. "Anong sabihin mo?"

"Alae binibini sabi ko mukhang malamig na dito uwi na tayo..."

"Siguro nga nilalamig na nga ako kaya pati pananalita mo nagbabago sa pandinig ko..."

Inalalayan ako ni Miguel hanggang makauwi kami. Nangako ang binata na ipapasyal siya nito sa isang araw.

~




A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon