Mahigit na tatlong buwan na akong na mamalagi sa Pilipinas at naging maganda ang resulta. Nakikilala na rin ako bilang OB Gyne at di anak ni Stanly Concepcion. Sa ngayon lahat ng negosyon ng pamilya si Daddy at si Arvin ang humahawak. Kaya laking rin ng pasasalamat ko na di kami masyadong nakikita.
Yung nangyari sa bar, ang pinakakaasar na nangyari. Start nangyari yun di na ako pinapayagan umalis ng bahay nawalang kasama bodyguard, na singayunan ng magulang nila. Di niya alam kung ano ang sinabi ni Arvin sa parents nila.
Isang malaking KAASAR ang Arvino na yan.
~
Andito kami ngayon sa bahay ng magulang ng Mama ko. Pinatawag kami ng attorney ng pamilyang Chua.
Pagpasok palang amin main door na panganga ako sa design sa loob ng mansion di mawawala ang tradition ng Chinese.
My Mom is pure chinese kaso mas malakas ang dugo ni Daddy kaya di ako mapagkakamalan may dugong tsekwa.
Naramdaman ko na lang ang mahigpit na hawak ni mommy sa braso ko. Nang lingonin ko ito umiiyak na pala. "Stop crying, Ma. Baka pumangit ka kapag nakita ka nina lolo at lola..." biro kong saad. First time kong makita sa personal ang magulang ng ina. "Ma, kaya natin ito! Kung di ka pa rin mapatawad nina lolo andito kami ni Daddy. Kaya cheer up..." niyakap niya ito para iparamdam na di nag-iisa ang ina. Mahal na mahal niya ang kanyang ina mula nang namatay ang Papa niya na kinilalang ama, ang mama lang niya ang nagsandigan niya. Bonus na lang na mabait rin ang tunay niya ama.
"Ma, ang yaman pala nina lolo. Grabe!" Napanganga siya sa mga nakadisplay at ayos ng mansion.
"Yes, anak pero mahirap lang ang mga Lolo mo noong nagpunta dito sa Pilipinas. Masipag at tiyaga ang lolo kaya yumaman. Di ko lang na gustuhan ang pagiging istrikto ng lolo mo wala naman na gawa ang lola mo noon. Only child lang ko kaya mas pinaghihigpitan nila ako. Alam mo naman ang traditional ng mga Chinese, kung pure chinese ka dapat yun din ang mapangasawa mo. Kaso matigas ang ulo ng Mama mo kaya ayon na naglayas ako..."
"Kaya na buo ako di ba?" Inihilig ni Dap ang ulo sa balikat ng ina.
"Oo na buo ka ng pagmamahalan namin ng Daddu mo..." kompirma ng kaniya ina.
"E bakit di kayo nagkatuluyan ni Daddy noon? Di ba mayaman din naman ang pamilya ni Daddy?"
"Naka arranged na kasi ang kasal ng Daddy mo noon. Kung di sa Papa mo na bestfriend namin walang tatayong ama mo. Pusong babae ang Papa mo pero pinatunayan pa rin niya na puwedeng maging isang mabuting ama siya sayo kahit di ka niya tunay na anak..."
"Yes Ma the best si Papa. But thankful din ako kasi na kilala ko rin si Daddy..."
"Anak?"
Sabay sila na palingon sa taong nagsalita buhat sa hagdanan. Naiwan si Dap sa sofa dahil tumakbo ang kaniya ina sa lola niya.
"Mama, sorry and I really miss you!" Wika ng mama ni Dap. Ramdam ni Dap ang pagka-miss ng dalawang tao sa buhay niya. Masaya siyang pinagmamasdan ang mga ito.
"ELAINE!"
Lahat kami na palingon sa pinakataas ng hagdaan na kung saan may nakatayong may edad na lalaki at kung di siya nagkakamali ito siguro ang lolo niya. Napataas ang kilay niya sa nakita kung sino. Ang daming question mark sa ulo niya ngayon.
"P-papa..." mauutal na sambit ni Elaine.
"Mabuti nagpakita ka na sa amin. Kung di ka pa ipapatawag namin di mo kami maiisipan puntahan!" May pag ka dominateng wika ng lolo ni Dap.
"Papa?" / "Ramon!" Sabay na sambit ng mag-ina Elaine at Emma.
