HALOS isang linggo ang mga magulang niya dito at mga lolo niya. Masaya siyang nagkasama sama silang lahat. Sa una di madaling pagkasunduin ang ama at ang lolo niya dahil sa pakiusap niya nagkasundo ang dalawa. Di lang ako ang napanatag ang loob pati na rin ang Mama niya at Lola niya. At dahil magaan ang pakiramdam niya ngayon araw na ito at wala si Kiko dahil nasa paaralan. Si Miguel ang susundo sa kaniya na eexcite siya makita ang binata di niya alam pero kapag kasama niya ito iba ang nararamdaman niya. Andon pa rin ang pag-aalala niya sa asawa at mahal pa niya ito. Di pa rin siya handang pumasok sa ganon relasyon lalo na sa kalagayan niya.
"Yahooo, binibini andito na ako!" Natatawa siya kapag nagsasalita ito. Sa tinagal tagal nilang magkasama minsan na hahawa na siya dito. Pero magpagdududa pa rin siya sa pagkatao ng binata. Ang pakiramdam niya kilala kilala siya nito. Alam nito ang paboritong niyang pagkain, mga hilig sa meryenda at kung ano ano pa. Kapag tinatanong naman niya sabi nito malapit na. Yun lang laging ang sinasabi nito.
"Ginoo, palabas na ako! " Balik kong sigaw dito.
Paglabas niya na amoy na niya ang damit nitong amoy ukay ukay. Uso kasi dito sa sa ukay ukay sila bumibili ng damit. Dahil mahal daw ang damit na bago, e sa ukay kapag magaling ka daw maghalungkat makakakita ka daw ng branded na damit.
"Ay ang tigas!" Nabangga siya sa isang bagay. Hinawakan niya ito. "Ay! Ano ba yan bakit ganito ang pader?"
"Ehermm, binibini di pader yan kaya wag mong hawakan pababa baka kung ako ang mahawakan mo sa baba!" Rinig niyang sagot ni Miguel.
Nagimbal naman agad siya kaya napaurong siya at sa pagkakaurong niya nawalan siya ng balanse kaya alam niyang papatak siya sa samento. Pero di nang yari yun at naramdaman na lang niyang masumalo sa kaniya.
"Careful naman!"
"Huh?"
"Ala e sabi ko mag-inagt ka naman! Baka mamaya masaktan ka e mamahalin pa kita! At mamahalin mo mulit ako!"
"Huh?"
Nagtataka siya sa mga sinasabi nito, di niya maintindihan ang mga sinasabi nito. 'Anong mamahalin pa kita? At anong mamahalin ko ulit siya?'
"Tayo na binibini habang di pa sikat na sikat ang araw. Mas masarap maligo sa ilog kapag ganitong oras." Tinayo siya nito ng ayos at inalalayan siya nito. Di na niya ito tinatanong dahil mas na excite siyang makapunta sa ilog na sinasabi nito.
~
"Dito ka lang ha! Huwag kang pupunta kung saan saan lalangoy lang ako!" Saad ni Miguel sa kaniya.
"Saan ka ba pupunta? Wag kang magtatagal sa tubig please. At wag kang lalayo sa akin!" Ani niya.
"Di na ulit ako lalayo sayo dahil di ko na kakayain pa!"
"A-arvin?"
"Ala e sinong Arvin? Nakakatampo naman binibini ibang lalaki ang binabangit mo!" Mabilis na sa sagot nito.
"I'm sorry! Naalala ko lang ang dating kong asawa." Malungkot niyang wika.
"Gago kasi ang asawa mo! Di mag-iisip! Pabigla bigla kasi! Ang isipin mo magsaya ka ngayon wag mo munang isipin ang gago mong asawa..." saad ni Miguel.
"Di naman! Kahit ganon yon mahal ko yun! Kaya nagsakripisyo ako para ipagpatuloy niya ang buhay niya. Alam kong mas madami pang magagawa si Arvin kesa sa akin."
"Bakit mo ginawa yun? Pwede naman kayong makahanap ng donor, di ba? Bakit ikaw pa?"
"Naghanap kami pero walang kaming makita donor. Halos isang buwan kami naghintay pero wala pa rin. Kung tatanungin mo bakit ko ginawa yun? Isa lang ang masasagot ako mahal na mahal ko ang asawa ko," di na niya mapigilan tumulo ang luha niya kapag naalala niya. "Kaya kong ibigay ang lahat para sa kaligayahan niya! Alam mo ba bata palang kami di kami magkasundo ni Arvin. Lagi kami nag-aaway at lagi nang may na kahandang pranks ito. Minsan ginantihan ko ito. Lagyan ko nga ng bulate ang kama nito at langgam ang closet nito."
"Ala e pilya ka pala binibini. At napakaswerte pala ng asawa mo nakakainggit naman. Sana di pa huli ang lahat!"
"Alam mo baliw ka ano? Kung ano ano ang pinagsasabi mo? At di kita maintindihan!" pagtatakang sagot niya.
"Wag mo nang pansin ako binibini. May paka tsimoso lang ako!Hehehehe..."
"Ang dami ko nang nasasabi sayo pero ikaw wala ka pang sinasabi sa akin tungkol sayo!" May himig na pagtatampo.
"Walang importante sa buhay ko, aking binibini!"
Palagay talaga ang loob ko dito kaya madami akong naikuwento dito. Maging masaya ang pamamasyal namin. Buong maghapon kami magkasama. Inimbitahan ni Ate Emily ito dito kumain ng hapunan. Nakakamiss pala ang mga dating ginagawa mo. Katulad ng pagluluto.
"Ate Emily, anong tingin mo kay Miguel?" Tanong niya dito.
"Naku, Dap napakagwapo ni Miguel! Akala ko nga noong una anak mayaman. Kasi naman di mukhang anak ng magsasaka. Kasi tisoy na tisoy ang itsura nito at nakapaganda ng mata. Wag mo lang pagsasalitain nakakaturn off..."
"T-tisoy?"
"Oo tisoy talaga?"
"Ano po ang frame ng katawa, Ate?" Tanong niya ulit dito.
"Naku Dap, nakakalaglag ng panty ang pagkamacho..." bulong na wika nito. "Wag kang maingay baka marinig ka ni Kuya mo magselos yun!"
Madami pang kinukuwento ang ate Emily niya. Nagdududa na siya sa paglalarawan nito kay Miguel. Parang isang tao ang tinutukoy nito. Pero ayaw niyang isipin iisang tao lang yung naiisip niya. Ang balita niya sa magulang masaya na daw ito. At busy sa negosyo nila kaya walang oras na bisitahan ang magulang nila.
"Dap, luto na ang Bicol Express at gatang tulingan. Magugustuhan mo ito kasi medyo maanghan katulad ng request mo..."
Sabay sabay silang kumakain. At talagang galit galit silang dahil sa sarap ng luto ni Ate Emily. Lahat kami nagtawanan pagkatapos kumain. Dahil taob daw ang sinaing na kanin at pati rin ulam. Masarap kasi kaya eto busog na busog sila.
Nagtambay silang lahat sa may hardin. Si Ate Emily naghahanda ng kapeng barako na galing kay Miguel at dinagdagan pa nito ugoy ugoy na tinapay. Habang naghihintay kami. Si Kuya na asawa ni Ate Emily nagguguitara ngayon. Kami naman ni Kiko nakikinig lang.
"Ala e kuya pwede ko bang mahirap ang guitara mo. At maharana ang magandang binibini ito!" Rinig niya saad nito.
"Oo naman Miguelito!" Ani ni Kuya.
Nagtawanan kami sa pagtawag ni Kuya kay Miguel. Si Kiko lang kasi ang tumatawag kay Miguel ng Miguelito lalo na kapag nag-aasaran silang dalawa. May pagka-isip bata kasi itong si Miguel at pumapatol sa bata.
"Ala si Kuya e!"
"O ito na wag ka nang magtampo!"
Rinig kong sinisimulaan na ni Miguel pagtutug ng guitar. Napa wow siya at mukhang sanay na sanay mag-guitar ito.
Binibini sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa 'yoTumayo ang balahibo ko sa lahat ng katawan ko nang nagsimula itong kumanta. KIlala niya ang boses na yun. Di siya pwedeng magkamali.
Alaala, at isip at pagod
Sa yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda
O kay ganda mag-alay sa 'yo
Hooh..Nakinig lang siya dito. At pinakinggan mabuti ang boses ng lalaki.
Sa 'king tanong magkatutoo
Kaya
Sagot mo para nang sinadya
Hooh...
Pagsapit ng magandang umaga
Ako'y bumalikwas din
Panaginip naglaho't natunaw
Nguni't nar'yan ka pa rin
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisang lakas ng purong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa 'yo
O kay ganda
O kay gandang mag-aly sa 'yo"Sino ka? Sino ka talaga?"
~
BINABASA MO ANG
A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️
Chick-LitGalit siya sa akin dahil sa ginawa ng mga parents namin. Di ko naman kasalanan kung pumapaibig pa ang mga magulang namin. Nagkataon lang pareho daw silang malungkot at wala nang sabit kaya ayun boom nagpakasal sila. Nang dahil sa kanila naging delub...