UL 44

7.1K 197 33
                                    


"Arvin, anong ginagawa mo? Di ka ba na kokonsensya sa ginagawa mo sa asawa mo?"

Andito si Camille sa bahay. Pinauwi na ako ng doctor ko. Dito na lang kami maghihintay sa donor ko. Si Camille lang ang lagi kong kausap. Kahit kaibigan ko di ko sila kinakausap. Ayaw kong kaawaan ako nino man. Kaya inilalayo ko ang loob ko sa kanila.

"Camille, ayaw kong ikulong si Abby sa responsiblidad niya sa akin. Madaming pagkakataon maging mas maganda ang buhay niya sa iba."

"Goshhh! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Makakaya mo bang mapunta sa iba ang asawa mo? You so unbelievable!" Singhal nito sa akin.

"Kakayain ko ang lahat para sa kaniya."

"Masaya ka ba?"

"Alam mo naman ang sagot di ba?"

"Si Dap masaya ba?"

Di ko na ito sinagot. Nararamdaman ko naman ang hinanakit ng asawa kapag pinagtatabuyan ko ito. Lalo na kung binabanggit ko ang divorce. Ang mahiwalay sa asawa ko ay napakasakit pero kailangan kong palayain ito para sa ikakatahimik ng lahat. At di rin niya gustong ikulong ito. May buhay ito na dapat gampanan at di siya kasama don.

~

"Anak, eto na ang divorce papers pinadala ng abogado natin kanina lang..." ang daddy niya.

"Thanks daddy! Pakitulungan lang ako kung saan ako pipirma."

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Anak?" Tanong ng daddy niya.

Pinaliwanag na niya ang lahat sa ama. Una di ito pumayag at nagalit na rin ito. Kung di lang kay Mama Elaine na siya ang nagpaliwanag sa ama di ito papayag.

"Yes,dad! Ayaw ko siyang maawa sa akin..."

"Sana di mo ito pagsisihan kapag nasa katinuan ka na. Eto hawakan mo ballpen. Dyan ka mag-sasign..." wala na siyang sinayang na sandali at pinirmahan na niya ito.

"Dad, pwede na po ninyo akong iwan..."

Narinig niya ang buntong hininga ng ama at lumabas na ito.

"Abby..." tawag niya pabulong. "Mahal na mahal kita..." Napahawak siya sa dibdib at di na niya mapigilan ang umiiyak.

~

"Arvin,pinatawag mo daw ako." Mahinang saad ni Abby.

Pinapunta ko siya dito para pag-usapan namin ang divorce. Andito ako sa love seat. Naramdaman ko umupo ito sa tapat ko. "Naandyan ang lahat na pwede nating paghatian. Siguro naman di ka dihado sa hatian..." kailangan kong patatagin ang boses ko. "Si Atty. De Guzman na ang bahala ng lahat siya na rin ang representative ko. Di ako makakapunta dahil sa kapansanan ako kaya i-acknowledge nila ang reuqest ko-"

"I-ito ba ang gusto mo?" Mahinanon na tanong nito sa kaniya.

"O-oo!"

"Mahal mo ba ako? Ay mali pala. Minahal mo ba talaga ako?"

Napalunok ako sa mga tanong ni Abby. Gusto kong sagutin na,'mahal na mahal kita! Di ko kayang mawalay siya sa akin.' Pero di ko maisatinig ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang tagusan tingin nito kahit di ko nakikita. Ramdam ko ang sakit ng mga hinihingi ko. Pero kailangan palayain ko siya.

"NO!"

"Bakit?"

"Bakit?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Ginagawa ko ito para di ka umasa pa. I don't love you! Si Camille ang mahal ko. Di mo ba naiintindihan?"

"Camille? Nagpapatawa ka ba?" Naririnig ko na itong nagsisimulang umiiyak. "Ikakasal na siya kaya wag mong ipilit ang gusto mo." I know! Camille is get married. Sinasabi ko lang ito para di mahirap sa amin. "For God sake! Arvin, tama na ang laro mo. Game over na! Please naman!"

"Di ako nakikipaglaro. Alam kong babalik si Camille sa akin. Kaya kung pwede lang. Corporation mo lang ang gusto ko..."