Nagpatuloy si Ramon sa pagbaba ng hagdaan. Di nito pinansin ang kaniyang mag-ina at dumiretso siya sa kinatatayuan ng kaniyang apong si Dap.
Napalunok si Dap sa paglapit ng lolo niya. Di niya akalain napakadominate ng kaniya lolo. At kahit matanda na ito matigas pa rin ang pangangatawan at gwapo rin pala ito. Parang lang si Christopher De Leon ang peg ng lolo niya.
"Ikaw ba si Daphane?" Tanong ni Ramon kay Dap.
"Yes, I am..." sagot niya na walang kagatol gatol.
Bumalik ulit si Ramon sa kaninang mag-ina at kasalukuyan palapit na ito sa kinatatayuan nila ni Dap.
"Magsi-upo kayo at may mahalaga akong sasabihan sa inyong mag-ina..." ang tinutukoy nitong mag-ina ay sina Elaine at Daphane.
"Di na ako magpapaligoy ligoy pa Elaine. Gusto kong matuloy ang pinagkasunduan ng mga Chua at Lim. Kung di mo nagawang magpakasal kay Ruben ang anak mo ang magpapakasal sa anak ni R- -"
"Pa! Wag mong gawin ang ginawa mo sa akin. At di rin ako papayag..." putol na ni Elaine.
"WALANG GALANG!"
"Ramon!"
"Noong pinayagan na kitang makipagtanan kay Luke at magpakasal kay Stanly . Kahit kailan wala kang utang na loob...."
"Ramon, may sarili nang buhay ang anak mo at na patunayan naman nila na maging maayos ang pagsasama nila." Ani ni Emma sa asawa.
"Wag kang makialam dito Emma. Kaya lumalaki ang ulo ng anak mo ng dahil sa kakakonsenti mo...." singhal nito sa asawa.
"Mawalang galang na po Sir. Wag naman kayo manigaw at isa pa po apo lang ninyo ako at di ninyo anak. Kahit parte kayo ng aking pagkatao wala kayong karapatan manghimasok sa buhay ko. Una po ngayon ko lang kayo nakilala at ganon di ako sa inyo. Pangalawa, di ako pinanganak dito sa mundong ito para sakupit ang desisyon ko. Pinalaki ako ni Mama na nakaagabay siya sa bawat desisyon ko. Patatlo, di po ako for sale para ipagbenta kahit kanino." Matatag na sagot ni Dap sa kaniyang lolo.
Nagkatitigan silang mag lolo. Walang sino man ang gustong bumababa ang tingin.
"Matigas rin ang ulo po katulad ng ina mo..."
"Syempre po mag-ina kami. Ma, halika na po kayo kung di pa rin kayo tanggap ni Sir. Andito kami ni Daddy." Hinila na niya ang kaniya ina. Hanggang ngayon di pa rin umiimik.
"Elaine, kilala mo ako. Kung dati di na kita pinakialaman ngayon ako naman. Sa ayaw at gusto ng anak mo magpapakasal siya sa anak ni Senador Lim. Kung di matitinag ang anak mo negosyo ng asawa ang babaksak..." pagbabanta nito at umalis sa harapan namin.
Napaiyak na lang si Elaine sa sinabi ng ama. Kilala niya ito at sigurado siya gagawin ito ng ama.
"Shhhh... Elaine anak! Pag pasenyahan na ninyo ang ama mo. Apo sorry sa maling asal ng lolo mo..."
"Sorry rin po lola..."
"Mama, anong gagawin ko kung ipipilit ni Papa ipakasal si Dap sa anak ni Ruben..."
"Di ko rin alam anak! Lalo ngayon napakamapangyarihan ang mga Lim ngayon..."
Niyapos na lang ni Dap ang kaniya ina at lola. Sa ngayon wala siya maisipan plano. At isa pa kasal siya kay Arvin. Pero napakadaling ipa divorce ang kasal nila.
~
BINABASA MO ANG
A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️
ChickLitGalit siya sa akin dahil sa ginawa ng mga parents namin. Di ko naman kasalanan kung pumapaibig pa ang mga magulang namin. Nagkataon lang pareho daw silang malungkot at wala nang sabit kaya ayun boom nagpakasal sila. Nang dahil sa kanila naging delub...