"A-arvin kaya akong magpakumbaba sa lahat ng himutok mo. But please wag lang yan..."

Humugot siya ng hininga. Naramdaman niya di na ito nagsalita pa at patuloy na umiiyak. Gusto niya tabihan ito at yakapin ng mahigpit at sabihin, 'tahan na wag ka nang umiiyak...' pero kailangan niya maging matigas.

"Arvin, ang sakit sakit dito," nakalapit na pala ito sa kaniya at kinuha ang kanang kamay niya. Inilagay nito sa dibdib nito. "Ang sakit! Lagi mo na lang binabasa ang puso ko. Akala ko makukuha ko na ang happily ever after ko!-"

"Walang happily ever after, Abby! Matanda ka na para magpapaniwala sa ganon babasahin. It just a fictional stories. Pwede ba wag na nating pahirapan pa ang situasyon. Just sign and leave!" I said in bored tone.

"Okay! I will sign those papers after your operation. Nakakita na ako ng donor. I hope maging successful ang operation. I will assure to you the donor is in good sight. Bye Arvin!" Naramdaman ko ang pag halik nito sa labi ko. "And always remember my heart beating only for you. I love you so much!"

Di ako makakibo sa aking kinatatayuan. Parang pinako ang aking mga paa. At parang akong na pipi nang nakaalis na si Abby sa kwarto ko.

'What I had done? Di siya bumitiw sa akin pero ako mismo ang bumitiw. Gumagawa ang asawa ng paraan para makakita siya. Pero ano ang ginawa niya.' "Abby..." tawag niyang pabulong sa asawa.

~

Araw ng operasyon ko. At ang lahat ay masaya. Tinatanong ko sa doctor ko kung sino ang donor ko. Gusto kong magpasalamat kapag okay na ang lahat. Pinahinto ko muna ang paglalakad ng divorce namin. At masaya akong niyakap nina daddy at Mama Elaine. Masaya na rin si Camille sa naging desisyon ko. Akala pa daw nito mapupurnada pa ang kasal. Dahil sa kaartehan ko.

"Dude, my man! Bilisan mong magpagaling para makapambabae na tayo!" Biro ni Kenneth sa kaniya.

"Manahimik ka nga!" Ani Drew.

"Aray! Kung makabatok wagas? At pwede ba baka may kamera o repoter sa paligid..."

Binatukan pala ni Drew si Kenneth. Nakakamiss ang kulitan nilang magkakabarkada. Si Steve nagpapakayaman para wala masabi ang magiging biyenan. Si Drew naman naghihintay sa mag-ina niya. Si Gail ayon naglulukasa pa rin sa pagkamatay ng nobya. Sa amin lahat parang si Kenneth lang ang walang problema sa lovelife. Kasi ako di ko pa alam ang susuungin ko sa ginawa kong katangaha.

"Gail,any update sa grupo nina Keanu?" Rinig kong tanong ni daddy.

"Don't worry tito. Maayos ang lahat kailangan lang namin maingat. " Gail replied.

"Thank you iho! Mag-ingat ka rin..." may pag-aalalang wika nito.

"Hmmm, Tito si Dap asan nga pala? Tanong ni Drew sa ama.

"Nasa labas lang inaayos ang ang lahat."

"Naku Arvino kapag gumaling ka bumawi ka sa asawa mo. Kung ano ano kasi kaartehan ang nasa isip mo. Buti di na papagod si Dap sayo. Kung ako don iiwan kita talaga...." saad ni Camille.

"Wow! Walang preno? Grabe ka Camille parang armalite ang bibig mo..." Ani Kenneth

"Tse... ang pangit mo!"

"Ako pangit? Umayos ka baka kapag na halikan kita di ka na magpakasal sa fiance mo! Huh!" Boses nito na parang naghahamon.

"Manigas ka!" Sigaw ni Camille kay Kenneth.

~

Nasa operating room na ako. Naramdaman ko ang haplos ng aking asawa at sinabi nito,"magiging okay ang lahat pagising mo. Mahal kita tandaan mo, hubby ko!" Nawalan na ako ng malay.

~


A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon